Kabanata 8

416 28 1
                                    

Nasa kwarto ako ngayon at nag aayos para sa pagpunta namin sa mansion nina mezz. Nagtext na sya kanina na nandoon na daw silang lahat at kami nalang daw ang kulang kaya nagmadali na ako dahil ako lang naman na ang hinihintay.

Naligo lang ako at nag shorts at loose T-shirt at nagtsinelas lang ako. 6:10 na kaya bumaba na ako pagkatapos maglagay ng lipstick. Mamaya nito pag inuman matatangal lang ito kaya hindi makapal ang inilagay ko.

Nang makababa ako ng hagdanan nakita kong naghihintay na doon si Nicolo at nakashorts lang din sya at polo t-shirts na maroon ang kulay na bagay na bagay sa kanya. Bat ang gwapo nya? Gosh! Dumagdag pa ang laging magulo nyang buhok.

Lumapit naman ako sa kanya ng nakangiti pero nakakunot naman ang noo nya habang pinapasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

Nang makalapit ako napanguso na lang ako kasi pinaningkitan nya ako ng mata.

Your shorts is too short. Komento nya na ikinairap ko kaya nga shorts eh.

Syempre shorts to. Magtaka ka kung hanggang paa ko ito. Nakairap kung ani na mas lalo nyang ikinasama ng tingin saakin.

May mga shorts naman kasing hindi masyadong mababa. Wika pa nya kaya napasimangot na lang ako.

Kina mezz lang naman tayo. Sabi ko pa ng nakanguso kaya napabuntong hininga na lang sya at hinawakan ang kamay ko at hinigit na akong umalis. Napangiti na lang ako ng makita kung magkasalubong ang kilay nya pero wala naman na syang magagawa pa.

Pinagbuksan naman nya ako ng pinto ng kotse nya kaya mas lalong lumapad ang ngiti ko at pumasok na.

Nang makapasok sya salubong parin ang kilay nya kaya napanguso na lang ako. Sungit nito!

You should stop wearing that kind of clothes. Mababastos ka. Biglang ani nya sa iritadong boses kaya napalingon naman ako sa kanya at sa damit ko ngayon.

Im used to it. Sabi ko naman at itinali ang buhok ko sa bun.

Edi sanayin mo ang sarili mong magsuot ng mahahabang damit. Hindi iyong parang kinulang sa tela.
Iritadong ani nya kaya napairap na pang ako.

Wag ka na nga lang makialam. Iritado ding ani ko. Hindi naman sya nagsalita pa pagkatapos kung sabihin iyon kaya napabuntong hininga na lamang ako.

Nang makarating kami sa bahay iritado parin ako sa pagrereklamo nya sa suot ko kaya mabilis akong bumaba bago pa nya mailock na naman ang kotse. 

Nakita ko namang nagaabang saamin sina mezz sa may pintuan nila kaya lumapit naman ako dun ng iritado at hinalikan ang tatlo sa pisngi at binati ang mga boyfriend nito except kay mezz kasi wala naman.

Nakita naman niang iritado ako kaya tinaasan lang nila ako ng kialy kaya napairap na lang ako. Nakita ko namang nakatingin sila sa likuran ko kung saan nandoon na pala si Nicolo.

Dahil kilala naman na ni Kal si Nicolo sya na ang nagpakilala dito.

Hi! Bati ng tatlo na nginitian lang ni Nicolo at binati di pabalik.

(PLAYGIRL) Tamed By The FiancéWhere stories live. Discover now