A VALENTINES SPECIAL

49 10 32
                                    

J A N U A R Y
2 0 1 7 | P A S T

Manila City,


"Hindi ba masyadong maaga para tanungin mo siya ng kasal?" tanong ko habang hawak ko yung cellphone at nakikipag usap kay Alastair.

Hindi ko alam kung nasaan siya, at kung anong ginagawa niya. Ang alam ko lang ay kasama niya si Papa na naghahanap parin kay Mama dahil naniniwala sila sa mga God at Goddess ang kumuha kay Mama, na dahilan kung bakit ako naglayas ng bahay. Sino ba kasing matinong maniniwala sa mga sinasabi niya? Hindi sa sinasabi kong baliw si Papa pero, wala na si Mama. Sana matangap niya na. Alam kong masakit sa kanya, pero sana intindihin niya naman muna yung kapakanan namin, mga anak niya. Hindi yung hanap siya ng hanap sa wala at idadamay niya pa si Alastair.

"Dude, 23 na ako. Ayokong tumanda na walang ka-partner sa buhay. Ganito na nga buhay ko, tapos mamamatay pa akong single?" Bakit kasi hindi na siya bumukod? Isa pa itong siraulong 'to, sinasayang lang nila yung oras nila sa mga -ugh! Kainis.

Umupo ako sa kama ko saka huminga ng malalim, "Sino ba kasi yan? Hindi mo man lang pinakilala sa akin o nag send man lang ng picture para makita ko kung anong itsura niya."

"Makikilala ko din siya."

"Siya, bahala ka sa buhay mo. Kung saan ka masaya, ano ba bang mamagawa ko? Kapatid mo lang ako. Taga suporta lang, alam ko namang ayaw mong may hahadlang sa mga kagustuhan mo"

Napangiti ako ng marinig ko yung tawa niya, "Malay mo maging flower girl ka sa kasal. Ganto nalang, mamayang 6 ko siya tatanungin at uuwi agad kami sa apartment. Gusto mo pumunta? Pakilala ko siya sayo"

"Talaga? Sige sige!" excited kong sagot dahil sobrang tagal na hindi kami nagkikita, puro tawag lang o video call, madalas text. "Asan apartment mo? Sugurin ko na."

"Baliw, send ko sayo mamaya yung address. Mag re-ready muna ako. Kita nalang tayo mamaya."

"Sige." sagot ko. "Alastair, masaya ako para sayo." sabi ko ng nakangiti. Kahit naglayas ako at iniwan ko sila, nakukuha niya parin mag keep-in-touch sa akin. Gumagawa parin siya ng paraan para kamustahin ako, kahit pinagbabawal ni Papa na kausapin na ako na hindi ko alam kung bakit. Pero ano pa ba'ng magagawa ko? Nilayasan ko sila, sapat na yung dahilan.

"Alam ko. Salamat."

Sinend ni Alastair yung address ng apartment niya, banda dito lang din naman sa Manila, kaya ng badget ko yung pamasahe. Pinaalam ko muna sa boarding mates ko na hindi muna ako makakauwi dahil alam kong mahaba habang kuwentuhan ang mangyayari kapag nagkita kami ng kapatid kong yun, plano ko nga mag-overnight para kilalanin o kilatisin kung sino ba yung nakatagal sa kapatid ko.

Mag gagabi na ng makarating ako sa apartment niya, tinanong ko sa front desk yung pangalan ni Alastair at sabi niya nakalagay naman sa expected guest list na darating ako kaya binigay niya sa akin yung room number. Room 286. Katok nalang daw ako.

Excited akong pumasok ng elevator, at pinindot yung floor kung nasaan yung room.

Hawak ko yung gift ko sa kanya na 'watch' na dapat nung pasko ko pa ibibigay pero sobrang layo nila nun kaya hindi ko na nabigay, siguro nasa Mindanao 'ata sila, hindi ko alam. Pag-bukas ng elevator, paglabas ko may babaeng pumasok at ang weird lang kasi parang sobrang tamis ng pabango niya, at pumasok agad sa isip ko ang salitang- rosas.

Umiling nalang ako at hinanap ko yung pintuan ng Room ni Alastair, pagkita ko kumatok ako. Naghintay ako sandali.

Nang walang sumasagot, kumatok ulit ako. "Alastair. Ako 'to." Naghintay ulit ako ng sasagot pero wala talaga. "Alastair?" nilakasan ko yung katok. "Hoy! Alastair! Natutulog kaba!?"

Philippine GodsWhere stories live. Discover now