A CHRISTMAS SPECIAL

75 11 63
                                    


DECEMBER 23

Lucban Rd,
Majayjay Quezon


"Raymond, salamat ulit sa pagpapatuloy sa amin dito." Dahil nga naging disaster yung natuluyan namin kahapon, napadpad kami sa isang compound dito sa Majayjay. May kakilala kasi si Raymond dito, at kinausap niya yun para patuluyin kami o upahan yung bakanteng bahay dito sa compound, pumayag naman kaya dito muna kami habang hindi pa namin alam kung nasaan si Papa. Kailangan muna namin planuhin kung anong susunod na gagawin namin bago umalis.

Yung sulat, hindi namin alam kung sino si Pain o Pa—in. At kung anong kailangan niya kay Papa, pero kinakabahan ako kung anong kaya niyang gawin. Kinakabahan ako kay Papa, baka napaano na siya, baka anong gawin sa kanya ng kumuha sa kanya.

"Sino pa ba ang magtutulungan? Ilan lang tayong mga Hunter sa Pinas. Saka pasko naman." sabi ni Raymond. Mag-papasko nga pala, kaya lahat ng bahay dito sa compound may mga christmas decorations, lahat ng mga tao abala sa noche buena bukas, parang ang sasaya nila.

"Walang pasko. Hindi ngayon. Sinong niloko mo?" bara ni Alastair na kina-sama ng tingin ko sa kanya, pati ba sa pasko bitter itong taong to? "Bakit? Totoo naman. Tanungin mo pa siya." sabi niya sabay turo kay Raymond.

Ngumiti naman si Raymond at tumango, "Tama siya. Hindi December 25 ang pasko at walang sino ang may alam kung kailan pinanganak yung tinatawag nilang Jesus."

"Anong ibig mong sabihin, hindi ka naniniwala kay Jesus? Naniniwala kayo sa mga elemento at mga God at Goddess pero kay Jesus? Hindi?" tanong ko, tumingin ako kay Alastair para tanungin siya ng parehong tanong pero nagkibit balikat lang siya. "Wag mong sabihing hindi siya nag-eexc—"

"Hindi namin sinasabi na hindi siya totoo." sagot ni Alastair. "Pero hindi din namin sinasabi na totoo siya."

"Paki-explain, yung maiintindihan ko."

"Ang ibig niyang sabihin ay nuong Pre-Colonial days, bago pa man tayo masakop at maimpluwensiyahan ng iba't-ibang bansa, walang christianity, islam, o kahit anong relihiyon na makikita mo ngayon. Hindi si Jesus at The Great God ang kinikilalang mga tagagabay ng mga ancestors natin nuon, kundi yung mga God and Goddesses o Deities na nababasa mo sa libro na binabasa mo nung una kitang nakita, yun ang una nilang pinaniniwalaan," paliwanag ni Raymond. "Nalimutan at tumigil nalang ang mga paniniwala nuon ng mga ancestors natin sa mga Philippine God and Goddesses nuong nagkaroon na ng Islam religion nuong 14th century at nuong dumating si Ferdinand Magellan nung 1521 na nagsimula ang religion ng Christianity at Roman Catholicism, na pinaniniwalaan ng karamihan ngayon."

"Alam niyo sinira niyo ang pagkabata ko ngayon-ngayon lang. Sana man lang hinayaan niyo akong paniwalaan na pasko sa pasko bago niyo sabihin na hindi pala sa pasko ang pasko o si— ewan."

Katapusan na ng mundo, lahat nalang ng pinaniniwalaan ng mga tao di totoo at lahat ng di pinaniniwalaan ay totoo.

"Sorry. sya, Hayaan ko muna kayong magpahinga. Duon lang ako sa tapat tumutuloy, kung kailangan niyo ng kahit ano kumatok lang kayo."

"Salamat ulit,"

Paglabas ni Raymond sinara ni Alastair yung pintuan at umupo sa sofa. Masyadong malaki itong bahay na 'to para sa dalawang tao na sandali lang tutuloy, pero ito lang daw yung natitirang bakante dito sa compound kaya wala kaming choice. Umupo ako sa isang upuan saka kinuha yung bag ko saka nilabas yung laptop na nakabalot ng mga damit ko para hindi masira kung mabagsak man o mabasa ng ulan yung bag.

Mag hahanap ako sa internet, mag babaka sakali na baka may mahanap na impormasyon tungkol sa kung anong nilalang o sino ang kumuha kay Papa, at kung nasaan nadin sila.

Philippine GodsWhere stories live. Discover now