2. God Hunter

113 13 102
                                    

"Bea, kailangan mo ba talaga umalis?" tanong ni Maxine habang abala ako sa mga gamit ko na nilalagay isa-isa sa isang maliit na maleta na dadalhin ko sa pag-alis.

Natapos ko ng i-decode ku'no yung mga numbers na binigay ni Alastair, nalaman ko kung anong gusto niyang sabihin, at hindi ko alam kung bakit siya nasa presinto ngayon pero kailangan ko siya puntahan. Kahit hindi ko gusto yung idea na matagal ako bago makabalik ulit dito at pag patuloy yung pag-aaral ko, pero may kutob ako na nasa gitna ng problema si Alastair at kailangan ko siya tulungan kung sa ano man ang problema niya. Ayoko namang makita ulit siya kung saan na nakahilata sa lapag na halos wala ng buhay dahil sa ano-anong gamot na ininom niya tulad ng huli ko siyang nakita.

Tinigil ko yung ginagawa ko saka tumingin sa kanya, "Babalik din ako, promise. Kailangan lang talaga ako ni Kuya ngayon."

"Bea, kapapasok mo lang kahapon tapos aalis kana? Saka hindi mo nga kinukwento pamilya mo sa akin, ngayon isang tawag lang pupuntahan mo na sila agad?"

"Baliw, siyempre pamilya ko sila."

"Okay, pero saan kaba talaga pupunta?"

× × × × ×

Zambales,
Olongapo City

Tungkol naman sa lugar kung nasaan si Kuya, wala siyang sinabi o iniwang clue kung saan siyang presinto naroroon. Pero nasa call history ko yung number ng telephono na ginamit niya kaya ginawa ko ay trinack ko yung number na yun at lumabas ay— sa Olongapo City. Mabuti nalang marami ng tracking number apps na ang nag-sisilabasan sa internet ngayon para makahanap ng lokasyon, kung hindi wala akong alam na clue kung saan ako pupunta. Gusto pa 'ata akong pahirapan ni Alastair.

Bumyahe ako ng ilang oras papunta sa Olongapo, at tuloy sa presinto. At sa kinamalas-malas nga naman ng panahon, grabe ang ulan sa Olongapo, sobrang lakas. Gusto ko mang magpahinga o huminto kung saan pero bawat minuto na nagtatagal ako, napapaisip lang ako kung anong kalokohan nanaman ang ginawa ng magaling kong kapatid kaya nakulong siya.

"Aray! Ilang taon tayong hindi nagkita tapos kokotongan mo lang ako?" angal niya nang kotongan ko siya pagkita na pagkakita ko sa kanya.

"Gago ka, bakit ka nandito?" tanong ko sabay umupo sa upuan. Nilapag ko yung bag ko na napakabigat sa tabi kong upuan saka nilugay yung buhok ko dahil sobrang basa kanina nung tumakbo ako papunta dito. Kung alam ko lang na biniyayaan ng sandamukal na ulan ang Olongapo, sana nagdala ako ng payong.

Tumingin siya sa mga Police na medyo malayo sa amin, saka nilapit niya onti yung ulo niya, "Pumatay ako ng Manananggal. Akala nila tao yung pinatay ko kaya 'eto." sabi niya sabay taas ng kamay niya na may nakakabit na posas.

"Manananggal? Ibig mong sabihin pati mga elementong ganun totoo 'din?" Katapusan na ng mundo. Nakakatakot na mamuhay dito ng may ganyan palang mga elemento tayong kasama. Ayoko nalang isipin kung ano pang mga nakakatakot na akala ko hindi totoo, pero totoo pala.

Tinaas niya yung kilay niya, "Yup, naniniwala ka na pala? Sino namang nakapag kumbinsi diyan sa makitid mong utak na tunay lahat ng pinagsasasabi sayo ng matandang huklubang ama mo nung bata kapa?"

"Ama mo din po yung matandang hukluban na tinutukoy mo." sagot ko sa kanya, makalait wagas. "Pero, oo naniniwala na ako. Ibig kong sabihin ano pang magagawa ko kung isang Goddess na mismo ang nag-appeared sa harap ko at nagbago ng anyo."

"Sino?"

"Amihan..."

"Deity of Wind?"

Philippine GodsWhere stories live. Discover now