Chapter 1

1.1K 15 0
                                    

Kara's pov

"Wahhhh!!! James bat mo ako iniwan, mahal na mahal kita!!!! Bumalik ka nalang ulit sa akin!!!!" andito ako sa isang bundok na lagi kong tambayan sa tuwing malungkot ako.

"James!!!!! Bakit kailangan mo ako iwan?!!!! Hindi naman ako nag kulang di ba!!!! Bakit mo ako niloko?!!!! Patuloy kong sigaw na halos mamaos ako kakasigaw. Nanghina ako bigla kaya bumagsak ako pero patuloy parin ang pag iyak ko. Andaming mga tanong ang gumugulo sa isipan ko na tanging si James lang ang makakasagot. Habang umiiyak ako ay biglang may yumakap sa akin at agad agad ko tong tiningnan.

"Ja-jackson?"

"Sabi ko na nga ba nandito ka lang eh"

"Jackson huhuhuhu"

"Shhhhhh tumahan kana andito lang ako" sabi nito at tinulungang tumayo at inuupo sa isang bench

"Wag kanang umiyak please, masakit para sa akin na makita ang best friend kong umiiyak" sabi nya at pinunasan ang mga luha ko

"Jackson bakit kailangan nya akong iwan? Nag kulang ba ako? Pangit ba ako? Kapalit palit ba ako?"

"Hay naku Kara first of all  kaya ka iniwan kasi choice nya yun. Second hindi ka nagkulang hindi nya lang nakita ang mga efforts na ginagawa mo araw araw para mapasaya mo lang sya. Third hindi ka panget, You are beautiful and charming. And last You are worth it sayang nga lang at di nya yun nakita. Kaya kalimutan mo na sya burahin mo na yang negative thoughts dyan sa isip mo. You can start your own beginning ipamukha mo sa kanya kung anong sinayang nya. Ok kaya tumahan kana."

"Thank you sa pag papagaan nang loob ko ha? Kahit masakit para sa akin na kalimutan sya pipilitin ko nalang".

"Yan tama yan maginf strong ka tutulungan naman kita eh tsaka wag kanang umiyak pumapanget ka eh hahahaha" pagka sabi nya nun ay bigla akong natawa at hinampas sya sa braso.

"Hahahaha grabe ka sa akin di naman eh"

"Hahahaha oo kaya pero sabihin mo napangiti kita hahahaha" sabi nito at ngumiti sa akin

"Oo na"

"Tara ihatid na kita pagabi na eh" sabi nito at tumingin sa orasan nya.

"Tara na pagod narin ako" sabi ko habang nag lalakad papasok sa kotse nya

"Eh sino ba naman kasing di mapapagod sa ginawa mo? Sumigaw sigaw ka sa bundok, masisira lang yang boses mo sa ginagawa mo eh" sabi nito at inaayos yung seat belt nya

"Ayan ka na naman ang sungit mo na naman hahahaha"

"Masungit na kung masungit ilang oras na kaya akong nag hahanap sayo. Tinawagan ko na si Sheena, si Jimbo, si Lindsay, si Boy cam, pati nga nga mama mo eh halos tawagan ko na nga lahat nang nasa contact list ko eh"

"Grabe naman"

"Seryoso ako muntik na kaya maubos yung load ko para mahanap lang kita tapos andito ka lang pala"

"Oh easy lang wag kana magalit sorry na"

"Hayst pano ba naman ano ba naman kasi pumasok sa isip nang lalaking yun at niloko ka"

Pagkasabi nya nun ay bigla akong napatahimik at tumingin sa bintana.

"Ay sorry, wag kana malungkot gusto mo mag ice cream" pang aaya nito.

"Sige" maikli kong sagot sa kanya

Dumaan kami sa isang ice cream shop at bumili nang avocado ice cream

"Thank you nga pala nilibre mo pa ako"

"You're welcome, anything basta para sa best friend ko" sabi nito at tumingin sa akin sabay ngiti.

Ilang minuto din ang lumipas ang nakadating na kami sa bahay sinalubong agad ako ni mama na mukhang kanina pa ako hinahanap

"Hay naku bata ka saan ka na naman nanggaling?, susmaryosep kanina pa kita hinihintay eh".

"Mama naman eh wag kang masyadong mag alala sinundo naman ako ni Jackson".

"Hello po tita"

"Iho salamat sa paghatid sa anak ko kumusta kana?"

"Ayos lang naman po"

"Gwumapo ka ah tara sa loob pahinga na muna kayo"

"Tita naman eh, wag na po uuwi na po ako eh baka di pa po kumakain yung mga aso ko"

"Ay ganun ba sige mag ingat ka sa pag uwi mo iho"

"Salamat po bye po Tita pati narin sayo Kara"

"Bye Jackson"

Pinanood namin na umalis yung kotse at pumasok sa bahay. Humiga agad ako sa kama para mag pahinga, habang nagpapahinga ako ay biglang nag ring yung phone ko agad agad ko itong kinuha para tingnan kung sino yun

From Mr. Sungit:
Good night Kara, kalimutan mo na sya, wag kana mag isip nang kung ano ano, basta kung may kailangan ka nandito lang ako.

Hay naku si Jackson lang pala akala ko naman kung sino. Maswerte talaga ako at naging best friend ko sya. Agad agad ko naman itong nireplayan.

To Mr sungit:
Good night din thank sa pag papagaan nang loob ko.

Pagkatapos nun ay naalala kong may pasok pala kami bukas kaya natulog na ako kasi alam kong marami pa akong gagawin bukas.

The Move OnWhere stories live. Discover now