Chapter 3

22.7K 813 32
                                    

Chapter 3


"Where's my schedule?" seryosong tanong ko kay Hera.

She nervously looked at me. Napansin ko ang paglunok niya ng laway noong magtama ang paningin namin. I'm pissed off with her. Naiinis ako sa kaniya dahil sa isang simpleng dahilan. Kakasimula niya pa lang sa trabaho at nakasuot na agad siya ng maiksing skirt. Napakunot ang mga kilay ko.

I hate girls who wear short skirts.

Hindi nakalampas sa aking paningin ang pandalian niyang pagnguso.

Fuck that kissable lips of hers. I glared at her. Inaakit niya ba talaga ako? Kahit na sinasamaan ko siya nang tingin ay lumapit parin siya sa akin.

"S-sir, Eto na po yung schedule niyo" nauutal na sabi niya habang ibinibigay sa akin ang kulay blue na folder.

Kinuha ko lang ito at pagkatapos ay binasa. Habang nagbabasa ako ng schedule ko ay ramdam ko ang pagtitig niya sa akin. I know that she's drooling while looking at me.

Typical na babae na mahilig sa gwapong mga lalaki. Makakita lang ng gwapo ay naglalaway na.

Nang matapos kong basahin ang schedule ko para sa araw na ito ay tumunghay agad ako at sumalubong sa aking paningin ang mga mata niyang nakatulala sa akin.

"Are you done checking me out?" seryoso na pagpuna ko sa kaniya.

Her face became crimson red. She blushed and then she looked away.

"Ha? S-sorry po" she whispered. Halata sa boses niya ang pagkapahiya.

Mas lalong napakunot ang noo ko sa kaniyang sinabi.. Nag-sorry siya kahit wala naman siyang kasalanan.

She's stupid. Dapat ay hindi na s'ya humingi ng tawad. It's just a simple thing. Tumitig lang naman siya sa akin, kasalanan na ba iyon?

Fucking weird. Napailing na lang ako at pagkatapos ay ibinalik ko sa schedule ang tingin ko. I've noticed something. Nagsalubong na naman ang mga kilay ko. May naka-drawing na maliit na smiling face sa may babang bahagi ng papel.

Did she draw this? I took in a deep breath. So childish.

Napapailing na isinarado ko ang folder at doon ko lang din napansin na may maliit na nakasulat sa may pinakababa nito.

Starts your day with a smile.

Really huh? So, ipinararating niya ba na kailangan kong ngumiti lagi? Dream on, I will never do that. Tsk!

Muli akong tumunghay at tiningnan siya.

"What are you still waiting for? I thought you were done checking me out. You can go. I don't need you here." I said with a serious tone.

She smiled but it didn't reach her eyes. Nang makalabas siya sa opisina ko ay nanghihina na napasandal ako sa upuan.

Malungkot siya pero sinusubukan niya paring ngumiti. Dahan dahan akong napailing at napangisi. Mapagpanggap.

Dalawang linggo na ang lumipas. Nanatiling malamig ang pakikitungo ko kay Hera. I don't like her. I really don't like her. Kahit na maganda siya ay ayoko pa rin sa kaniya.

I don't like her personality. She's talkative. She's weird. She's naive and fucking kind. Sa sobrang bait niya ay inaabuso na  ng iba ang kabaitan niya. At higit sa lahat, masyadong siyang inosente at manhid sa mga bagay-bagay. Kahit na binabastos na siya at pinaparinggan ng mga kapwa niya empleyado ay wala lang ito sa kaniya. Kahit sinisiraan at pinaplastik na siya ng ibang babae ay nginingitian niya parin ang mga ito. She's so stupid. Sa lahat ng bagay ay iyon ang pinaka-ayaw ko.

Unspoken TruthWhere stories live. Discover now