Chapter 17

16.6K 503 4
                                    

Chapter 17

"Stay with me." namumungay ang mga matang tiningnan ko siya.

Ang aking boses ay sobrang hina dahil hindi ako makapagsalita ng ayos. Masakit ang lalamunan ko at ramdam ko ang pamimigat ng talukap ng aking mata.

Naramdaman ko ang pagsalat niya sa aking leeg upang damhin ang temperatura ko. Nakita ko ang kaniyang pagtayo habang inililinga niya ang kaniyang mga mata sa buong paligid.

"Where are you going?" mahinang tanong ko sa kaniya.

Hindi niya ako sinagot at nag-dire-diretso lang siya sa pagpunta sa cr ko. She's been there for a minute and then she came back while holding a thermometer and some medicines.

Nakita kong marahan niyang tinanggal ang butones ng suot kong longsleeve. I noticed that she bit her lips while looking to my abs. Gusto kong mapatawa ngunit hindi ko magawa dahil sa panlalambot.

"What are you doing?" mahina na tanong ko sa kaniya habang inilalagay niya ang thermometer sa aking kili-kili.

She's checking my temperature?

"Titingnan ko kung gaano kataas ang lagnat mo." she said.

Hindi na lang ako sumagot sa kaniya at sumandal na lang ako sa sofa. My head hurts so bad. Ramdam ko din ang pagiging mainit ng aking katawan.

Noong tumunog ang thermometer ay kinuha niya agad ito at tiningnan. Kanina lang ay maayos pa ang pakiramdam ko pero ngayon ay naramdaman ko na ang panlalambot at init ng katawan ko.

"Tyron, Ang taas ng lagnat mo. Ano bang pinag gagagawa mo sa buhay mo at nagkakasakit ka, ha?" Nag-alala na sabi niya sa akin. Mapansin kong umalis siya sa tabi ko, but I can still hear what's she's saying.

Pinapagalitan niya ako at sinasabihan na mag-ingat. Sumakit lalo ang ulo ko kaya napakunot ang noo ko habang nakapikit ang aking mga mata.

She's nagging at me.

"Fuck! My head hurts." kunot noong sabi ko habang hinihilot ang aking noo.

"Tyron, Ano kumakain ka pa ba? Tumutulog? Nagpapahinga? Nagpaulan ka ba?" sunod sunod na tanong niya habang umuupo sa tabi ko.

May kalakasan ng konti ang kaniyang boses kaya napangiwi ako. Damn, parang binibiyak ang ulo ko.

"Stop shouting. Masakit sa ulo." naiinis na sabi ko.

I heard that she sighed deeply. I don't want to shout at her but I can't help but do that.

I'm sorry for shouting at you my love.

"Edi, Sorry! Oh ayan! Uminom ka muna ng gamot para guma.. pero teka kumain ka na ba? Baka mamaya hindi ka pa pala nakain ng tanghalian tapos iinom ka ng gamot. Tsk. Bawal 'yun. Mabubutas ang bituka mo."

Marahas akong napabuntong hininga at nagmulat ng mata.

Mabilis kong kinuha sa mga kamay niya ang gamot at mineral water tsaka mabilis ko itong ininom.

Papagalitan niya pa sana ako nang bigla ko siyang naunahan sa pagsasalita.

"Call my driver. Sabihin mo sa kaniya na kaunin niya na ako. Uuwi muna ako. I badly need a rest." mahinang sabi ko habang ibinibigay niya sa akin ang kaniyang latest model na iphone.

Bigla siyang nag-panic sa aking sinabi. "Pero teka.. Sa ospital na lang kaya kita ipasugod? Baka mamaya tumaas pa lalo ang lagnat mo eh at baka mag-komblusyon ka. Hindi ko talaga alam ang---"

"Please don't. I hate hospitals, I might die." mahina kong sagot sa kaniya.

"Pero--" pipilitin niya pa sana ako pero pinigilan ko na agad siya.

"Don't worry, Hera. It's just a simple flu. Hindi agad ako mamamatay. Stop panicking, will you?" walang gana kong sabi sa kaniya.

Narinig ko siyang bumuntong hininga. I know she's worried about me. I just want her not to worry too much. I don't want to stress her.

She stayed quiet for a minute. And then after a minute, she asked for the contact name of my driver.

"Mang Isko." tipid kong sabi sa kaniya.

I know that she called him. Narinig kong sinabi niya na ihatid ako sa bahay ko para makapag pahinga.

"Nakakainis ka! Pinapabayaan mo ang sarili mo na magkasakit! Siguro hindi ka na naman kumakain at natutulog. Tanga ka ba, Boss. Paano na lang kung mapabayaan mo ng tuluyan ang sarili mo? Tapos lagi ka nang lalagnatin? Edi, matitigok ka na agad noon? Paano na ako kung wala ka?" naramdaman ko na hinampas niya ako ng mahina sa aking hita habang sinasabi iyon.

I opened my eyes and then I stared at her. She's very worried about me. Kung matamlay ako dahil sa sakit na aking nararamdaman, siya naman ay matamlay din dahil sa pag-aalala sa akin.

Matamlay akong ngumiti sa kaniya at pagkatapos ay hinigit ko siya para paupuin sa tabi ko.

"Stop worrying, baby. I'll be fine. Gagaling agad ako, pangako yan. Lagnat laki lang 'to." i said while holding her hand.

Naramdaman ko ang pangangati ng lalamunan ko kaya ako napaubo. Agad niyang hinaplos ang likod ko upang matulungan akong mapaginhawa ang aking pag ubo.

"Hindi mo naman maiaalis sa sakin na hindi mag alala. Hay nako! Sasamahan kita sa penthouse mo. Doon ako matutulog para maalagaan kita."nakangusong sabi niya sa akin.

My head hurts so bad. Parang minamartilyo sa sobrang sakit. Damn, I think I need to take some rest.

"Thanks" tipid kong tugon at pagkatapos ay humilig ako sa kaniyang balikat.

"Matulog ka muna, tsaka na lang kita gigisingin pag nandito na si Mang Isko." umungot na lang ako bilang pagtugon.

I'm so sleepy. Ang bigat din ng pakiramdam ko at ang init ng katawan ko.

I felt that she touched my cheeks and then I heard that she sighed deeply.

Naramdaman ko ang panginginig ko dahil sa lamig na tumama sa aking balat. Bigla niya akong niyakap at mas napalapit ako sa kaniya.

I fell asleep for a half hour and then Hera wake me up when Mang Isko arrived. Hanggang sa byahe pauwi ay nakahilig lang ako sa kaniya habang natutulog.

This is the first time I feel happy because someone cared for me. Naramdaman ko sa kaniya ang init ng pag-aalala sa akin. Hera, my Queen Hera cared for me. And that's the most wonderful feeling for me.

Unspoken TruthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon