Kabanata 7

434 26 2
                                    

SHE IS SAD. VERY SAD, NICOLO.
Paulit ulit na pumapasok sa isip ko ang sinabi ni kaley tungkol kay yasiena. Panay ang sulyap ko sa lasing na lasing at natutulog na si yasiena sa backseat habang nagmamaneho ako.

Nang makarating sa bahay. Mabilis akong bumaba at ihinagis sa nakaabang na driver ang susi ng kotse at pinuntahan si Yasiena na ngayon ay tulog na tulog pa rin.

Binuhat ko na lang sya papuntang kwarto nya. Panay lang ang ungol nya at parang nasusuka na naman. Bat kasi patuloy pang umiinom kung hindi din naman kaya.

Aish! Kulit kasi! Wika ko sa sarili ko at inihatid na sya sa kwarto nya.

Nang mailapag ko sya sa kama nya. Umungol naman sya at napaupo na parang nasusuka. Kahit na pagewang gewang syang tumatakbo nakarating pa rin sya sa cr dito sa kwarto nya. Napailing iling na lang ako at sinundan sya dun.

Nakita ko naman na sumusuka sya sa may sink kaya nilapitan ko ito at hinagod ang likod. Umiwas naman si Yasiena kaagad at naghilamos ng mukha at nagawa pang mag toothbrush.

Nang matapos nyang gawin iyon. Lumabas na ito ng cr at parang nahimasmasan na naglalakad patungo sa kama nya. Namewang lang ako dito sa harap nya at balak na syang pagsabihin ng makita ko ang galit nyang mukha na anumang sandali lang ay maiiyak na.

Kaagad naman tuloy akong lumapit ay dinaluhan sya. Nakaluhod ako sa harapan nya habang nakaupo sya sa kama at nakayuko na Kaya natatakpan ang mukha nya.

I touched her chin. Nag iwas naman sya pero kalaunan ay sumuko din sya at tinitigan ako. May nakatakas ng luha sa mata nya kaya dali dali ko iyong pinunasan.
Hindi naman sya umiwas at mas lalo lang bumuhos ang luha nya dahilan ng pagkataranta ko.

Hey! You okay? F*ck! What the hell is happening?! Natataranta na ako pero hidni sya nagsasalita na dumagdag sa pagkataranta ko at pumasok na naman saakin ang sinabi kanina lang ni kaley.

What's the problem, Yasiena! Inis na ani ko na dito dahil patuloy lang ito sa pag iyak at hindi nagsasalita..

Yasiena Colonel! Maauthoridad na ani ko sa malakas na boses at napatayo na din sa pagkafrustrate sa sitwasyon ngayon.

Nagulat naman ako ng tumayo sya at galit na sinalubong ang mga mata ko.

YOU ARE MY PROBLEM NICOLO ZION! BAKIT KASI BUMALIK KA PA HA?! BAKIT KASI HINDI KANA LANG MAG STAY DOON! BAKIT KAILANGAN PANG GULUHIN MO AKO NA NAKAMOVE ON NA SAYO! OKAY NA AKO! MASAYA NA AKO! SO GET OUT OF MY LIFE! I DON'T NEED YOU HERE! BALIKAN MO ANG BABAE MONG INIWAN MO DOON NA MISS NA MISS MO NA NGAYON AT GUSTO MONG YAKAPIN AT HALIKAN! ANG MASAYANG KAUSAP MO SA TELEPONO KANINA!  ANG BABY MO NA DATI AY AKO! Galit na litanya nya at pinagsusuntok pa ang dibdib ko pero niyakap ko lang sya para tumigil na at sya rin naman ang mapapagod pero makulit talaga sya at panay ang pumiglas at mura saakin.

I hate you! You jerk! T*ngina mo! Ang kapal mong bumalik! Wala ka nang babalikan dito! F*ck you for making me feel like this! F*ck you for hurting me so bad! Sigaw pa din nya pero unti unti na syang naghina kaya niyakap ko na sya ng mahigpit. Napahikbi naman sya sa dibdib ko at parang nawalan ng lakas na mapapaluhod sana kung hindi ko sya yakap.

(PLAYGIRL) Tamed By The FiancéWhere stories live. Discover now