Kabanata 14

371 24 3
                                    

Hi, Yas. Nandyan ba ang boyfriend ko? Mataray na ani nya saakin at naghalukipkip pa.

Natikom ko na lang ang bibig ko dahil hindi ko alam kung anung sasabihin ko. I am surprised!

Oh im sorry! Long time no see. It's been a years, right? Ani nya at nginisian pa ako kaya pinilit ko na lang ngumiti kahit na para siguro akong tanga.

Yeah. Nice to see you again! Nakangiting wika ko. Hindi ko na masikmura ang pagkakaplastic ng ngiti ko kaya nagpaalam na ako.

Sorry but i have to go, Zhel. Ani ko na tinanguan lang nya. Kaagad na akong pumasok sa elevator at mabilis na pinindot ang button para makaalis na ako doon.

Nang magsara ito para akong nanghina kaya napakapit kaagad ako sa mga gilid nun. Unti unting nagsituluan ang luha ko kaya marahas ko itong pinunasan. Nakakailang hingang malalim na ako para pigilan lang ang pagiyak nang may ibang pumasok dito.

Nang makababa na ako ay imbis na sa training room ako dumiretso ay sa café ako nagtungo. Nagtext na lang ako kay Mrs Mortell na malilate ako. Buti  na lang sinave ko ang number nya kanina.

I just want to buy something.

Nang makatawid na ako ay bumuli lang ako ng isang slice ng chocolate cake pampakalma sa sarili ko. Ilang minuto lang ang itinanmabay ko dun tyaka ako bumalik.

Nakasabay ko pa sa elevator si Faith na may kausap at mukhang busy dahil hindi ako napapansin.
Marami kasi kaming nasa elevator ngayon na ipinagpasalamat ko dahil hindi ako napapansin ni faith.

Yes. Pakideliver na lang. Hindi pa daw kasi kumakain si Miss zhel Pascual. Nang masabi nya yun ay napatahimik na lang ako at mas itinago pa ang sarili ko.

Oo. Pakidala kaagad. Baka magalit si Sir pag nagtagal pa. She seems so important to Sir. Wika pa nya na ikinatulo ng luha ko. Buti na lang hindi pa ako masyadong kilala ng mga empleyado nya at baka mapansin pa ako.

Nagsumiksik na lang ako sa dulo at laking pasasalamat ko ng lumabas na si Faith.
Buti na lang ay nauna syang lumabas. Nasa taas pa kasi ang training room ko kaya kung pupunta si faith sa office ni Nicolo ay makikita nya akong lumabas.

Nang makarating dun ay kaagad kaming nagsimula ni Mrs Mortell. Hindi na nya ako tinanong pa dahil siguro nagtext naman na ako.

Kahit hindi pumapasok sa utak ko ang mga itinuturo ni Mrs Mortell ay nakikinig parin ako na mukhang hindi naman napapansin ni Mrs Mortell ang pagkabalisa ko. Buong oras ko ba naman kasing iniisip ang pagbabalik ni zhel. Kung anu na ang ginagawa nila? Shit!

Alright! Thats all for now! Napaigtad na lang ako ng sumigaw si Mrs Mortell. Nang tingnan ko kung anung oras na ay napatayo na lang ako kaagad. Damn! Its 6:15pm pero wala man lang pumunta dito na empleyado ni Nicolo para tingnan ako. Sabagay. Sino ba ako? Im just his fiancé na inarrange lang sa kanya.

Ah Mrs Mortell, ill go now. Bye! Paalam ko dito at isinukbit na ang sling bag ko tyaka lumabas ng training room.

(PLAYGIRL) Tamed By The FiancéWhere stories live. Discover now