Chapter 20

16.6K 472 7
                                    

Chapter 20

"You were spacing out. Penny for your thoughts?" Nag-aalala na tanong ko sa kaniya noong makita ko siyang nakatulala sa kawalan.

"May naalala lang ako." tipid niyang sagot.

I know something bothering her.

Marahan kong ipinulupot sa kaniyang bewang ang aking braso. Lumayo siya ng konti sa akin upang makita ang aking mukha. Umayos siya ng upo sa sunlounge na kinahihigaan naming dalawa. Pipigilan ko sana siya dahil akala ko ay aalis siya pero agad niya akong pinanlisikan ng mata. Natigil ang akma kong paghigit sa kaniya pahiga kaya inilagay ko na lang sa puson niya ang aking kamay. Marahan kong hinimas iyon at napagpasyahan kong ibaba pa ngunit bago pa ito makarating sa gusto kong hawakan ay pinitik na agad ni Hera ang kamay ko at tiningnan niya ako habang pinandidilatan ako ng mata.

"Ano?" Kunwari ay inosente kong tanong na tila wala akong ginawa.

"Bawal sabihin. Sa akin na lang iyon. Sekretong petmalu ko iyong iniisip ko." nakangising sabi niya habang sumisimsim sa buko juice na hawak niya.

Ipinungay ko ang aking mga mata at ngumuso upang magpaawa sa kaniya.

Uminom muna siya ng buko juice at tsaka siya tumawa ng malakas.

She's not letting me touch her. How could she!

"Anong mukha 'yan? Mukha kang baliw, hindi bagay sa iyo ang paawa effect na ganyan. Natatawa ako sa iyo, Boss." napabungisngis siya at pagkatapos ay hinampas niya ako sa braso.

"What? Hindi ba bagay? Ang gwapo ko kaya." kunot noo na sabi ko habang nakanguso.

Mas lalo siyang napabulahit ng tawa sa nakita. And now she's laughing at me like there's no tomorrow. Nagpapacute lang naman ako.

"Alam mo kung may makakakita lang sayo na empleyado mo ay paniguradong mag dadasal na sila at aakalain nila na may himalang nangyayari sa iyo. Aba'y nakakaloka nga talaga pag iyong Boss mong ubod ng seryoso at sungit ay mag papacute ng ganyan. Baka magpamisa sila para sayo." pigil ang tawang sabi niya.

Bigla akong nagseryoso sa narinig. "Tsk. Wala namang makakakita sa akin. Malayo tayo sa ibang tao."

Ibinaba niya sa table ang hawak niyang buko juice at pagkatapos ay humiga siya sa tabi ko habang umuunan sa aking hubad na dibdib. She became quiet while staring at the calm ocean.

Unti-unti nang bumababa ang araw, senyales na malapit na itong lumubog. Tahimik lang kaming dalawa ni Hera habang hinihimas ko ang kaniyang pang-upo.

Narinig kong napabuntong hininga siya kaya napatigil ako sa paghaplos sa kaniyang likod.

Muli siyang nagpakawala ng malalim na buntong hininga habang nilalaro niya ang manipis na balahibo sa aking dibdib.

"Boss." umungot lang ako bilang pagtugon.

"Tungkol sa iniisip ko kanina. Naalala ko kasi iyong kabataan ko eh." mahinang sabi niya.

Nawala ang pag-aalala ko noong sinabi niya iyon. I thought that she have a serious problem in her life.

"I'm listening." tugon ko habang pinapakinggan siya.

Sa pangatlong pagkakataon ay huminga ulit siya ng malalim at pagkatapos ay umalis siya sa pagkakahiga sa aking dibdib para umupo paharap sa akin.

Seryoso lang ako habang nakatingin sa ako sa kaniya at inaantay ang sasabihin niya.

I like her being open to me. She's always saying her problems. I'm glad that she's trusting me with everything.

"Hope Orphanage" tipid niyang sambit sa akin.

Kumunot ang aking noo dahil sa narinig. Hope orphanage? Tiningnan niya ang aking naguguluhang ekspresyon.

"What are you talking about with that Hope Orphanage?" salubong ang kilay na tanong ko sa kaniya.

Natahimik siya sa aking isinagot. Para siyang naguluhan sa aking sinabi.

Then the realization hits me when I remembered something. I read that in her resume.

"Oh wait, Hope Orphanage.. i think i know that." Mahina kong sabi sa kaniya.

"I've read it in your resume." pagpapatuloy ko.

Nakita ko ang pagngiti niya ng mapait.

Umiwas siya nang tingin sa akin habang tumatayo. "Tara na?" pag-yayakag niya sa akin.

Nilingon niya akong muli at nginitian. "Palubog na ang araw. Tara ng umuwi sa bahay."

Bigla akong napangisi sa kaniyang sinabi.

"We have a deal, right?" Sabi ko habang may nakakalokong ngiti ang nakapaskil sa aking mukha.

Napansin kong napalunok siya at mabilis siyang lumayo sa akin. "Anong deal?" nagtatakang tanong niya.

"Mamaya ko na ipapaalala sayo pag nasa kama na tayo." sabi ko habang lumalapit sa kaniya.

Paatras na lumayo siya sa akin. Natatawang inilabas niya ang dila niya para asarin ako at pagkatapos ay tumakbo agad siya ng mabilis papunta sa may dalampasigan.

"Habulin mo muna ako." tumatawang sigaw niya sa akin.

Napatawa ako sa kaniyang ginawa. She wants to play huh? Does she know that I can run fast? I'm sure I will going to catch her.

"You love to play a game, huh? Okay fine. Run faster, baby. If I catch you, I will give you my punishment." pabalik na sigaw na sabi ko.

Nang magsimula akong tumakbo palapit sa kaniya ay tumakbo narin siya palayo sa akin. Hindi niya na ako nilingon pa at mas binilisan niya pa ang pagtakbo niya sa dalampasigan.

Nilingon niya ako habang tumatakbo. I smirked because I'm so near to her. Inidipa ko ang aking mga braso at agad ko siyang inaabot. Napatili siya ng malakas nang makita niyang nasa likuran niya na ako. Napatawa ako noong ipinulupot ko ang mga bisig ko sa kaniya.

"I got you!" nang-aakit na bulong ko sa tainga niya. Natatawang hinampas niya ang braso ko.

"Oh, tara na?" tanong niya sa akin.

Hindi ko maiwasang ang malakas na paghalakhak habang hinihigpitan ang yakap sa kaniya. "You're excited, aren't you?"

"Hindi ah. Sige, dito muna tayo. Panoodin muna natin ang sunset." natatawang sambit niya sa akin habang pinagmamasdan namin ang palubog na araw sa dagat.

Mas hinigpitan ko ang pagkakayakap sa kaniya. Naramdaman kong hinawakan niya ang aking braso na nakapulupot sa kaniyang tyan at pagkatapos ay humilig siya sa akin. I happily stared at the sunset. Sabay naming pinanood ni Hera ang unting-unting pagbaba ng araw sa dagat hanggang sa ito ay mawala.

I hope we stay like this forever. Walang problema habang masaya lang sa isa't isa.

Unspoken TruthWhere stories live. Discover now