Chapter 8: Exes

16.1K 136 4
                                    

Rick always made efforts para magkita kami despite our busy schedules. Sinusundo niya ako mula sa trabaho at hinahatid sa apartment whenever he's in the city. Most of the time ay kumakain kami sa labas pero lately parang nakakasawa na rin dahil bukod sa magastos ay hindi rin healthy kaya minsan niyaya ko na lang siyang kumain sa apartment. I cooked him stir-fry vegies with tofu and made fruit salad for dessert. Nagustuhan niya naman ito.

It doesn't matter kung nanunuod lang kami ng TV o naglalaro ng Wii o kaya nagtatrabaho sa kanya-kanya naming computer. As long as we are in the same room, masaya na kami. Nakakawala ng stress and for that I am thankful.

Noong pinakilala ko si Rick kay Mama, tuwang tuwa si Mama sa kanya. Hard to please ang Mama ko, sobra, kaya nagtaka akong mabilis silang nagkasundo. Mabait daw si Rick at halatang maalaga. Sayang nga lang at wala na si Papa, siguradong magkakasundo rin sila dahil halos pareho ang ugali nilang dalawa. Minsan naman pag-weekend doon kami sa parents niya naglu-lunch. Nasanay na rin ako sa pamilya niya kaya halos wala na akong ilang na nararamdaman. They treat me like I'm one of the family. Tito at Tita na rin ang pinapatawag sakin ng mga magulang niya. Ang mga kapatid niya naman ate ang tawag sa 'kin. I like spending time with his sisters. I am an only child kasi so I am really enjoying being an ate to them. I like taking them to the mall or movies. They seek my advice when it comes to fashion. I love them like my little sisters.

And you know what? I could not ask for more. I have been blessed.

Bakit naman ngayon pa ako nagkasakit? Sobrang taas ng lagnat ko, hindi tuloy ako nakapasok ng trabaho. Nang malaman ito ni Rick, alalang alala siya sa akin at sumugod agad sa apartment ko na may dalang gamot at pagkain. Ipinagluto niya ako ng sopas at inalagaan ako. Gusto pa nga niya akong subuan pero kaya ko naman. Ayoko kasi magpabebe sa kanya.

"Okay ka lang ba? Anong nararamdaman mo?" Nag-aalalang tanong niya.

"I'm fine. Relax. Lagnat lang 'to." I assured him and he pulled me to his embrace.

"Sobrang taas ng lagnat mo ah. Mahiga ka na. Babantayan kita."

"Okay lang. Kaya ko na sarili ko. Umuwi ka na. Gabi na."

"Hindi. Babantayan kita." Kumuha siya ng basang bimpo at pinahiga ako. Nilagay niya ito sa noo ko at binalot ako sa kumot. Umupo siya sa baba ng higaan ko habang hawak hawak ang kamay ko.

"Matulog ka na. Nandito lang ako."

"Salamat ha.. dahil nandito ka."

"Ano ka ba.. responsibilidad kong alagaan ka."

"So, nurse ka na ngayon?"

"Yes. Ako ang private nurse mo ngayon." Hinalikan niya ang kamay ko.

"Ang gwapo ng nurse ko.." I said weakly.

Pag gising ko wala na siya pero may naamoy akong masarap. Lumabas ako ng kwarto papuntang kusina at nakita kong busy siyang nagluluto doon.

"Chef ka na rin pala ngayon." I find guys who can cook extra hot! And my guy is sizzling hot.

"Yes. Nurse and chef." He said with a smile. "Good morning. Nagluto ulit ako ng soup para sayo. Kumusta pakiramdam mo?" Tanong niya.

"Okay na po.. Wala na akong lagnat. Salamat sa 'yo."

"Mabuti naman." Ngumiti siya saakin.

Kumuha siya ng mangko at nilagyan ito ng mainit na sopas. Sabay kaming kumain ng breakfast. I feel better already.

Dahil linggo ngayon sabay kaming nagsimba at nanuod ng sine. Naglakad-lakad kami sa mall and as usual, may mga girls na napapalingon kay Rick. Si Rick naman, oblivious to the fact of his effect on girls, nakaakbay lang sa akin. Huh! Sorry girls, he's mine! I just feel so contented right now. Hindi ko alam kung hanggang kailan ito basta masaya ako sa piling ni Rick. Sana siya na talaga ang lalakeng para saakin. Lord, please?

We were on our way down the mall when I saw someone familiar on the far end of the opposite side of the escalator. Holy guacamole! Si Jon! And is that the girl he was banging that time? Masabuyan nga ng asin! Teka, why am I even affected? I turned to look at Rick to tell him about it but I saw the shock on his face. What now? Kilala niya na ba si Jon?

"Rick? Okay ka lang? Masasalubong natin si Jon." Bumulong ako sa kanya.

"Oh my gosh. Alexis is here? He said in a low voice.

"Huh? Sinong Alexis?" Jon and the girl went past us. I gave Jon a poker-face but why is the girl staring at Rick? Epekto na naman ba ito ni Rick? Hoy gaga, inagaw mo na nga si Jon pati ba naman si Rick? Tiningnan ko si Rick and he still has that look of shock on his face. Nakatingin din siya sa babae and I'm like, what the hell? Nainis ako.

Bumitaw ako sa pagkakahawak ni Rick at tiningnan ko siya. "What was that all about?"

"I saw her. Alexis. My ex." He said it in a confused way.

"Sino? 'Yong kasama ni Jon?"

"Yeah. I thought she was in the States."

"OMG. So, siya pala?"

"Ang ano?" 'Yong ka-ano ni Jon. Sagot ko sa isip ko.

"She's the one Jon cheated me with. I uhh, never mind." I decided not to tell him about what I saw that fateful day.

"Okay. Our exes. Together." Natawa siya. "What a weird coincidence."

"Bakit selos ka?" I tried not to sound jealous but I still did.

"No. I just find it amusing." Sagot niya.

"Why?" Curious ako.

"Because they are together and we are together. It's like we exchanged partners." Natawa siya.

"Tss. I know right!" I answered.

"It means we are meant to be." Sagot niya as he pulled me close. Natawa na lang kami pareho sa natuklasan namin.



Author's note:

I have a new story in the making. Please check out my works in my profile. It's titled Gancanagh. Sana basahin niyo. Thanks!

Accidental Love Affair (Published By Bookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon