11. Undercover, Detective

45 4 4
                                    

ALASTAIR

Manila City,


Dalawang buwan, tatlong linggo, at apat na araw na ang nakakalipas simula nung lumayo ako kila Bea. Hindi sa masama ang loob ko, o dahil galit ako kay Tanda, kung iisipin mo din naman, wala akong kinalaman sa gusto nilang hanapin o puntahan, dahil hindi naman ako tunay na parte ng pamilya nila.

Una kong nalaman na hindi ako tunay na anak nuong 14 Years Old palang ako; tinuturuan ako ni Tanda na mag-hunt, gumamit ng pistol sa murang edad, pero takot ako sa mga pina-pa-hunt niya at hindi ako ma-tuto-tuto kaya nagalit si Tanda at nadulas sabihin na suplit at ampon lang ako. Syempre bata ako nuon, umiyak ako at nasaktan pero ngayon ano pa ang i-iiyak ko? Sinasamahan ko lang naman siya sa mga hunt niya dahil wala namang akong magagawa kun'di sumunod sa kanya.

Pero ngayong may katulong na siya mag-hanap kay Bathala, oras ko na para magpahinga.

Hindi ko sinubukang itanong nuon kung paano ako napunta sa kanila dahil wala namang dahilan para malaman ko pa ang totoo. Ampon ako, at wala akong magagawa duon, salamat nalang dahil binubay nila ako. Ngayong may oras na ako sa sarili ko, mahahanap ko pa ba ang tunay na ako? Tangina. Sino ba ako?

"Nasaan kaba ngayon?"

"Apartment,"

"Bakit ba kasi kailangan mo humiwalay sa amin? Diba sabi ko wala akong pakialam kung hindi kita kadugo o walang parte sa parte ko na dumadaloy sa'yo. Kapatid padin kita."

"Betty, hindi mo ko tunay na kapatid. Saka natagpuan mo na si Tanda, at may kasama pa kayong expert sa hunting. Ayos na ko. Ilang taon ko din sinamahan si Tanda. Hindi mo ba ako pagpahingahin?"

"Hindi 'yun ang totoong rason mo kung bakit mo talaga kailangan lumayo. Kilala kita."

Tumawa ako, "Sa ayaw at gusto mo ayon ang rason ko."

"Nakakakain kaba ng maayos diyan?"

Tumingin ako sa sahig na puno ng basyo ng cup noodles at lata ng beer na nakolekta ko sa ilang araw na paulit-ulit na iyon ang laman ng sikmura ko. "Oo, may cup noodles ako dito."

"Cup noodles? Lumabas ka ngayon, at kumain ka ng kain. Na bubusog ka ba diyan sa kinakain mo?" Sa totoo? Oo. Walang kwenta ang pagkain kung madalas kang walang gana- mabuhay. "Pag hindi ka lumabas pupuntahan kita diyan, ako hahatak sayo papunta sa labas. May tracker pa naman si Papa dito, tinuruan niya ako gumamit."

Mukang nagka-interest 'ata si Tanda turuan si Betty ah, himala.

"Oo na, oo na." sabi ko sabay kamot sa kilay ko. Bakit ba niya ako iniintindi? Diba dapat kay Tanda ang attention niya ngayon? Tagal naming hinanap si Tanda tapos hanggang ngayon gugurigulin niya ko. Pasaway na bata.

"Wag mo kong ma-oo oo diyan. Pag hindi mo tinupad yang sinasabi mo upakan talaga kita." sabi niya na dahilan para ngumiti ako. Hindi ko akalain na mamimiss ko 'tong Betty na' to. "Sige na, lumabas kana. Ingat ka."

"Geh, sandali 'andiyan ba si Aidan? Ibigay mo nga sa kanya may itatanong lang ako."

"Aidan! Tawag ka ni Alastair!" nailayo ko sa tenga ko yung phone na hawak ko sa biglaang pagsigaw niya. "Sup? You still alive?"

"Perehas lang tayo nadidismaya na buhay pa ko hanggang ngayon wag ka mag alala."

"Asan ka ngayon?

"Apartment sa Metro Manila, wag mo sabihin kay Bea baka puntahan niya ako. Kayo? Ano ng balita sa paghahanap niyo?"

"Well, hindi na masama ang pagpalit ni Markus sa puwesto mo dito. Nakahanap kami agad ng ilang lead kung saan mahahanap si Bathala. Bukas balak namin pumunta sa Visaya." Hindi na nga masama. Mas madaming alam yung tandang yun kesa sa akin, kaya 'de hamak na may mas mapapala sila sa pagsama sa kanya. "Ikaw? Anong ginagawa mo ngayon?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 21 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Philippine GodsWhere stories live. Discover now