Chapter 4

21.5K 753 54
                                    

Chapter 4


Many months had passed and Ms. Hera Buencamino was still my secretary.  I've noticed that she's really hardworking so I want to test her. I want to know kung hanggang saan ang pasensya niya. I'll be going to make her suffer.

Since the day that I followed her. Nalaman kong she's an orphan.  Tumira siya sa isang bahay ampunan. Ito siguro ang dahilan kung bakit siya masipag, at mapagkumbaba.

"Skytel Condominium in BGC. Penthouse Suite. That's my address. I want you to be there, tomorrow. I need a maid." I said.

Napansin ko ang pag-sasalubong ng kaniyang mga kilay.  Halata sa kaniyang mukha ang pagtataka.

"Pero Sir secretary mo po ako, hindi katulong." she reasoned out.

Napakunot ang noo ko dahil sa kaniyang sinabi. She has a point but I won't buy that. I wanted her to be my maid, only for tomorrow or maybe some other times too?

"I don't fucking care. I need a maid. Don't worry, Miss Buencamino. I'll give you an additional sixty thousands in your bank account." Seryoso ko siyang tinitigan. Nakita ko kung paano bumagsak ang kaniyang panga dahil sa narinig.

"S-sixty thousand? S-sige sir. D-deal po." nauutal niyang sagot noong makabawi siya sa pagkakagulat.

Lihim akong napangisi. Okay, she agreed to my deal. Be prepared, Miss Buencamino, because the worst is yet to come.

"Tomorrow at exactly four o'clock in the morning." I tiredly said to her while looking at the glass window.

"Alas-kuatro po ng madaling araw?" rinig kong tanong niya. Halata sa boses niya ang gulat.

"Yes."

"Ah eh. Sige po, Sir. Kaya ko 'yan, basta malaki ang pasahod." she said.

"I know you wouldn't decline my proposal," I said with a low tone.

How much money do you need? Nakakapagtaka lang na kumagat agad siya sa pain ko. Sixty thousand? Hindi naman halata na nangangailangan siya. She's an orphan, she's not a breadwinner. She only live with herself. So, anong point at nagpapakapagod siya sa trabaho? She should enjoy her life. Dapat ay paminsan-minsan ay nag-papahinga din siya.

"You're dismissed. Go back to work. Prepare your minutes of the meeting, I badly need them later."

Hindi ko na siya pinapansin matapos kong sabihin iyon. Narinig ko na lang ang pagbukas at pagsara ng pinto.

I've been staring at the night sky for a minute now. Moon is quite big right now, and the stars keep on giving a luminous sight. My appreciation of these wondrous heavenly bodies was immeasurable. I really love to gaze up at these beautiful God creations. 

Eventually, I glanced at my wall clock to check the time. It's exactly 3:30 am.

Humigop ako ng kape habang nakatayo ako sa may balkonahe. Would she come early? Siguro ay hindi. It's too fucking early. Sinong tao ang pupunta agad, lalong lalo na at madaling araw.

Hahanga na talaga ako sa kaniya kung  maaga pa lang ay pupunta na siya dito para lang magtrabaho.

She might be sleeping in her bed while snoring hard. Some girls are too lazy to get up early.

Kampante na sana ako na hindi siya pupunta, at baka nagbago na ang desisyon niya. But I was wrong. After five minutes ay narinig ko na tumunog ang doorbell hudyat na dumating na siya.

I stared at the clock. Three thirty-five am.

I opened the door. Imbis na nakasimangot na mukha ang mabubungaran ko pagbukas ng pinto ay hindi iyon ang nakita ko. She's smiling widely at me. Walang inis at disgusto na makikita sa mukha niya. Pawang saya lang.

Unspoken TruthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon