CHAPTER 1: The Cheating Bastard

198K 1.9K 141
                                    

"Busy ako sa work baka hindi na ako makapunta diyan." Malamig ang tono ng panalilita ni Jon. Hmmm.. Bakit kaya?

"Linggo ngayon ah? And it's our anniversary. Fifth anniversary! Don't you care?" Mariin ang tanong ko sa kanya. Parang gusto kong maghuramentado ngayon dito sa apartment.

"Pinatawag ako ni boss eh." Automatic na sagot niya.

"Oh di pa'no anniversary natin?" I don't wanna sound like an irate mother but I can't help it. Sobrang naiinis ako.

"Babawi na lang ako pag hindi na busy." He said and then hung up.

What? So that's it? I can't believe it! I got stood over. This is not the first time he took me for granted over work. Nakakainis! Excited pa naman ako dahil akala ko magde-date kami ngayon ni Jon. I haven't seen him for almost a month now. Palagi na lang trabaho ang inaatupag niya. I mean, I'm busy too but when it comes to him I always make time. He's been in and out of the country lately kaya mas lalong hindi kami nagkikita. Pero kahit madalas ang pagtatampo ko sa kanya sinusubukan ko pa rin siyang intindihin tutal busy rin naman ako sa trabaho at ayoko naman maging makulit na girlfriend. But this is too much, it's our anniversary today!

Minsan naisip ko na baka may iba na si Jon. Na baka may nakilala na siyang iba sa pagta-travel niya. Arghh! Ayan ka na naman Meg! Busy lang 'yong tao! Natatandaan ko na sinabi niya na he's working hard for our future. Somehow, that thought made me feel better. Ngunit nitong mga nakaraang buwan hindi ko maipaliwanag kung bakit kinukutuban ako ng masama. It's like my instinct telling me that something bad is about to happen but I always dismiss that thought. I trust him at sobrang nami-miss ko na siya. I have to see him.

Hindi ako mapakali. I have to do something. Naisipan kong puntahan na lang siya sa apartment at doon ay hintayin ang pag-uwi niya. I'll surprise him. Maybe we can still celebrate. Pumunta ako ng grocery store at namili ng ipanghahanda. I know he likes my cooking. Especially my version of Chicken Pesto Pasta.

Matulin ang patakbo ko ng kotse papunta sa lugar ng apartment ni Jon. Ibinaba ko ang mga dala ko at inilapag ito sa sahig sa tapat ng pinto. Hindi ako kumatok dahil alam kong wala naman siya at nasa trabaho pa. But I know where he puts his spare key. Sa ilalim ng floormat! Inangat ko ang floormat ngunit wala dito ang susi. Hmmm.. He must have moved it because I warned him before na baka makuha ng magnanakaw. Kinapa ko sa sulok ng pinto kung saan nakita ko siya minsan na kinuha dito. Ngunit wala rin dito. Hmmm.. Sinubukan ko sa kabilang sulok at doon ay nakuha ko ang susi. Yes!

Pagbukas ko, napansin ko agad ang isang pares ng pulang stilletos katabi ng sapatos ni Jon. WTF? Kinabahan ako. That is definitely not his Mom's shoes. She can't possibly wear a 5-inch stilletos! And he doesn't have a sister either! There's definitely something wrong here. Nagdahandahan ako papuntang kusina. Unti unti ay may naririnig akong tunog ng TV and what the hell is that other sound? Ungol ng isang babae!? Nanggagaling ito sa kwarto ni Jon. Something told me not to continue and just walk away but I went on anyway. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Pagtapat ko sa kwarto niya ay nakita kong bahagyang nakasara ang pinto nito. Sumilip ako rito at tumambad sa akin ang hubo't hubad na katawan ni Jon at ng isang babae habang nagtatalik ang mga ito. Shit!

Uminit ang mukha ko sa galit. Tinakpan ko ang aking bibig upang hindi ako mapasigaw at saka unti-unting napaluha habang nasa likod ng pintong naghihiwalay sa akin mula sa hubad na katotohonan. Napaatras ako at dali-daling tumakbo palabas. Parang umiikot ang paningin ko. He's been cheating on me! He's been cheating on me all this time!

Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa kotse ko. Basta pinaharurot ko ito nang hindi alam kung saan tutungo. Gusto ko lang makaalis dito. Hindi ko namalayang napakabilis pala ng patakbo ko sa kotse. Patuloy ang pagbuhos ng aking luha at halos hindi ko na makita ang daan. Bakit nangyayari ito sa akin ngayon?

Nasa intersection ako nang biglang may nagbanggaan na ten wheeler truck at isang matulin na sasakyan. Hindi ko na ito pinansin. I have my own battle going on inside my head. Nagpatuloy ako sa pagmamaneho.

Accidental Love Affair (Published By Bookware)Where stories live. Discover now