Chapter 9: The Worst and the Best

17.2K 163 5
                                    

Nasa Singapore ngayon si Rick dahil nautusan siya ng Daddy niya na i-meet ang mga business partners nila. May sakit na naman kasi ang dad niya kaya si Rick ulit ang representative niya. Kahit sobrang busy ako namimiss ko pa rin siya. Lagi rin naman siyang tumatawag at nagte-text sakin pagbakante siya but I still miss him. Isang linggo siyang mawawala. Parang ang tagal.

Isang araw biglang may tumawag sa cell phone ko. Hindi nakasave ang pangalan niya but I still know who it is. Si Jon. Hindi ko sinagot ang unang tawag niya. He called again but I didn't answer and I don't plan to. Ano bang kailangan ng lalakeng ito? Nanahimik na ako dito eh. Masaya na ako.

Tumawag pa siya ulit pero wala akong balak na kausapin siya. Nag-text siya pero in-erase ko agad. We have nothing to talk about and to hell with closures! I decided to block his number.

Makalipas ang ilang minuto, nag-ring ang telepono sa opisina. Sinagot ko ito sa pag-aakalang isa itong importanteng tawag.

"Hello?" Sabi ng boses sa kabilang linya.

"Meg. Si Jon 'to. Pwede ba tayo mag-usap?" Pfft. Duh? Nag-uusap na kaya tayo.

"Para ano? Wala naman tayong dapat pag-usapan. Goodbye." Binagsakan ko siya ng telepono. I realized I may have been so rude. But, hey, he deserves it. Kulang pa nga iyon.

Pag-uwi ko ng apartment nandoon sa labas si Jon. Anak ng Pasig!

"Anong ginagawa mo dito?" Galit na tanong ko.

"Please. Gusto lang kitang makausap. I'm so sorry sa nagawa ko. Nagkamali ako Meg. Please. Sorry." Nagsusumamo siya. Naalala ko tuloy ang kantang Take a bow ni Rihanna.

"Napatawad na kita. Ngayon, umalis ka na. Please." Sabi ko sa kanya at akala ko umalis na siya.

Binuksan ko na ang pinto para pumasok pero naunahan ako ni Jon. Hinila niya ako papasok at niyakap nang mahigpit. Sa sobrang galit ko nasampal ko siya. Sinubukan niya akong halikan pero sinigawan ko siya.

"Utang na loob Jon! Umalis ka na! Matagal na tayong tapos. May mahal na akong iba." Nanginginig ako sa galit.

"Five years tayo Meg. Wala na bang halaga sa'yo 'yon?" Sabi niya, parang lasing yata.

"Tanga ka ba? Bakit may halaga ba sayo 'yon nung nakipag-sex ka sa babaeng 'yon? Wala diba? Kaya please umalis ka na. Please!" Sinigawan ko siya sa sobrang inis.

"Nagkamali nga ako Meg. I'm so sorry. Ikaw ang totoong mahal ko. Kaya ko siyang iwan para saiyo." Eh di sana iniwan mo muna bago ka pumunta dito! Ano yan pagnegative sa 'kin babalik ka sa kanya?

"Ilang beses kitang pinatawad Jon. Nagpakatanga ako sayo noon. Hinding-hindi na mangyayari ulit yon." Sagot ko. "Alis!"

"Hindi ko na uulitin. Magbalikan na tayo." Pakiusap niya.

"Hindi. Umalis ka na." Sabi ko at tinulak ko siya palabas.

Lumapit uli siya at bigla akong hinalikan sa bibig. Doon ko nakumpirma na nakainom nga siya. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko at hinawakan niya ang dibdib ko. Sinampal ko siya pero mas malakas siya sakin. Hinalikan niya ulit ako.

"Please Jon, nasasaktan ako." Natatakot na ako dahil sa sobrang higpit ng hawak niya sa akin. Hindi ako makawala.

"Kailangan kita Meg."

Takot na takot na ako kaya nang makuha ko ang vase ay ipinukol ko ito sa ulo niya. Natumba siya sa sahig at nawalan ng malay. Napatay ko ba siya? Tumawag ako ng pulis at agad naman silang rumisponde. Tinawagan ko si Rick dahil sa sobrang kaba.

"Hello Babe?" Sagot niya.

"R-rick." Malakas ang iyak ko.

"Meg! Are you okay? What's wrong?"

Accidental Love Affair (Published By Bookware)Where stories live. Discover now