4. Guardian of the Mountains

96 12 83
                                    

"Humingi ako ng tulong sa kakilala kong mga Hunters. Tinanong ko sila kung may kilala silang Pain o nabalitaan na nangyaring kung ano na may kinalaman ang mga Deities, pero karamihan sa kanila walang alam." sabi ni Raymond. "Ngunit may alam akong good at bad news na pupwedeng makatulog sa paghahanap niyo. Anong gusto niyo mauna?"

Sino ba kasing kumuha kay Papa? Sinong Pain? Pain ba o Pa-in?

"Good news," pili ko.

Tumango siya saka umupo sa upuan, "May mga taong puwede niyong puntahan na maaaring may alam kung paano mahanap ang Papa niyo at kung sino ang kumuha sa kanya," Good news nga. "Sa Quezon, may tinatawag sila duong matandang lalaki na kayang maka-hula ng kahit ano, kung gusto niyo subukan at puntahan."

Kinamot ni Alastair yung kilay niya saka tumingin kay Raymond, "Tsk. Manghuhula?"

"Parang ganun na nga. Puwede niyo siyang puntahan para mapatunayan, maraming mga tao at Hunter na mismo ang nagsasabi na totoo lahat ng hula at sinasabi niya." dagdag ni Raymond.

Good new. Kung kaya talaga at tama ang mga hula ng magandang lalaki na sinasabi nila, may chance na mapabilis yung paghahanap namin kay Papa. Ang kailangan lang namin gawin ay pumunta duon sa sinasabi ni Raymond. Pero ano yung bad news? "Yung bad news?"

"Sa Mount Banahaw o tinatawag na Holy Mountain niyo lang matatagpuan yung matandang lalaki na sinasabi nila," paliwanag ni Raymond. "May tirahan daw yung matanda duon na walang nakakaalam kung saan, pero maraming nagsasabi na laging naglilibot ng bulkan ang matanda tuwing gabi."

Tumango ako, "So kailangan natin akyatin yung Mount Banahaw ng gabi at magbakasakali na makita yung matanda? Okay. Athletic naman ako dati sa school kaya walang-" hininto ko yung sasabihin ko nang mapatingin ako kay Alastair, parang seryoso nanaman yung mukha niya kaya medyo kinabahan ako. "Nangyari sayo? Takot kaba sa matataas na lugar?" Wala naman akong natatandaan na may fear of heights siya. Ang alam ko lang takot siya sa mga manika.

"Hindi sa takot ako pero bulkan yung aakyatin natin, Holy Mountain paalala ko lang, at sa gabi pa," punto niya saka naghintay ako ng susunod na sasabihin niya. "Hindi maiiwasan na may mga creatures tayong makita duon, na hindi natin alam, ano, at anong kayang gawin."

Kung titignan mo silang mga Hunters parang walang kinakatakutan, dahil sa dami ng mga nilalang na nakaharap nila ano pang bagay na tatakot sa kanila, pero meron din pala. O hindi kaya natatakot lang si Alastair sa mga puwedeng mangyayari dahil kasama niya ako? Dahil baka may mangyari sa aking masama? Dahil matatakutin at mahina akong tao.

"Sasama nalang ako sa inyo."

"Natulungan mo na kami ng sobra, Raymond. Sapat na iyon sa amin. Hindi na namin alam kung paano kami makakabawi sayo."

"Wala akong hinihinging kapalit. Tinutulungan ko kayo dahil gusto ko. Saka sino-sino din lang din naman ang magtutulungan, mangilan-ngilan lang tayong Hunters sa mundo. Kung hindi natin ililigtas ang bawat isa, masasakop na ng kadiliman ang buong Pilipinas."

× × × × ×

Province of Quezon,
Tayabas City

"Kung ganun, ibig sabihin lahat ng mga God and Goddess na nandito sa lupa ay pinarusahan?"

Tingin ko kay Raymond na nakaupo sa backseat. Nabasa ko kasi dito sa libro na binigay sa akin ni Alastair, si Dian Masalanta umibig siya sa tao kaya pinarusahan siya na ipatapon dito sa lupa. Isa 'ata sa mga rules nila na bawal umibig ang mga Diyos sa sangkatauhan. Hindi ko alam kung bakit, wala pa kong nababasa na reasons nila kung bakit pinagbabawal na pag-iibigan yun.

Philippine GodsWhere stories live. Discover now