1. Peace

159 14 81
                                    

B E A

Manila City,
NOVEMBER 11, 2019


Isa, dalawa, tatlo- Hinga ng malalim. Kaya mo 'to, kaya ko 'to. Magiging ayos lang ang lahat, normal ako sa tingin ng iba kaya kailangan ko lang umaktong normal, dahil normal ako. Walang makakapansin kung anong mga pinag-daanan ko at kung anong pinanggalingan ko. Hindi sila nakakabasa ng isip.

Relax, Bea. Kaya mo 'to.

First day of College, wala sa isip kong makakaabot ako sa College ng walang nangyayaring masama sa akin- sa ngayon. Kung may pinagsisisihan man ako sa paglayas ko, hindi itong dahilan ko para makapag-aral ako at makahanap ng matinong trabaho at mabuhay ng normal. Sana lang nakikita ng pamilya ko na naabot ko na yung buhay na sinasabi nilang imposible pag-dating sa tulad ko, sa tulad namin.

"Bea, relax lang. Walang kakain sayo duon," sabi ni Maxine habang tinatapik yung magkabilang balikat ko. "Baka nga ikaw pa kumain sa kanila."

Roommate ko si Maxine Jane, ilang taon ko nadin siya kasama dito sa dorm. Nung transferee ako sa school nila, siya yung unang naging kaibigan ko, hanggang ngayon. Madaldal siya, kaya halos lahat ng tao sa bawat room kaibigan niya, siya yung tipo na taong gustong kaibiganin lahat ng tao sa school.

Tumawa ako at umiling, "Baliw ka talaga," Tumigil ako sa pag-aayos ko ng buhok saka tumingin sa kanya "Pero sa tingin mo, titignan ba nila ako ng normal?"

"Alien kaba? Tao ka naman ah. Ay mali, abnormal ka dahil nung una kitang nakita tahimik ka, pero ngayong close na tayo kalog ka na." biro niya.

"Abnormal ka din."

"Kaya nga tayo naging magkaibigan."

Napa-tango nalang saka natawa kaming dalawa.

Kinuha ko yung blazer ko saka sinuot sa tapat ng salamin saka inayos ko ulit yung buhok ko. Wala akong alam na ayos ng buhok kundi ponytail. Hindi ko na magawang mag lagay ng kung ano-ano sa mukha ko dahil ayoko namang ma-late sa first day of school ko. Bakit ko ba pinoproblema yung appearance ko? Mag-aaral ako duon, hindi rarampa, buset.

College na ako. Kaunting tiyaga nalang makakapagtapos din ako, at may mapapatunayan na ako. Hindi ko na pagsisisihan na umalis ako sa bahay pag natapos ko 'tong pag-aaral na 'to, hindi na ako mag-guilty sa mga ginawa ko. Onting-onti nalang. Mapapawi din lahat ng paghihirap ko.

"Mamayang 1 pa yung first sched ko kaya kita nalang tayo before lunch. Sa canteen, o kaya sa garden kapag madaming tao, alam mo naman first day of school."

Tumango naman ako, "Sige, ingat ka dito. Lock mo yung pinto pag-alis ko, siguraduhin mo din na nakasara yung mga bintana kung babalik kapa sa tulog." paalala ko sa kanya.

"Lagi mo nalang ako pinapaalalahanan niyan, para namang may makakapasok dito ng hindi dumadaan sa main gate na may security na nagbabantay naman."

"Meron, Max." Kung kilala mo lang pamilya ko matatakot ka sa mga istorya na lumalabas sa bibig nila, at magugulat ka nalang dahil kapani-paniwala lahat ng sinasabi nila, at maniniwala ka talaga. Kinuha ko yung bag ko saka dumiretso na palabas ng pinto. "Sige na mauna na ako."

× × × × ×

"Hi, I'm Bea Garcia. 20 Years Old...."

Pag-katapos ko magpakilala sa harap ng klase, umupo na ako sa bandang likod at nagkalumbaba. Hindi ko na pinansin kung anong reaction nila sa akin dahil 'di naman na yun mahalaga, lalo lang ako maa-anxious kapag nakita ko yung mga mukha nilang akala mo nanghuhusga at naglalait. Nandito ako para mag aral hindi mang-husga ng mga tao.

Philippine GodsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon