Kabanata 18

359 26 3
                                    

Lets start again. Mga katagang binitawan ko.

Hanggang ngayon ay malapad parin ang ngiti ni Nicolo habang nagmamaneho sa kotse nya. Napapailing na lang ako dahil halata sa mukha nya ang pagiging masaya.
Pero napangiti na lang din ako at mas hinigpitan pa ang kamay naming magkahawak na dalawa.

Ang isa kasi nyang kamay ay nakahawak saakin at ang isa ay pinang gagamit nya sa pagmamaneho.

Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Hindi naman kami siguro kakain sa restaurant dahil nakapambahay lang ako at Hindi na nya pinapalit habang sya naman ay naka shorts lang at T-shirt.

Napakagat na lang ako ng labi ng bahagya nyang pisilin ang kamay ko. Tinaasan ko lang sya ng kilay kaya mahinang natawa sya.

Where are we going? Nagtatakang tanong ko dahil kanina pa sya tahimik at pangiti ngiti lang.

Imbis na sagutin ako ay nilingon nya lang ako pagkatapos binalik kaagad ang tingin sa kalsada. Tiningnan ko na lang ang labas ng bintana at nanlaki na lang ang mata ko ng makita ko ang pamilyar na daan at pagpasok namin sa isang subdivision.

Oh my god! Are we going to our house?! Excited na ani ko at hinawakan pa sya ng mahigpit sa kamay.

Yeah. Simpleng ani nya na ikinatili ko.

Nang makarating na kami sa bahay namin ay ipinarada na nya sa harap ng gate ng bahay namin ang kotse nya kaya agad akong kumalas sa pagkakahawak sa kamay nya at excited na bumaba.

Manghang pinagmasdan ko naman ang bahay namin na ganun padin. Syempre alangan namang mag iba to eh 3 weeks pa lang naman. 3 weeks na. It means babalik na ako dito sa susunod na linggo? Iyon naman ang gusto ko diba? Bat pa ako mag iinarte.

Napabuntong hininga na lang ako at naglakad palapit sa gate at nagdoorbell na.

Naramdaman ko naman sa likod ko si Nicolo kaya nilingon ko ito. Sakto namang paglingon ko ay ang paghalik nya sa pisngi ko kaya napanguso na lang ako. Dahil imbis na sa pisngi ang halik nya ay nasa gilid ng labi ko iyon. Bat Hindi na lang sa labi?

Napalingon na lang ako sa nakabukas na ngayong gate namin. Nandoon ang guard namin na nakangiting binati kami kaya nginitian ko lang ito at binati na din.

Napasinghap naman ako ng maramdaman ko na hinapit nya ang bewang ko.

Hindi ko na lang iyon pinansin at nagsimula ng maglakad papasok sa loob ng bahay namin na wala talaga akong makitang isang katulong man lang.

Nang makapasok sa kabahayan ay napatalon na lang ako sa kagalakan dahil nakapunta din ako dito.

Hindi tayo magtatagal. Mahinang bulong nya saakin kaya napakagat labi na lang ako at hinarap sya ng may ngiti sa mga labi.

Its okay. May kukunin lang ako sa kwarto ko. ani ko at tinalikuran na sya.

Nang makarating saaking kwarto ay kinuha ko na ang bracelet ko na regalo pa saakin ni daddy na nahubad ko nang gabi bago kami umalis sa bahay. Hindi ko na ito nasuot dahil nawindang ako at nakalimutan ko ang bracelet ng malaman na lilipat ako sa bahay ni Nicolo.

Habang sinusuot ko ito ay naramdaman kong niyakap ako galing sa likod ni Nicolo. Syempre sino pa ba?
Napangiti na lang ako at bahagyang napaigtad ng halikan ako sa may tenga ni Nicolo.

(PLAYGIRL) Tamed By The FiancéWhere stories live. Discover now