Chapter 15

18.7K 596 41
                                    

Chapter 15

"Stop it, Hera. Stop hurting yourself. Masasaktan ka lang sa ginagawa mo. Just don't mind him wala naman iyon sa kaniya. Mas malala pa nga ang nakita kong ginawa niya dati. Kalimutan mo na lang ang nangyari. Okay?" seryoso pero mahinahon kong sabi.

James saw us while making out in my office. She's so embarrassed that's why she's hurting herself.

Hindi naman siya nababaliw. Mahina lang naman ang pagsabunot niya sa buhok niya. Siguro ay sobrang gigil niya sa sarili.

Nilingon ako ni Hera at pagkatapos ay tinaasan niya ako ng kilay. Inilagay niya ang kaniyang kamay sa bewang niya at mataray niya akong tinignan.

I thought she was going to slap me because she was so pissed with me but I'm wrong.

Nagpapadyak siya sa sobrang inis. Hindi ko maiwasang mapangiti sa nakita.

Oh baby, why so cute?

"Ha? Ganun na lang iyon? Kakalimutan na lang ang nangyari. Aba naman, Boss. Nahuli tayong nag-momolmol este nagma-make out tapos sasabihin mong kalimutan na lang na parang walang nangyari. Para ka pong sira. Nakakahiya po iyon. Isang kakahihiyan para sa akin iyon kasi babae po ako. Ang Unfair naman sa part ko kasi para nadin akong nabastos. Nakitaan ako eh. Buti ka pa at parang wala lang sayo iyon. Lalaki ka kasi eh." naiinis na sabi niya sa akin. Napapikit siya nang mariin.

Noong nagmulat siya ay binago ko ang ekspresyon ko at nag-seryoso ako.

"Nakakainis ka. Kasalanan mo ito eh. Kung bakit ba naman hindi mo ini-lock iyong pinto. Simpleng bagay lang hindi mo pa nagawa. Naku, nakakainis ka talaga." nginisian ko lang siya.

Halos mangngitngit siya lalo sa inis dahil sa nakitang ekspresyon ko. Tumikhim lang ako sa kaniya at tsaka ako nagsalita.

"Nope. Hindi ako ang may kasalanan dito. Kung tutuusin ikaw ang dapat sisihin kasi ikaw talaga ang may kasalanan." nakangisi kong sabi.

Napakunot ang noo niya dahil sa pang-aasar ko.

"Baby, it's your fault, not mine" nakakalokong sabi ko.

Napabuntong-hininga siya na tila ba problemadong problemado.

"Aba't ako pa talaga. Naku, suntukin kita d'yan eh" naiinis na sabi niya.

Mas lalo ko siyang nginisian.

"Tsk. It's your fault baby. Sino ba ang unang nanghalik? Hindi ba't ikaw. If you didn't kiss me I'm sure hindi tayo aabot sa ganu'n. Mag uusap lang dapat tayo pero masyado kang aggressive. Tsk, just accept it baby." naninisi kong sabi sa kaniya.

I saw how her jaw dropped. Her eyes widened because of shock.

"Anong ako. Ikaw kaya. Sino bang hindi naglock ng pinto. Hindi ba't ikaw. Kung inilock mo edi sana hindi tayo--"

"Mabibitin?" pagpuputol ko sa sasabihin niya.

I laughed so hard. She can't believe that I'm blaming her. I saw how her cheeks turns red like a rose.

"Mabibitin ka d'yan. Gusto mong masuntok? Hindi iyon ang sasabihin ko. Ibig kong sabihin ay hindi tayo mahuhuli kung nagkataon." nahihiyang sabi niya.

Lalo akong napatawa nang malakas sa sinabi niya.

"Oh really? So parang ganun na din iyon. Kasi kung nai-lock ko ang pinto at hindi tayo nahuli ibig sabihin may ibang makakapasok at hindi tayo mabibitin." I said.

Kunot-noo ko siyang nakatitig sa akin pero agad nanlaki ang mga mata niya nang marealize niya ang sinabi ko.

"B-bastos." namumulang sigaw niya sa akin. Nginisian ko lang siya nang nakakaasar.

Unspoken TruthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon