15

559 21 0
                                    

'A certain vampire'

DANIELLA

PAGKATAPOS ng kadramahan namin kagabi ng aking mahal na asawa ay bumalik naman na sa maayos ang lahat. As in! Super sweet na ni Filtrian baby at halos ayaw na nya ata sakin humiwalay ahehehehehe.

"Hey, that smirk of yours creep me out." Untag sakin ng aking asawa— lintek nahahawa na ako kay Tryna.

"Ah wala, naisip ko kelan tayo gagawa ng tagapagmana mo?" Tanong ko sakanya.

Nataranta naman ako dahil sasunod sunod na pagubo nya para syang nasamid pero wala naman kaming kinakain?

"Huy ayos ka lang ba? Ang tanga mo naman para masamid sa sarili mong laway? Kumain ka nanaman ba ng buong usa nung naghunting kayo kagabi? Sabi sayo dapat nginunguya iyon! Hala! Patingin nga ako!" Nagkadaugaga ako sa pag piliy sakanyang ibuka yung bibig nya pero hinawi nya lang ako na kinakunot ng noo ko ng bongga.

"I-I'm fine." Aba't nauutal pa!

"Ayos ka lang talaga?" Paninigurado ko pa mamaya may malalang sakit na pala sya tapos kaya sya bumait kasi narealize nyang mamamatay na sya at kawawa naman ako dahil magiging maaga ang pagkabyuda ko!

"Hoy bata pa ako para maging byuda Filtrian ha! Kung may sakit ka magsabi ka saakin para madala kita agad sa America at mapagamot kita aba! Wala pa tayong isang taon at binabalak mo na kong gawing byuda?!" Daldal ko kaagad at umubo nanaman sya sa ngayon kahit moreno sya ay kitang kita ko na ang ugat nya sa leeg at pamumula ng muka nya.

Sa sobrang panic ko ay nahampas ko sya ng sobrang lakas sa likod nya pero di ko naman alam na malaks talaga kasi tumalsik talaga sya doon sa pader nagkashape pa ng katawan nya yung crack doon. Napatingin naman ako sa kamay ko, takteng yan? Nasobrahan na ba ko sa pakikipag laro sa mga tao ni Daddy kaya ganito na kalakas ang isang hampas ko lang? Masyado naman ata? Pero di na nakakapagtaka ha, what can you expect from me? Sobrang ganda ko, mayaman, at hindi ako damsel in distress baka mamaya isa pala akong bampira at tinagi lang nila mommy sakin yon? Omygaaa—

"Urgh, what a pleasant morning." Napatigil ako ng nakita kong nagpapagpag ng jeans nya si Filtrian.

Agad akong tumakbo sakanya at sinuri kung may masakit ba sakanya? Napahigpit ang kapit ko sakanya ng may maamoy akong mabango, as in super bango talaga. Di ko nalang pinansin baka si Fil lang yon. Kasi natural naman talagang mabango sya.

Nahagip ng mata ko ang sugat ng aking asawa sa may bandang balikat nya.

"Halaaa! May sugat ka halika bilis ano bayan masyado ka bang weak para tumilapon ng ganon kalakas dahil sa mahinang hampas ko lang?! Akala ko pa Alpha ka ha?!"

"Mahina pa bayon?" Narinig kong bulong nya.

"Mas marunong ka pa saken e ako yung humampas?! Gusto ko bang tikman yung mas malakas pa?!" Singhal ko pa sakanya na agad naman nyang inirapan lang.

"Aba't iirap ka pa?!" Minsan nagtataka na ako kung totoo bang taong lobo talaga sya kasi masyado syang mahilig mangirap.

T-Teka ang bango bango naman masyado ni Fil ngayon?

"H-Hoy, binuhos mo ba yung pabango sa katawan mo ha? Nakakahilo ka amuyin aba! M-Masyado kang m-mabango." Utal utal kong sabi. Kasi nahihilo na talaga ako.

From my blurry sight nakita kong napahinto sya at pinagkunutan ako ng noo, tinggnan mo nga naman. Sya pa may ganang mangkunot ng noo eh ako tong nagsusuffer sa sobrang paggamit nya ng pabango!

Lost In The Alpha's TownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon