Chapter 21: Hold on

1.4M 39.6K 14.2K
                                    

TAHIMIK LANG KAMING dalawa ni Jeydon na nakahiga sa kama habang pinagmamasdan ang mga bituin. Ipinasadya niya sa kuwarto namin ang malaking bintana sa itaas para makapag-stargazing kami gabi-gabi rito. Gusto niya kasing palaging may nakikitang bituin.

Siguro isang oras na kaming nakahiga rito at pareho kaming hindi umiimik. Hindi ko rin naman kasi alam kung anong sasabihin ko.

Pinikit ko lang ang mata ko habang si Jeydon hawak ang kamay ko. Gusto kong kalmahin ang sarili ko pero hindi ko talaga maiwasan na magalit sa sarili ko. Ang sama kong tao. Palagi na lang akong nagdudulot nang hindi maganda. Ilang beses ko na bang ipinapahamak si Jeydon?

Hindi ko naiwasan na maiyak muli. Agad namang napansin 'to ni Jeydon.

"Sabi ko 'wag kang iiyak, hindi ba?" sambit niya at hinila niya ako palapit sa kaniya at saka niya pinahid ang mga luha sa mata ko. Ipinatong ko ang ulo ko sa dibdib niya. "Ang mahalaga buhay pa rin ako. Ang mahalaga, magkasama tayo ngayon. Candice, magiging maayos pa rin ang lahat."

Niyakap ko siya nang mahigpit. "Sana nga maging maayos ang lahat, Jeydon. Sana magkaroon ng himala at makalakad ka pa kasi sobrang sinisisi ko ang sarili ko sa nangyari sa 'yo."

"Huwag mong sabihin 'yan, Candice."

"Hindi ko maiwasan na sisihin ang sarili ko, Jeydon. Kung hindi dahil sa 'kin, sana hindi 'yan nangyari sa 'yo. Kung hindi lang sana ako nagsabi ng mga masasakit na salita sa 'yo, sana hindi ka nagkaganyan. Kasalanan ko lahat ng 'to." Hindi ko pa rin mapigilan na maiyak. "I'm sorry. Sana ako na lang ang nabaldado at hindi ikaw."

"Shh." Hinaplos niya ang buhok ko. "Walang may gusto ng nangyari. Alam kong ayaw mo akong mapahamak. Isa pa, mas gugustuhin ko na ako ang masaktan kaysa ikaw. Huwag mo nang isipin 'yon. Malalagpasan natin 'to."

"Jeydon, I love you," sambit ko. Hinawakan niya ang mukha ko at hinarap niya iyon sa kaniya at saka niya ako hinalikan sa labi ko.

Hindi ko pa rin mapigilan na maiyak pero pinahid naman agad ni Jeydon ang mga luha na galing sa mata ko. Tinitigan niya ang mga mata ko na para bang hinihila niya ako palapit sa kaniya. Lumapit siya sa tenga ko at bumulong. "Mahal na mahal din kita, asawa ko." Sa hindi ko malaman na dahilan, nagsitaasan ang balahibo sa katawan ko.

"Nakakamangha na puwede pa lang may magmahal sa akin nang ganito . . . nang sobra sobra," sambit ko.

Ngumiti siya at niyakap muli ako. "Kahit ako namamangha. Hindi ko akalain na makakapagmahal ako nang ganito, 'yong higit pa sa sobra-sobra. Pakiramdam ko 'yong puso ko malapit nang sumabog dahil sa matinding pagmamahal ko sa 'yo, Candice."

Unti-unting naglapit ang mukha namin at hinayaan ko lang siya na halikan ulit ako. Habang tumatagal, mas lalong dumidiin ang paghalik sa akin ni Jeydon at gano'n din ako sa kaniya. Sa bawat halik ay ang matinding pagmamahal namin para sa isa't isa. Tama nga si Jeydon, 'yong puso ko parang sasabog sa sobrang pagmamahal sa kaniya. Kumalas ako sa halik niya nang kulangin na ako sa hangin. Pareho kaming nakangiti habang tinititigan niya ako.

"That was . . . romantic," bulong ni Jeydon. Nagsitaasan muli ang mga balahibo sa katawan ko.

This bad boy is driving me crazy.

"Gusto kong kumain, Candice," sambit niya habang nakangisi siya. Nakatingin lang ako sa kaniya na may blankong ekspresyon. Maya-maya lang ay tumawa siya. Anong nakakatawa? "Kumain na tayo sa baba," aya niya.

Siguro nakaisip na naman siya ng kalokohan kanina kaya siya tumawa.

Hinanda ko ng pagkain si Jeydon. Nakaupo lang siya sa wheelchair niya habang pinagmamasdan niya ako.

The Bad Boy's Love (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon