Kabanata 13

386 26 44
                                    

So impatient, lil girl. Namula ako sa tinawag nya saakin kaya napaiwas ako ng tingin. Namuo naman ang halakhak nya sa buong kwarto habang bumabangon at naupo sa tabi ko.

Napakagat naman ako ng labi nang makabangon na rin. Hindi ko alam kung gaano na kapula ang mukha ko basta ang tanging alam ko lang ay nanginginit na ng sobra ang mukha ko sa hiya.

Masyado ba akong atat? Gosh! Nakakhiya sa kanya!

Napatakip naman ako sa mukha ko ng nakangiti sya habang titig na titig saakin.

Don't cover your red face. Malambing na ani nya at inalis ang mga palad ko sa mukha ko.

Napanguso naman ako dahil sa mukha nyang halatang pinipigil ang tawa.

Im not impatient! Inis na ani ko pero tinawanan nya lang ako at tumayo na.

Then you're not. Wika nya pero halata sa boses nya na hindi sya sang ayon doon kaya napanguso na lang ako habang pinapahiga na nya ako at kinukumutan.

And im not lil girl anymore. Mahinang ani ko dahil malapit na malapit lang kami sa isat isa.

You're still a lil girl. You are still my baby. Aniya na nakapagpatikom sa bibig ko. Napakagat na lang ako sa labi ko kaya doon napunta ang mga titig ni Nicolo.

Unti unti naman nyang inilapat ang labi nya sa mga labi ko kaya napapikit na lang ako sa lambot nun. Nang paghiwalayin nya nag mga labi namin ay hinalikan na nya ako sa noo at nagpaalam na.

You should sleep now. Good night. Aniya.

Good night. Tugon ko bago nya isarado ang pintuan ng kwarto ko.

Napakagat labi na lamang ako ng umalis sya at pilit na iniwasang wag tumili at baka marinig pa nya. Gosh! Feeling ko ng sabihin nya yun ay hindi man lang ako huminga. God!

Pinilit ko na lang makatulog at buti na lang ay dinalaw kaagad ako ng antok.

Nang magising ako kinaumagahan ay napatingin kaagad ako sa alarm clock sa may table dito sa gilid ko at ganun na lamang ang gulat ko ng makita kung anung oras pa lang.

Its only 5:45 at hindi pa masyadong maliwanag sa labas kaya napapikit na lang ako at tinulog pa ang ilang oras bago mag 7:00.

Saktong 7:00am ako nagising at kaagad na akong naligo at nagbihis ng disente. Yung magmumukha akong kaedaran lang ni Nicolo. Ipapakita ko talaga sa ipokritang babaeng yun na im not young anymore.

Nang matapos akong maligo ay naglagay na ako ng kulay sa mukha. Naglagay ako ng makapal na pulang pulang lipstick at pinonitail ko lang ang buhok kong may kulay.

Isinukbit ko na ang sling bag kung Louis vuitton sa balikat ko at lumabas na ng kwarto.

May nakasalubong pa akong katulong na mukhang magsisimula ng maglinis dito sa taas. Nginitian ko lang sya ng binati nya ako at bumaba na.

Nang makababa na ako ng hagdanan ay dumiretso na ako sa dining area at nakitang nagtitimpla ng kape si Nicolo sa may counter na kaagad tumingin saakin ng makitang pumasok ako.

Tinaasan naman nya ako ng kilay kaya nagdiretso na ako doon at naupo sa isa sa bakanteng upuan doon. May inilapag naman na coffee sa harapan ko si Nicolo kaya napasulyap ako dito. Hindi ko inaasahan ang ginawa nyang paghuli sa labi ko kaya nanlaki na lang ang mata ko. Nandito pa naman si Manang na ngingisi ngisi din kaya nanginit ang mukha ko at sinamaan si Nicolo ng tingin pero ngumisi lang sya saakin at umupo na din.

(PLAYGIRL) Tamed By The FiancéWhere stories live. Discover now