Foreword

218 14 29
                                    

OCTOBER 13, 2001,
Friday the Thirteenth


"Do you believe in God?"

'Tanda kong tanong sa akin ni Mama nuong limang taong gulang pa lamang ako, habang karga-karga niya papunta sa kuwarto ko. Nuong araw na yun', bata pa ang isip ko, wala pa akong masyadong alam, ang alam ko lang ay masaya ako na kasama ko sila Mama, Papa, at Bea araw-araw. Maglalaro, kakain at matutulog, paulit-ulit, pero hindi nakakasawa, dahil kasama ko sila.

Duon lang umiikot yung mundo ko nuon.

"Papa God? Diba siya yung nasa taas? Pag nag pe-pray tayo bago matulog saka kumain?"

"Tama, siya yung nasa heaven. Pero dito sa Pilipinas hindi God ang tawag sa kanya, may sarili tayong God dito, at ang pangalan niya ay Bathala. Ginagabayan niya tayo sa araw-araw kasama ang iba pang mga Diyos at mga anghel sa kalangitan." 'Tanda ko din na sabi niya habang hinihiga niya ako ng dahan-dahan sa kama ko, saka kinumutan at tumabi sa akin. "At kapag nawala na lahat tayo, duon tayo mapupunta kasama niya, kasama ng lahat ng gumagabay sa atin dito sa Pilipinas."

"Saan tayo pupunta? Iiwan natin sila Papa at Bea?" tanong ko nuon, at tawa na sobrang sarap sa tenga lang ang nakuha kong sagot mula sa kanya.

Niyakap niya yung kaliwang kamay niya sa akin at yung kanang kamay niya nilagay niya sa ulo ko at hinawi-hawi ang buhok ko pataas, gustong-gusto ko 'yun, dahil tanda ko duon ako nakakatulog palagi, at sa kanta niya.

"Hindi natin sila iiwan, pero kapag dumating ang araw na kailangan kong umalis, I hope life, will treat you kind, and I hope that you have all that you ever dreamed of. Oh I do wish you joy, and I wish you happiness. But above all this I wish you love."

Tuwing hinahawi ni Mama ang mga buhok ko habang kumakanta siya, nakakatulog ako. Gustong gusto kong marinig yung boses niya habang natutulog dahil sobrang ganda, na parang hinehele ka sa bawat katagang kinakanta niya.

"I love you,"

× × × × ×

03:00 AM,


"Rose! Bakit? Bakit ka sasama sa kanya!"

Tulad sa pagkakatanda ko sa lahat ng masasayang araw nuong bata pa lamang ako, tanda ko 'din ang araw ng pag-iwan at pag-luha ng isang batang katulad ko na binaon ko mula nuon na nagsilbing bangungot mula sa nakaraan ko ngayon.

Sigawan at malalakas na boses ang naririnig ko nuong madaling araw na iyon kaya nagising ako sa himbing ng pagkakatulog ko. Bumangon ako at lumabas ng kuwarto ko para hanapin sila Mama, narinig ko na nasa baba sila kaya nag-lakad ako papuntang hagdanan pababa.

"Marcus, hindi mo naiintindihan,"

"Hindi ko naiintindihan. Sino— Ano siya? Bakit ka sasama sa kanya? Rose, pag-usapan natin 'to. Anong-anong nangyayari dito? Dahil ba ito sa nakaraan? Dahil ba' to sa anak natin?"

"Mama? Papa?"

Nasa gitna na ako ng hagdan nang makita ko si Papa sa baba na karga si Bea na umiiyak, at sa di kalayuan nandu'n si Mama habang may taong nag-iilaw na nakatayo sa likuran niya, sobrang liwanag niya na hindi ko makita kung anong itsura niya, ang tanda ko lang, sobrang nakakasilaw siya at sasama sa kanya si Mama.

"Ma... Mama," Bumaba ako at pumunta sa tabi ni Papa. Umiiyak si Mama nuon kaya tinanong ko siya ng, "Bakit ka umiiyak, Ma?"

"Alastair, baby." banggit niya sa pangalan ko saka ngumiti kahit ilang patak na ng luha ang nagsisidaluyan sa pisngi niya. "Ayos lang si Mama. Maging mabait ka ha? Alagaan mo si Betty, wag mo siya pababayaan."

Alagaan? Aalis si Mama. "Ma, Saan ka pupunta?" Tatakbo sana ako papunta sa kanya para yakapin siya dahil umiiyak siya -dahil ang alam ko lang nuon ay kapag may nakita akong umiiyak, ay yayakapin ko para tumahan sila, ganun lagi ginagawa ni Papa sa akin at kay Betty, kailan ni Mama ngayon ng yakap- pero pinigilan ako ni Papa. "Ma! Pa, bakit aalis si Mama!?"

"Ayos lang. Alastair ayos lang. Mag-papakabait kayo sa Papa niyo, sundin niyo siya. Para sa inyo 'tong gagawin ko. Para sayo ito, Luna." Luna, palayaw na ipinangalan sa akin ni Mama, dahil ang sabi niya tuwing nakikita niya ang mga mata ko isang bagay lang ang pumapasok sa isip niya... buwan.

"Rose, wag mong gawin 'to." sabi ni Papa na umiiyak nadin. Hindi ko alam kung anong nangyayari nuon, naguguluhan ang maliit kong pag-iisip, maingay, maliwanag, mahangin, pero ang alam kong lang ay aalis si Mama kasama yung taong nag-iilaw sa likod niya. "Kailangan ka ng mga bata, kailangan ka namin. Kailangan kita, Rose!"

"Patawarin mo ko pero kailangan ko gawin 'to, ingatan mo ang mga bata. Mahal ko kayo. Mahal na mahal kita."

Duon ko nalaman na hindi lahat ng nakangiti ay masaya: nakita ko si Mama na nakangiti sa akin, huling beses kong nakita ang mga ngiti niya nung mga oras na iyon, habang umiiyak, nakangiti pero hindi masaya. At sa isang iglap— bigla nalang siyang nawala na parang bula, kasama yung taong nag-iilaw. Naiwan kaming tatlo, na umiiyak. Hindi alam kung anong gagawin, hindi alam kung anong nangyari.

"Papa, si Mama!" umiiyak kong sabi, nilapitan ako ni Papa at niyakap niya kaming dalawa ni Bea ng mahigpit. "Asaan siya pupunta! Bakit iniwan niya tayo?!"

"Wag kang mag alala, Anak." sabi ni Papa sabay halik sa noo ko. "Hahanapin ko ang Mama niyo, pangako 'yan. Ibabalik ko ang Mama niyo kahit ano pang kapalit nito, hahanapin ko si Rose."


| P H I L I P P I N E | G O D S |
ᜉ᜔ ᜑ̊ ᜎ̊ ᜉ᜔ ᜉ̊ ᜈᜒ  ᜄᜓ ᜇ᜔ ᜐ᜔

Philippine GodsOnde histórias criam vida. Descubra agora