CHAPTER 3: Second Sight

96.8K 930 26
                                    

Pinilit kong bumangon kinabukasan. Pagdilat ko pa lang ay naisip ko nangg tawagan si Jon upang kumprontahin siya at hingan ng explanation pero nanalo ang pride ko. Anong explanation pa ba ang gusto ko? Nakita mo na nga Meg sa kama, 'di ba? 'Wag kang tanga! Hindi ko siya kailangan sa buhay ko. Kailangan kong patunayan sa kanya na kaya kong wala siya. Na nagkamali sya nang ipinagpalit niya ako sa iba. Peste! Bakit niya ako pinagpalit do'n? What did I do wrong? Wala na yatang matinong lalake sa mundo ngayon.

Tulala ako nang ybiglang nag-ring and cellphone ko. Isang numerong walang pangalan ngunit alam na alam ko kung sino ito. Si Jon. Malamang napagtanto niya na na ako ang nakaiwan ng pinto na nakabukas at ng groceries sa labas ng apartment niya. Tatlong beses siyang tumawag. Bawat tawag niya ay kina-cancel ko. Letse! Walang hiya siya. Tatawag-tawag pa. Bistado kana! Ulol!

Mas nag-effort akong mag-ayos ngayong umaga. Mas matagal akong naligo, pinatuyo ang buhok at naglagay ng kulot sa dulo. Nagsuot ako ng light yellow dress, high heels at naglagay ng ibang shade ng lipstick. Maganda ka naman, makakahanap ka pa ng iba d'yan. Sabi ko sa malungkot na babaeng nakatitig sa salamin. Bumuntong hininga na lang ako.

Dumating ako sa pinagtatrabahohan ko at dumiretso sa office ko. Ako ang Editor-in-Chief ng Elegant & Chic, isang sikat na fashion & lifestyle magazine sa Pilipinas. At the age of 25, maliban sa trabaho ko may sarili na rin akong business and I am a published writer. Despite all these, I try so hard to keep my feet on the ground.

Pagdating ko may nakahandang kape sa desk ko pero hindi ko ito pinansin. Nagsimula agad akong itapon ang lahat ng bagay na galing kay Jon at lahat ng bagay na magpapaalala sa akin sa kanya. Sumilip ang assistant ko sa pinto.

"Ma'am okay lang po kayo? Kailangan niyo ng tulong?" Tanong niya.

"Hindi. Kaya ko na to." Sagot ko nang hindi tumitingin sa kanya.

Naglaho siya sa likod ng pinto. Pagkalipas ng ilang minuto, bumalik ang assistant ko na may dala dalang bouquet ng bulaklak habang nakangiti.

"Flowers for you ma'am!" Sabi niya.

"Kanino galing yan?" Napakunot noo ako.

"Malamang kay Sir Jon po." Automatic na sagot niya na medyo ikinainis ko.

"That's not possible. We just broke up." Agad kong sagot. Shit! I didn't intend to say that out loud.

Bigla siyang napatingin sa akin na para bang may nasabi siyang masama. "Sorry ma'am, hindi ko po alam."

"Okay lang. Paki-check ang card." Utos ko sakanya.

"Rick daw po Ma'am." Sagot niya.

Napataas ako ng kilay. Rick? As in Rick from from the restaurant last night? Pa'no niya nakuha ang address dito?

"Akin na." Sabi ko sakanya.

Hi! Cheer up and call me. - Rick

My nakalagay na cellphone number sa baba nito. Tinawagan ko ang numero at sumagot siya sa ikalawang ring.

"Hello? May I please speak to Rick?"

"Yes, this is Rick."

"Yes. Uhm.. this is Megan."

"Hi! Did you get the flowers?" He answered cheerfully.

"Yes, which is why I'm calling. Pa'no mo nakuha ang address na 'to? Stalker ka ba?" Tanong ko at hindi ko na itinago ang inis sa tono ng boses ko.

"Wait. Hindi. Hiningi ko doon sa may ari ng resto. Nabanggit mo kagabi na kilala mo ang may ari. Remember?" Paliwanag niya.

"Hmm.. Well.. Thank you." Sagot ko.

Accidental Love Affair (Published By Bookware)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें