Chapter 5: The Start

134K 1.7K 453
                                    

Pagpasok ko ng bahay namangha ako dahil mas lalo itong gumanda since bagong renovate ito. Buti na lang at walang nagre-rent ngayon. I have the house all to myself.

Sinalubong ako ng caretaker ng bahay na si Aling Sonia.

"Hello Manang. Kamusta po?" Bati ko sa kanya.

"Okay naman Meg. Inayos ko na ang kwarto mo. Tumawag kasi si Ma'am Linda na darating ka raw." Sabi niya. Matagal na siya ditong caretaker. Sa tingin ko siya pa nga ang nag-alaga sa akin no'ng bata pa ako.

"Sus, si Mama talaga.  Thank you po." I sincerely said.

"May kailangan ka ba?" Tanong niya.

"Wala naman na po."

"Oh sige. Tawagin mo na lang ako kung may kailangan ka, nasa kabilang bahay lang kami."

"Sige po."

I've always loved this place. Noong nawala si Papa, nagdesisyon si Mama na ibenta na lang ito pero hindi ako pumayag. This was Papa's favorite place and mine too. Gawa ito mostly sa kahoy at nasa mas mataas na lugar which makes it an ideal place for a vacation. Umakyat ako sa kwarto at doon inilagay ang mga gamit ko. Gosh, I missed this place! And I miss Papa too. I've always been my Daddy's girl.

Nahiga ako sa kama ko at nagpahinga. I stared at the ceiling. It's been several months since I've been here. The last time I was here was because Jon and I had a terrible fight about something I can't remember and I don't want to remember. Ito na yata ang takbuhan ko sa tuwing nagkakaproblema kami ni Jon. Muling nangilid ang mga luha ko. Why do I keep crying for that stupid guy? Pinunasan ko ang mata ko nang marinig kong tumunog ang sikmura ko. Hindi pa nga pala ako kumakain. Gutom na yata ang mga alaga ko.

Naisipan kong bisitahin si Uncle Joey, kapatid siya ni Papa at mayroon siyang restaurant dito sa Baguio malapit sa Mines View Park. Natatakam tuloy ako.

I grabbed my jacket and purse. I hesitated to bring my phone because I am tempted to reply to Rick's text message but I brought it anyway and drove to the restaurant. Pagpasok ko doon ay hinanap ko agad si Uncle. He's usually here manning the business. He's such a hands-on guy. Nakita kong busy siya sa pag-o-orient sa mga staff niya.

"Hello Uncle." I greeted him.

"O Meg! Nandito ka. Kelan ka pa dumating?" The look of shock is evident on his face.

"Kanikanina lang po." Sagot ko.

"Sino kasama mo?"

"Ako lang po."

"'Di ka man lang nagpasabi, hindi ko tuloy nabili 'yong ingredients ng favorite dish mo."

"Okay lang po Uncle." I answered shyly.

"Hanggang kelan ka ba dito para maipabili ko."

"Hanggang Friday pa naman po."

"Okay. Good. Good. Oh anong gusto mong kainin?" Sabi niya. Excited din siya na nandito ako.

"Spaghetti po." I am a sucker for spaghetti and meatballs at nandito ang pinakamasarap na spaghetti na natikman ko.

"Ah, sige, ipahahanda ko. And latte right?" Tanong niya. Alam niya kasing gusto ko itong kapartner ng spaghetti.

"Yes please, uncle." Sagot ko kasabay ng malaking ngiti.He knows me well.

"Sige. Dito ka na kumain hanggang Friday."

"Pero.."

"Walang pero pero. Basta dito ka kakain." There's really no point in arguing with this man. Gusto niya na dito ako lagi kumain pag nasa Baguio ako at hindi niya ako pinapabayad kahit anong pilit ko. He's like a father to me and I'm still lucky despite everything.

Accidental Love Affair (Published By Bookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon