Chapter 5

21.7K 788 48
                                    

Chapter 5


"Sir, you have a conference meeting at exactly one pm." rinig kong pag-uulit niya.

I only nodded at her. Tinapos ko ang pagpirma sa mga dokumento na ibinigay niya sa akin. Ibinalik ko ito sa kanya at pagkatapos ay tinignan ko siya sa mga mata. Napansin ko na hindi siya mapakali.

"Eh sir—" tumigil siya at nag-alinlangan sa pagsasalita.

"Spill it," I told her to continue what she wants to say.

Kinakabahan na inilapag niya sa lamesa ang isang box. Naglaho ang pagkaka-kunot ng noo ko nang sulyapan ko ito at napataas ang gilid ng labi ko.

She gave me a box of donuts. Is she courting me?

It amuses me to think that she's courting me.

"D-donuts po, Boss...para sayo."

May nakakalokong ngiti na tiningnan ko siya. I saw how her cheeks turns red because of so much embarrassment.

I bit my lower lips to holdback the smile that wants to appear in my face. Hindi lang naman siya ang nagbibigay sa akin ng pagkain at kung ano-anong bagay pero pag dating sa kanya ay namamangha ako.

"Why are you giving me this...Uhm...a box of donuts?" I asked with an amused tone.

"Ahh, bumili po kasi ako ng donut eh saktong 18th anniversary po pala nila, may free na dalawang box ng donut ang first 10 customers. Binigay ko kay Mitch ang isa. Wala na akong maisip pang pagbigyan na ibang tao kaya sa'yo ko na lang po ibibigay." Paliwanag niya habang nakanguso.

Napangiwi ako noong marinig ko ang sinabi niya. I thought she's courting me. Maling akala lang pala.

Dahil sa sobrang inis ko sa sarili ko ay hindi ko tinanggap ang ibinibigay niya. Fuck! Napahiya ako sa sarili ko.

"I do not eat donuts. I hate sweets." seryoso na sabi ko habang nakabusangot ang mukha.

"Ah ganon po ba, Boss? Sige po." matapos niyang sabihin iyon ay kinuha niyang muli ang isang kahon ng donuts. Napansin ko ang malungkot niyang mukha bago siya umalis.

Hindi ako mapakali, so I texted her.

To: Ms. Buencamino

Clean my house tomorrow.

Thirty minutes have passed but she's still not replying to my message. Is she mad at me because of what happened?

Hindi ko alam kung bakit hindi ako mapakali. Imbis na tapusin ko ang aking gagawin ay naantala ito dahil sa palagiang kong pagtingin sa cellphone ko.

She's not even replying to my text message.

Maraming minuto pa ang lumipas at nainip na ako sa kakahintay sa reply niya. Papatayin ko na sana ang cellphone ko dahil sa inis pero natigilan ako. I received a message from her.

Muntik ko nang maipaltok ang cellphone ko sa sobrang inis nang mabasa ko ang reply niya.

From: Ms. Buencamino

K.

She did reply but it's a fucking K. A damn fucking K. I don't know why but I feel fucking insulted. I assume na mahaba ang i-re-reply niya pero naiinis ako dahil iisang letter lang. Today, She's not professional. I texted her with four words but she just replied to me with a damn one letter. Not cool!

Sa sobrang inis ko sa kanya ay pinarusahan ko siya. I'm her boss and she's just my employee. Pero ngayong araw kung umasta siya ay parang siya ang boss. She just pissed me off. Kung dati ay wala siyang pasok sa opisina tuwing sabado at Linggo, ginawan ko ng paraan ang bagay na iyon. Pinaglilinis ko siya sa aking bahay tuwing day off niya, sa ganon ay nakikita ko siyang nahihirapan lagi.

Unspoken TruthWhere stories live. Discover now