CHAPTER 2: The First Sight

99.3K 956 18
                                    

Marahil ay sa sobrang sakit na naramdaman ko kaya hindi ko alam kung paano ako nakarating sa apartment ko. Nakatulog yata ako dahil pag-gising ko ay alas singko na nang hapon. Pagbangon ko ay tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Damn! I look horrible! Mugtong mugto ang mga mata ko. It's practically Chinese! Narinig kong tumunog ang sikmura ko. Hindi pa nga pala ako kumakain simula kaninang umaga.

Usually, nagluluto ako ng sarili kong pagkain sa apartment pero ngayon parang gusto kong kumain sa aking paboritong restaurant. Gusto kong lumamon! I need comfort food!  Ang saklap ng pangyayaring ito sa buhay ko. Ni minsan ay hindi ko naisip na mangyayari ito sa akin. Ngayon pa talaga?

Sinubukan kong mag-ayos ngunit wala na yata akong magagawa para sa namumugto kong mga mata. Naglagay na lang ako ng sunglasses at pumasok nang nakayuko sa restaurant. Umupo ako sa isang sulok malapit sa bintana na malayo at nakatalikod sa mga tao. Ayaw kong may makakita sa kalagayan ko. Nakatitig lang ako sa bintana at nag-iisip ng next move ko nang biglang umulan nang napakalakas. Bwesit, sino may pakana nito? Nakakasenti pa lalo ang panahon! Tinanong ko ang sarili ko kung bakit nangyari ito sa akin. Hindi ko alam ang sagot. Sa loob ng limang taon inakala ko na si Jon na ang makakatuluyan ko pero hindi pala. Kailan pa ba niya ako niloloko? Hindi ko na napigilan at naluha na ako. Kebs na kung may makakita sa akin ngayon.

I just don't get it. Naging mabuti akong girlfriend kay Jon. Pinaglaanan ko siya ng mahabang panahon. Limang taon din 'yon! Hindi man lang niya ito pinanghinayangan. I did not see this coming. I let my guard down. I trusted him too much despite the doubts I have. Kaya pala halos wala siyang time para sa akin dahil may iba siyang kinakalantari! Gago ka Jon! Nagpakatino ako pero niloko niya ako. Parang gusto kong maglupasay dito sa restaurant! Saan ba nanggagaling ang sakit na nararamdaman ko?

Hawak-hawak ko ang cellphone ko upang i-delete lahat ng mga nakasave tungkol kay Jon nang naramdaman kong may lalakeng nakatayo sa tabi ko. Ano bang kailangan nito sa akin? Nagsesenti ako dito eh! Tiningala ko siya upang malaman kung sino. Pagtingin ko, isang lalakeng matangkad, medyo kulot at magulo ang buhok, matangos ang ilong, at may maamong mukha. His attractiveness immediately caught my eyes. Pero wala ako sa mood na magpa-cute sa kanya ngayon.

"Anong kailangan mo?" May halong inis ang tanong ko sa kanya at nangunot ako ng noo to emphasize that he's invading my personal space.

"Sorry miss, napansin kasi kitang umiiyak. Is everything okay?" Seryosong tanong niya. Now he has crossed the line.

Pake nito!

Nainis ako lalo sa tanong na niya. Okay?! Hindi ako okay! Pero sinagot ko parin ito. "Yeah, okay lang, napuwing lang ako. Don't mind me." Sabi ko, pero what I really mean is, lubayan mo ako.

"Talaga? Eh parang umiiyak ka eh." Sabi niya nang walang halong biro.

Hindi ako sumagot. Ano bang pakialam ng lalakeng ito? Leave me alone! Gusto ko lang mapagisa.

Nahalata yata ng lalake na nainis ako. "I'm sorry. Am I creeping you out? I'm Rick." He held out his hand to me for a hand shake. 

"Megan." I said hesistantly.

"Hi, Megan. May kasama ka dito?" Tanong niya.

Ay meron, 'yong multo ng lola ko ang nakaupo dito! Sabay kaming kakain!Umaandar na naman ang pagkapilosopo ko mabuti at sa isip ko lamang ito nasasabi. Sa halip ay "Wala" ang naisagot ko sa kanya.

"Great. Mind if I join you for dinner? Parang kailangan mo ng kausap eh." Ngumiti sya. Napansin ko agad ang magandang ngipin niya. I have a thing for men with great teeth kasi

"Uhm.." Nagdalawang isip ako dahil gusto ko sanang mapag-isa.

"Sige na?" Sabi niya. Gusto kong tumanggi kaso mapilit siya and his smile is so inviting.

"Okay." Sagot ko at napabuntong hininga na lang ako.

Dali dali siyang umupo sa bakanteng upuan sa harap ko. "Did you order already?"

Tumango lang ako sabay sabing, "Yeah." Sumilip ako sa cellphone ko pero ang totoo nagsasalamin ako. Packing tape! I look awful! Bakit ngayon pa. Nakaka-conscious!

"Then we'll just wait." Sabi niya.

Sabay kaming kumain. He seems nice pero wala talaga ako sa mood na magsasasalita. Nahihiya rin ako sa kanya. Ang dami pa naman niyang tanong. Wala akong ideya kung bakit nakikipagusap sa akin ang lalakeng ito. Naaawa lang ba siya sa akin?

Nakakatawa siya at charming. Hindi rin non-sense ang mga pinagsasabi niya.  The way he talks is so classy. May pagkakonyo pero in a good way, hindi pilit. Halatang mataas ang pinag-aralan at hindi pipityugin. Masaya siyang kausap pero kailangan ko nang umalis dahil ang sama ng pakiramdam ko. Ikaw ba naman makakita ng live show at 'yong boyfriend mo pa ang bida! Sumasakit ang dibdib ko, literally! Nagpaalam ako sakanya at dali-daling umalis.

Nakarating ako sa apartment ko nang hindi ko namamalayan. Lutang pa rin ako. Dumiretso lang ako sa higaan ko. Parang lalagnatin yata ako. Niyakap ko ang blanket ko at ang stuffed-toy sa tabi ko. Naalala ko si Jon, bigay niya nga pala ito sa akin. Dahil dito, pinagbubugbog ko ang walang malay na laruan. Bukas ay susunugin ko ang lahat ng binigay niya saakin. Ano kaya ginagawa niya ngayon? Malamang kasama niya pa rin ang babaeng iyon. Are they still in bed right now? Damn it! I tried thinking about other things but the pain just won't go away. It hurts like hell!

Naisip ko ang lalakeng nakilala ko kanina, si Rick. Okay naman siya. Medyo naiilang lang ako dahil pakiramdam ko ang panget ko kanina. Hell, that was my lowest of lows.

The guy I just met had the aura of sophistication in him. The way he dressed, the way he talked and the way he acted- just perfect. Kung nasa timing lang sana, I would have stayed there and chat. Maybe exchange numbers and who knows? 

Accidental Love Affair (Published By Bookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon