7. Double Standard Society

68 11 44
                                    

[ TRIGGER WARNING ! This chapter contains themes of double standards, inequality, discrimination, racism, homophobia, violence, grief, and suicide that may be distressing or triggering for some readers. ]

× × × × ×

"Dahil kayong mga lalake kung makatingin kayo sa aming mga babae, kala mo mga katulong kami nuong late 80's na kailangan sa bahay lang at walang ibang kayang gawin."

Nasa gitna kami ng byahe ngayon, humiram muna si Alastair ng ibang sasakyan para maibiyahe niya yung mga natitirang mga baril at ano-ano pang gamit niya duon sa sasakyan na hindi ko nakuha. At kasalukuyan akong pinagtutulungan ng dalawang lalaking 'to dahil nag-suggest lang naman ako na baka puwede nila akong pahiramin ng baril o ano mang weapon na puwede kong gamitin para pang self-defense ko sa sarili ko. Yung puwede kong dalhin kahit saan. At yan, nasabihan akong mahina, kailangan lagi ng proteksyon, tatakutin— na totoo naman, pero as A Woman Myself hindi ako papayag na apihin lang nila ako.

Nakapagpatulog kaya ako ng Goddess. Hello?

"Are we now?" tanong ni Aidan na may halong pagtawa na sinabayan pa ni Alastair kaya napikon ako ng sobra.

Napa-kagat nalang ako ng labi, "Mga tarantado talaga kayo." sagot ko lang saka sumandal at huminga ng malalim. Kalma self, kilala mo sila. "Hay nako, bakit ba lagi nalang nabibiktima ng Double Standard ang mga babae ng Society natin." pagpaparinig ko na diniin ko pa yung pagkakasabi ng word na 'Babae' para matamaan silang dalawa.

"Oh really?" tanong ni Aidan. "Okay, give me an example."

"A man does something, it's 'strategic'; a woman does the same thing, it's 'calculated.' A man is allowed to 'react'; a woman can only 'overreact.' It goes on and on and on, Aidan. At nakakasawa na, tulad ngayon porket ba babae ako ibig sabihin nun mahina na ako?" tanong ko saka tumalikod para tignan si Aidan sa backseat mismo.

Napansin 'ata nila na parang napipikon na ako kaya hindi na sila sumagot. Bumalik nalang ako sa pagkakasandal ko. Nakakapagod lang na— lagi nalang ako yung nililigtas, laging kailangan may poprotekta sa akin, laging may mapapahamak dahil sa akin, dahil sa babae ku'no daw ako. Hindi ba puwedeng ako naman magliligtas sa sarili ko? Sila naman protektahan ko? Ang baba ng tingin nila sa akin.

"Hey, Betty." tawag ni Alastair habang nag-mamaneho. "Sorry kung hindi kita binibigyan ng kahit anong baril, ayoko lang masanay ka. Pinapaalalahanan lang kita na hinahanap lang natin si Tanda, hindi 'to adventure ng pagiging Hunter mo tulad namin. Hindi mo sisirain buhay mo at tutulad sa amin. Pagnahanap na natin si Tanda, ballpen at lapis na ulit hahawakan mo."

Alam ko, pero hindi yun ang point ko. Sana man lang bigyan nila ako ng chance, hindi yung minamaliit nila ako agad, tapos idamay pa nila kababaihan ko.

"At mali ang sinabi mo," tumingin ako kay Alastair na salubong ang kilay. "Hindi lang mga Babae ang nabibiktima ng Double Standard ng Society."

Tinaasan ko siya ng kilay, "Ano namang ibig mong sabihin Mister Protector of Man slash Hunter of the Coast West Che-che?"

Natawa siya sa sinabi ko na hindi ko nagustuhan kaya naghintay nalang ako ng isasagot niya, "May napanuod ako sa Youtube na random Video. Tungkol sa babae sa Tinder," Tinder? Niloloko ba ko neto? "Nag-aya siya ng maraming lalaki sa Tinder na makipag-meet up sa kanya, tapos nung sabay-sabay niyang minieet-up yung mga lalaki, in public place, ginawa niyang parang paligsahan yung sitwasyon, at yung mananalo o matitira ang talagang makaka-date niya sa huli."

"Huh?" lang ang nasagot ko.

I mean, may matinong utak ba ang gagawa ng ganung bagay? Nag iimbento lang ata 'tong magaling kong kapatid para pagtanggol ang sang-kalalakihan. Hindi talaga sila papatalo kahit sa verbal fight.

Philippine GodsWhere stories live. Discover now