Kabanta 2

637 28 1
                                    

You're engaged with nicolo, baby. Para akong namingi sa narinig ko at hindi pa nagsink in sa utak ko ang mga katagang lumabas sa bibig mismo ng ina ko.

Pero nang unti unti itong pumasok sa utak ko unti unti ding namuo ang luha ko at unti unti din itong pumatak. Mabilis akong napatayo kaagad at tumakbo palayo doon habang sunod sunod na pumapatak ang luha ko. Hindi ko na din makita ang dinadaanan ko dahil sa sobrang labo na ng mga mata ko. Wala na din akong pakialam kung isipin nina tita na wala akong ugali.

Pero ang alam ko lang ay gusto kong makaalis sa pamamahay na iyon at makalayo sa impormasyong nakalap ko. Sa narinig ko sa kanila.

Wala na akong maisip na ibang puntahan para makalayo sa bahay namin kundi kina kal dahil nandito din naman ang bahay nila at wala akong dalang kahit na anu. Nasa iisang village lang kasi kaming dalawa. Yung dalawa naman na si mezz sa isang village din at iba din naman ang village nina rann.

Punas lang ako ng punas ng luha ko kahit na wala namang nagyayari dahil patuloy parin ang pagtulo ng luha ko habang tumatakbo papuntang bahay nina kal.

Nang makarating ako dun. Nagdoorbell na lang ako dahil wala akong cellphone para tawagan si kal at ipaalam na nasa labas ako ng bahay nila.

Agad namang bumukas ito at saktong si kal ang nagbukas nun na parang may lakad din.

Hey, what happened? Nag aalalang tanong ni kal at dinaluhan ako at inakay papasok.

Pinunasan ko lang ang luha ko at sumunod sa kanya papasok ng bahay nila. Wala sina tita at tito ngayon. Nasa italy daw.

Dumiretso na kami sa kwarto nya at doon ako umiyak ng umiyak. Nagpadala naman sya ng pagkain at inumin para saamin sa katulong nila.

Nang makalabas ang katulong nila na naghatid ng pagkain saamin agad naman nya akong dinaluhan.

Hey, yas! What happened?! Nag aalalang tanong saakin ni kal at hinahagod hagod pa ang likod ko.

I-im engaged. Nakuha ko pang sabihin sa kabila ng mga hikbi ko.
Nakita ko naman ang pagkunot ng noo nya at ang pagkagulo sa mukha nya.

W-what? How? Sa boyfriend mo? Pero diba wala na kayo? Tyaka bakit ka umiiyak? Litong tanong ni kal saakin habang tumutulo parin ang luha ko pero hindi na tulad kanina na patuloy din ang hikbi ko.

Arranged marriage. Tanging sambit ko at nanghihinang napahawak na lang sa dibdib kong mabigat ang dinarama.

With whom? Tanong pa din ni kal at patuloy paring hinahagod ang likod ko.

Nicolo zion.tanging sambit ko at naramdaman ko naman ang pagbitaw nya sa likod ko na parang nagulat sa narinig.

H-he's back? Hindi makapaniwalang ani ni kal. Kasi saaming apat na magbe bestfriends si kal lang naman ang may alam tungkol kay nicolo. Tungkol sa past ko.

Yeah. Pagod na ani ko at parang bibigay na ang katawan ko na nakita naman ni kal kaya inalalayan nya akong makahiga.

May pupuntahan ka? Tanong kay kal dahil bihis na bihis sya.

Kanina sana, pero hindi na. dito na lang ako. natext ko na rin si kevan na hindi ako pwede ngayon. Wika nya at lumapit sa closet nya at may kinuha doon na dalawang pares na pajama at pangitaas na pantulog.

Okay lang naman na pumunta ka. Okay na ako dito. Wika ko sa kanya pero sinamaan nya lang ako ng tingin kaya napanguso na lang ako.

Itinapon na lang nya saakin ang isang pares at isinuot naman nya sa harapan ko ang isang pares.

(PLAYGIRL) Tamed By The FiancéWhere stories live. Discover now