6. Get Back to the Beginning

48 11 46
                                    

"Car accident," Ang ingay. Bakit may nagsisigawan? Nasaan ako? "Mild head injured and bruises, iniinda niya sentido niya kanina. May kasama siya, dalawang lalake sa disgrasya, malala ang tama ng isang lalaking hindi naka seatbelt."

Disgrasya, "Alastair... Aidan..."

Pinilit kong dumilat, pagdilat ng mga mata ko sumilaw sa akin yung mga ilaw sa taas, walang katapusang ilaw, at parang umaandar yung pinakakahigaan ko. Wala akong maramdamang kahit ano, wala, pati katawan ko hindi ko maramdaman. Parang istatwa lang ako na hindi magalaw kahit anong parte ng katawan ko.

"Ma'am, ano pangalan mo?" May babaeng naka suot ng pang doctor ang tumingin sa akin, naka mask siya at parang tumatakbo siya habang nakatingin sa akin.

"Bea Garcia. Asan yung ahh—" Napangiwi ako nang biglang humilab yung ulo ko at nag-pantig yung dalawang tenga ko na parang may matining na tunog akong narinig. "Sila Alastair? Kuya!"

"Bea, the doctors are taking care of them, they're doing their best. But now, we you have to focus to yourself, Okay? Kumalma ka lang, at pilitin mong gumising lan—"

Wala na akong marinig, wala akong maintindihan, matining na tunog nalang naririnig ko at mga bulungan't sigawan na hindi ko maintindihan. Bawat pikit ng mga mata ko nanlalabo yung paningin ko. Bawat baling ng ulo ko unti-unti akong inaantok.

"BEA! GISING!"

Napamulat ako nang may maramdaman akong tumatapik sa pisngi ko. Nakita ko si Alastair sa bandang gilid ko, nasa isang kwarto na ako, nakahiga sa kama at may oxygen na nakalagay sa bunganga ko kaya di ako makapagsalita, at napansin ko na madilim yung lugar kung nasaan kami.

"Makinig ka, nandito siya. Wag ka gagawa ng kahit anong ingay." sabi ni Alastair ng pabulong. Gusto kong tanungin kung sino pero hindi ako makapagsalita, at yung mga kamay ko. Nakatali? Nakatali sa gilid ng kama. Bakit ako nakatali? "Hindi siya titigil hangga't hindi niya ako nakukuha."

Habang nagsasalita si Alastair bumukas yung pintuan sa likod niya ng dahan-dahan, at laking gulat ko nang makita ko yung matanda, yung gustong kumuha kay Alastair at yung kumuha kay Papa. Si Hukluban. Nakangiti siyang pumasok sa loob ng kuwarto, yung mata niya nakakatakot, yung mga labi niya sobrang laki ng pagkaka-guhit ng ngiti pinapakita yung ngipin niyang kulang kulang.

"Ahl— agh!!" Sinubukan kong magsalita pero walang boses ang lumalabas sa bibig ko sa loob ng oxygen, kaya pumiglas nalang ako para sabihin kay Alastair na nasa likod niya yung matanda pero hindi niya ako padin ako pinapansin.

Hindi niya ako maintindihan.

"Dito ka lang. Kailangan natin humanap ng paraan para makatakas dito." Putang-ina nasa likod mo yung matanda! Alastair!

Tumingin ako kay Alastair, sa mata niya, at sinubukang ituro yung mata ko sa likod niya pero hindi niya naintindihan, tuloy parin siya sa pagsalita. Humanap ako ng bagay na makakatulong, sinubukan ko iangat yung kamay ko at mga paa pero nakatali. Tangina! Bakit ba nila ako itinali?!

Pagbalik ko ng tingin kay Alastair, lalong kumabog dibdib ko dahil nasa likod niya na yung matanda, "HAa—!!"

Nagulat nalang ako nang hawakan ng matanda yung ulo ni Alastair, hindi makapiglas si Alastair. Kinuha nung matanda yung gunting sa lamesa saka nilagay sa tapat ng leeg ni Alastair. Lalo akong nag wala sa kagustuhang umalis sa pagkakatali sa kama. Nahinto yung pag hinga ko nang makita kong dahan-dahan nilaslas ng matanda yung leeg ni Alastair.

Philippine GodsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon