CHAPTER 4: Moving on

74.4K 655 12
                                    

Kinabukasan, maaga akong pumunta sa boutique dahil maraming orders ngayon. Nagpaka-busy ako. Pagkatapos doon ay dumiretso na ako sa opisina. Pero kahit busy ako, pareho kong hinintay ang text o tawag ni Jon at Rick. Pero wala. Ano ba namang buhay to? Focus, Meg. Focus! 'Wag kang needy!

Okay. Forget about Jon because he's no longer welcome in my life. We are so through. Si Rick na lang kaya? Umaasa akong mag-text si Rick. Ngunit natapos ang araw na hindi siya nagparamdam. Lumipas ang ilan pang mga araw pero wala pa rin. Siguro ay hanggang doon na lang iyon. Nanghihinayang ako. Deep inside, akala ko siya na ang sagot sa kalungkutan ko. Bakit kasi hindi ako nagpahatid? Baka nasobrahan kasi ako sa pakipot!

Nabalot ako ng lungkot. Kahit ang tingin ng iba ay malakas ako, pag-uwi ay umiiyak pa rin ako. I feel so empty. Gusto kong makalimot. Gusto kong magsimula ulit. Paano ba ako makakalimot?

Naisip kong magbakasyon. Matagal na rin naman akong hindi nakapagbakasyon. Ito yata ang kailangan ko. Kaso saan naman ako pupunta?

Naisipan kong i-text ang mga kaibigan ko. Ngunit para bang nag-usap-usap sila at lahat sila busy. I felt sad pero naintindihan ko sila. We all have our own careers. We are all grown ups. Ganoon talaga.

I've been to almost every tourist destination here in the Philippines. Perks ito ng pagiging editor-in-chief ng isang magazine company. Kaya naman compensated talaga ang lahat ng efforts ko. 'Yon nga lang, pagnagkakayayaan magbakasyon ay wala na tuloy akong maisip na puntahan. Matagal na naming pinaplano ng mga kaibigan ko na pumuntang Batanes ngunit hindi magkasabay-sabay ang mga schedule namin. Nakapunta na ako doon pero gusto kong bumalik ulit na kasama sila. Kung sana ay pwede sila ngayon, kaso hindi.

Doon ako nalungkot.

Saan na nga ba ako pupunta? I really wanted to go to Batanes though pero hintayin ko na lang na magkakasabay kami ng friends ko. Wala akong maisip. But if I stay here baka maloka ako. I really need to leave this place for a while. I need a retreat. Ang arte mo Megan! Pwede ba?!

Eh basta, alam kong kailangan ko 'to.

Uuwi na lang ako sa Baguio. I'll take the car and drive there. Of course! I miss that place and I do want to escape this summer heat. Nakakainit ng ulo lalo. 

Okay. Baguio it is. 

Pagkatapos ng trabaho ko ay tinawagan ko si mama upang tanungin kung may nagre-rent ba ngayon doon. Noong mamatay kasi si Papa pinaparentahan na namin iyon from time to time since ayaw naman tumira doon ni Mama dahil naalala niya daw si Papa palagi.

"Hello, Ma?" I tried to sound cheerful but failed.

"Meg? Kumusta?" Nabigla yata siya at napatawag ako. Na-guilty tuloy ako at ngayon lang ako tumawag.

"Okay lang, Ma." I went straight to the point. "May nagre-rent ba ngayon doon sa bahay natin sa Baguio? Pwede ba akong magbakasyon muna do'n?"

"Walang nagre-rent do'n ngayon dahil katatapos lang no'n i-renovate. Bakit Meg? Anong problema?" Tanong niya. Na-sense niya yata.

"Wala naman po." I denied.

"Meg, kilala kita. Sa tuwing may problema ka pumupunta ka doon. Anong problema?"

"Wala po talaga."

"Mama mo ako Meg. Pwede mong sabihin sa 'kin."

"Hay, okay." Napabuntong hininga na lang ako. Kilalang kilala talaga ako ni Mama. "Wala na kami ni Jon."

"Hay salamat naman at natauhan ka na." Natawa na lang ako sa sinabing 'yon ni Mama. She never liked Jon. Noong una ko siyang pinakilala kay Mama sinabi niya na sa akin na ayaw niya kan Jon kaso hindi ako nakinig. Ayan tuloy.

"I know, Ma. You told me so, Right?" Sabi ko.

"Yes. Mothers know best."

"I know, Ma. Gusto mo po sumama?"

"'Wag na Meg, malulungkot lang ako doon dahil mami-miss ko na naman ang Papa mo and besides I think you need some time alone."

"Yeah. I think so too, Ma."

Next  week pa ang scheduled vacation ko kaya may time pa para tapusin lahat ng dapat kong gawin. Ito ang kailangan ko para maka-move on. I need to be alone. Soul searching ang peg ko ngayon! Kaya ko 'to at tsaka I've always been a solo traveler. I'm an independent woman. Pero sana pagbalik ko okay na ang lahat. Okay na ako.

I promised myself that I will forget about Jon. At si Rick naman ay isa na lamang magandang panaginip. Anyway, okay lang, baka hindi pa talaga siya ang The One. Tinanggap ko na wala na munang lalake sa buhay ko. Who needs a guy anyway? They're such a pain in the ass!

The whole week inayos ko lahat ng maiiwan ko. I asked Rem to look over the business habang wala ako. I made sure na walang istorbo sa bakasyon ko. Sa Baguio ako lumaki pero hindi ako nagsasawang magpabalik-balik doon. I always feel excited whenever I am visiting there.

"Sure ka ayaw mo kaming isama?" Tanong ni Rem.

"Gusto ko kaso busy naman 'yong iba tsaka kailangan ko 'to." Sagot ko.

"Loner ka talaga." She teased me.

"Kasalanan niyo kasi ayaw niyong sumama."

"Gusto ko sana kaso walang magbabantay kay Carly at tsaka dito sa shop mo." She said 'shop' in a shouty way at inirapan niya ako. Natawa ako sa kanya.

"Yeah, you're right. Stay here and take care of my shop while I take a vacation!" Pang-aasar ko.

"See? Ginawa akong caretaker." She snorted.

"Haha. I'll see you all when I get back."

Maaga akong bumyahe papuntang Baguio. I decided to take my car instead of riding a bus dahil mas matagal ang byahe pag gano'n. This way, I can pack generously at saka convenient din na magkotse dahil madami na naman akong dalang pasalubong pabalik for my staff and friends. I remember the first time I went there by car, I was so nervous that I might fall off the cliff but now, I know the way like the back of my hand.

On the way to Baguio, I have to stop several times dahil naiiyak ako sa tuwing pumapasok sa isip ko ang ginawa ni Jon. I felt pathetic! Dahil dito mas matagal ang travel time ko. Nilakasan ko na lang ang radyo at nagpatugtog ng mga encouraging songs like I Look So Good Without You and F*ck you by Lily Allen. Oh 'di ba?

Malapit  na ako sa Baguio nang marinig ko na may nag-text. And this time, hindi na ako nag-expect pa kung sino. Hindi ko rin ito tiningnan dahil nagda-drive ako. Nasa Kennon Road na ako at ayokong mahulog sa bangin dahil lang sa isang text no! I kept driving hanggang sa makarating ako sa bahay namin. I have like ten messages when I checked my phone and one of them is from Rick. Himala! Hindi ko alam kung matutuwa ako o malungkot.

"Hey, sorry ngayon lang ako nagtext. Nagkasakit si Dad eh, I took over the business muna. Where are you? Can we meet?" Text niya.

Hindi na ako nagreply. Huli ka na. Nawalan na ako ng gana sa kahit sino sa kanila. It's never gonna work anyway. Right? I tried to convince myself while I wallow in self-pity and what ifs.

I put my phone somewhere hidden as I entered the house.

Accidental Love Affair (Published By Bookware)Where stories live. Discover now