Chapter 7: Dinner with the Parents

17.4K 172 8
                                    

Isang buwan na rin ang nakalipas mula noong maging kami ni Rick. It feels good to be in a healthy relationship. Simula nang magtapat siya sakin na mahal niya ako, I feel like I've changed. Oo, ang bilis ng mga pangyayari pero it feels right. Walang halong biro. Masaya akong gumigising at para bang inspirado ako palagi. Hindi na ako malungkot. Hindi na rin ako galit kan Jon. Kung magkita man kami magpapasalamat pa ako sakanya dahil kung hindi niya ako niloko, hindi ko rin makikilala si Rick. Thank you Lord for this blessing!

Biglang nag-ring ang cellphone ko.

"Hey, babe! Happy first month to us. I love you." Bati niya.

"Aww.. Happy first month din. Ang aga mo ah." Nakangiti na naman akong parang tanga.

"Tulog ka pa ba sana? Sorry ah, gusto ko kasi maunang bumati sayo."

"Okay lang, kailangan ko na rin naman gumising."

"Ahh.. Sunduin kita mamaya after work mo. Dinner tayo sa bahay ng parents ko. Okay lang sa iyo?"

"Ha?" Nabigla ako. Dinner with the parents ba 'ka mo? "Nahihiya ako."

"Mabait naman sila. Promise. Gusto ka kasi makilala ng Mom ko."

OMG! Ninerbyos ako. Na-imagine ko ang sarili ko. Hindi ko alam ang gagawin. Hindi ko rin alam kung paano humarap sa kanila. Ni minsan kasi ay hindi ako ipinakilala ni Jon sa pamilya niya.

"Hello? Andiyan ka pa?" Tanong niya nang hindi ako sumagot agad.

"H-hindi ko alam. Nahihiya talaga ako."

"Don't worry. Ako bahala sayo. I'll pick you up later. Bye. Love you."

Tututol pa sana ako pero wala na siya sa kabilang linya. Hala, pano ba to?

Dali dali akong tumayo mula sa pagkakahiga na para bang ngayon na kami pupunta doon. Nataranta ako. Pumunta ako sa kabilang kwarto kung saan naroon and walk-in closet ko para tingnan kung anong susuotin ko. Kailangan ko magmukhang presentable. Kailangan ko magmukhang dalagang Filipina. Kinakabahan talaga ako. Pa'no ba 'to? Ano ba dapat? Formal attire? Nope! Para naman ako niyan mag-aaply ng trabaho. Instead, I picked a simple knee length dress, beige heels and a red handbag.

Paano ba humarap sa mga magulang? Uso ba sakanila ang magmano o kiss o hand shake? Fist bump? Ano? What if they don't like me? I'm starting to panic. Bahala na.

Nag-ayos na ako para magtrabaho. Pagdating ko may bulaklak sa desk ko. Pagtingin ko sa card, galing ito kay Rick. "I love you more than you can imagine." Para na naman akong tangang pangiti-ngiti.

I texted him:

"Thank you for the flowers. I'm nervous."

"Don't worry. You'll be fine." Reply niya. Napabuntong hininga na lang ako.

Binusy ko ang sarili ko para mawala ang nerbyos ko. Maghapon akong nagtrabaho. Madaming paperworks ngayon. So much to read, review and write.

Mag-aalas sais na nang magtext si Rick na papunta na siya para sunduin ako. Nag-retouch na ako at inayos ang desk ko. Nagsisimula na naman akong kabahan.

Pagdating niya sinalubong niya ako at hinalikan sa pisngi. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse. Likas yata sa kanya ang pagiging gentleman. Tiningnan ko siya nang may pag-aalala. Tumawa siya at hinawakan ang kamay ko sabay halik dito.

"Relax." Ngumiti siya. Pinisil ko ang kamay niya.

"I cannot relax. This is my first time!" I scold him.

He laughed at me. "It's okay. You'll be grand!" Sagot niya. May pa-grand grand pa siyang nalalaman. Grand winner lang? Nilibang ko na lang nag sarili ko sa pakikinig ng music at pakikipagkwentuhan sa kanya.

Accidental Love Affair (Published By Bookware)Where stories live. Discover now