Kabanata 6

431 27 0
                                    

I am Nicolo, her fiancé..
Sagot nya na ikinaluwa ng mata ko. What? Baliw na ba talaga sya?!

Natahimik naman si mezz sa kabilang linya kaya kinuha ko na ito kay Nicolo zion.

A-ahm. Mezz? B-bukas ko na lang ipapaliwanag ah? Bye! Nagkakautal utal ako habang nagpapaalam sa kanya at ng marinig ko na ang boses nya saka ko ito pinatayan ng tawag.

Hinarap ko naman ang nakangising si Nicolo habang nagdadrive kaya sinamaan ko ito ng tingin.

Bwisit ka talaga! Alam mo bang hindi pa ni Mezz at Rann alam?! Sigaw ko sa kanya habang nagmamaneho sya.

Hindi. Simpleng sagot nya na ikinaigting ng bagang ako.

Ugh! Bwisit! Sigaw ko sa kanya pero tawang tawa lang sya kaya pagsasabihan ko pa sana sya ng may tumawag na naman saakin kaya sinagot ko na iyon ng hindi tinitingnan kung sino ang caller baka si mezz lang naman kasi.

Hi, babe. Pareho naman kaming natigilan ni Nicolo. Sya natigilan sa pagtawa. ako?   natigilan sa pagpukaw ng masamang tingin sa kanya.

Kyle? Paninigurado ko kahit na alam ko naman na sya yun.

Nasa inyo kana ba? Imbis na sagutin ako ay yan ang lumabas sa bibig nya. Napatingin naman ako sa katabi Kong seryosong nagmamaneho at madilim pa ang mukha.
Napakagat tuloy ako sa labi ko.

Ah, pauwi pa lang. Sagot ko at kinagat kagat ang kuko ko.

Oh. Buong magdamag ka pa lang nagshopping? Tanong nya kaya kahit na hindi nya nakikita napatango na lang ako kasi wala akong boses para sumagot.

Who's with you? Tanong pa nya kaya akmang sasagutin ko na sya na kasama ko sina mezz ng agawin ni Nicolo ang cellphone ko.

Aagawin ko na sana ito sa kanya ng iniwas nya iyon at sinamaan ak ng tingin kaya napanguso na lamang ako at tiningnan syang madilim na nagmamaneho habang hawak ng isang kamay ang cellphone ko.

I'm Nicolo Rydinger, her fiancé, so stop calling her from now on. Matigas na ani nya saka pinatayan ng tawag si Kyle.

Nakita ko pang ini off nya ang cellphone ko at inilagay sa dashboard malapit lang sa kanya, yung hindi ko maabot. Napasimangot na lang ako at hindi na sinubukang kunin ang cellphone ko baka mas magalit lang sya.

Nang makarating kami sa bahay nya ganun parin ang emosyon nya. Galit parin at naiirita.

kagat kagat ko naman ang labi kong pasimpleng inaabot ang cellphone kong malapit sa kamay nya. pero hinawakan nya ang kamay ko at hinigit ako palapit sa kanya.

Sa isang iglap nakahawak na sya sa batok ko at magkalapit na magkalapit na ang mga mukha namin. Nagbubungguan na nga ang mga ilong namin at titig na titig sya sa mata ko pagkatapos bababa sa labi ko. napatingin naman tuloy ako sa labi nya at napalunok.  Nahigit ko na lang ang hininga ko dahil sa posisyon naming iyon.

You are mine, Yasiena Colonel. Only mine. Pagkasabi nyang yun siniil na nya ng halik ang mga labi ko na nakapagpangisay saakin.

(PLAYGIRL) Tamed By The FiancéWhere stories live. Discover now