Kabanata 17

387 22 4
                                    

I dedicated this to the girl, named GleanjaneTamayo8. Love you girl & thanks for the good convo.

I like it when you're aggressive. Nakangising ani nya na ikinayuko ko na lang dahil hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya knowing na nangangamatis na ang mukha ko.

Hinawakan naman nya ang baba ko at bahagyang itinaas iyon para magpantay ang mukha naming dalawa. Dahil kahit na nakapatong na ako sa lap nya ay pantay lang kaming dalawa dahil sa tangkad nya.

Nang mag angat ako ng tingin ay inaasahan kong nakangisi sya ngunit taliwas iyon dahil seryoso ang mukha nya ngayon habang titig na titig sa akin.

I like it when you're like that but only to me. Remember that Yasiena. Only to me. Understood? Seryosong ani nya na ikinatango tango ko lang na parang tutang maamong sumusunod lang sa amo nya. Sya lang talaga ang nakakadikta saakin ng ganito. And i am scared.

Bigla namang may kumatok sa kwarto ko kaya napakunot na lang ang noo ko at kaagad na tatayo na sana ng pigilan ako ni Nicolo at hinalikan sa labi bago nya ako pakawalan kaya napanguso na lang ako at sabay na naming tinungo ang pinto ng silid ko.

Nang buksan ko iyon ay napataas na lang ang kilay ko at hindi nakatago ang irap ko.

Why? Mataray na tanong ko kay Zhel na plastic na nakangiti saakin.

The dinner is ready! Masiglang ani nya kaya napatingin ako kay Nicolo na madilim ang tingin kay Zhel.

Tumango naman ako at sumunod na kami pababa ni Nicolo. Napakagat labi na lang ako at pinigilang mapangiti ng hawakan ni Nicolo ang bewang ko at mas inihapit pa ako palapit sa kanya.

Nang nasa panghuling hagdan na kami ay nilingon ako ni Nicolo bago binalingan ng tingin si Zhel na nakangiti na halatang pilit.

Zheleen we're going to talk. Seryosong ani ni Nicolo na ikinalapad ng ngiti ni Zhel ngunit ikinabusangot ng mukha ko.

Nilingon ko naman si Nicolo na may pag di sang ayon pero tinanguan nya lang ako at hinalikan sa noo na ikinanguso ko at dumiretso na lang sa dining area at doon na lang sila balak hintayin.

Dahil may nakahanda na naman doon ay nagsimula na akong kumain dahil alam ko namang magtatagal pa yun ngunit nasa kalagitnaan pa lang ako ng pagkain ko ay pumasok na si Nicolo na kalmado lang at si Zhel na tahimik at parang umiyak dahil sa pamumula ng mata nito.

Why didn't you wait for me? Nakakunot ang noo na tanong ni Nicolo na ikinakagat labi ko lang.

Akala ko magtatagal pa kayo. Ani ko dahil iyon naman talaga ang totoo. At nagugutom na din naman ako.

We won't, i know you're waiting. Ani nya na ikinangiti ko na lang At pabirong inirapan sya.

(PLAYGIRL) Tamed By The FiancéWhere stories live. Discover now