Kabanata 24

336 21 4
                                    

And you know what, zion? Our baby is growing so fast.

Parang silang plaka sa isip ko ang mga sinabi ng babae na siguradong si lorah habang nagdadrive ako paalis ng bar at ihahatid na pauwi si mezz. Doon na rin siguro ako makikituloy muna. Bahala sya doon. Tutal parang hindi nya din kayang iwanan iyon eh!

Panay lang ang patak ng luha ko na kaagad ko namang pinupunasan dahil nanlalabo ang paningin ko at baka maaksidente pa kami ni Mezz. Buti kung ako lang yung nandito.

Nang makarating ay kaagad naman kaming pinagbuksan ng gate ng gwardya nila dahil nakilala nito ang kotse ni mezz na minamaneho ko.

Nang maipark ko iyon ay nagtawag muna ako ng katulong upang matulungan ako dito dahil hindi ko kaya ito. Buti nga tinulungan ako ng isang lalaki doon na buhatin si Mezz. Mukha naman mabait kaya pumayag ako. Hindi ko rin nalaman ang pangalan dahil sa mga nangyari ngayon. Hindi na nga ako nakapunta ng cr at diretso ko ng inaya si mezz na natutulog na pala.

Manang! Pakitulungan naman po ako kay mezz oh! Lasing po kasi. Ani ko tyaka namin ni manang pinagtulungan si mezz at iniakyat sa kwarto nya.

Nang maihiga namin sya ay napahinga ako ng malalim at pinatay ang cellphone kung kanina pa nagriring.

Ako na lang po ang magbibihis kay mezz.
Ani ko kay manang na tinanguan nya lamang.

Kukuha lang ako ng pamalit, Tyaka magpalit kana din. Dito kana magpagabi Yasiena. Ani ni manang saakin tyaka dumiretso sa walk in closet ni mezz.

Hinubaran ko na lang si mezz tyaka sya pinunasan at nang makuha na ni manang ang damit ay binihisan ko na sya.

Naligo na din ako sa kwarto nya at nagbihis tyaka iniopen ang cellphone ko.

Nandito ako kina mezz. Sleepover. Tanging text ko na sinundan naman kaagad nya ng tawag. Hindi ko naman iyon sinagot at pinatay na ang cellphone tyaka nahiga sa tabi ni mezz.

Naalimpungatan na lamang ako ng ilang sunod sunod na katok ang narinig ko. Paglingon ko kay mezz ay nakatihaya pa ito at tulog na tulog.

Tumayo na lang ako kahit na inaantok pa ako ako at binuksan ang pintuan. Nanlaki naman ang mata ko ng mabungaran ko ang bagong paligo ma si Nicolo na nakawhite T-shirt lang at black shorts.

Anung ginagawa mo dito? Hintayin mo na lang ako sa baba. Ani ko at sinarhan sya ng pinto tyaka kinuha ang cellphone ko at ang pouch kung dala kagabi. Hindi na ako nagpaalam kay mezz at ayuko syang gisingin dahil alam kung may hangover pa ito. And what the hell! Its only 5:15 am. Ang aga pa. Sana doon na muna sya sa babae nya. Tangina sya!

Nang makababa ako ay nakita ko kaagad sya na nakatayo sa may pintuan at kausap si manang.

Manang, Pakisabi na lang po kay mezz na nauna na ako. Ani ko at hindi tinapunan ng tingin si Nicolo na nararamdaman kung nakatoon ang atensyon saakin.

(PLAYGIRL) Tamed By The FiancéTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon