Chapter 7

434 4 0
                                    

Jackson's pov

"Jackson gising na" sabi ni Kara at tinapik ako

Kinuha ko yung kamay nya at hinatak sa tabi at niyakap sya

"Ayoko pa gusto ko matulog"

"Tumigil ka nga umaga na" sabi nya at umupo sa kama

"Ayoko kiss mo muna ako sa pisnge"

"Ano ba tumigil ka nga"

"Pisnge lang naman eh"

"Ayoko nga"

"Pili ka ikaw mag kikiss o ako"

"Oo na umayos ka ha"

Onti onti nyang nilapit yung mukha nya sa akin at kiniss yung pisnge ko

"Ano ok kana ba?"

"Oo thank you hon"

Lumabas na kami nang kwarto at nakita namin si Khloei sa labas na naka ngiti

"Good morning baby" sabi ko kay Khloei at binuhat sya

"Good morning din Mommy and Daddy"

"Tara kain na tayo" sabi ni Kara kaya pumunta na kami sa hapagkainan at kumain pagkatapos nun ay naligo na kami at lumabas para pumunta sa park na malapit sa amin

"Mommy laro po tayo dun oh" sabi ni Khloei at tinuro yung play ground

"Sige ikaw sasama ka?" tanong naman nya sa akin

"Oo naman"

Nag simula na kami mag laro, umupo muna ako saglit at tiningnan sila hayst ang saya nila tingnan sana ganito nalang kami lagi

"Hi myloves" nagulat ako nang biglang may yumakap sa akin na babae at parang pamilyar sa akin yung boses di ako pwede mag kamali

"Antonette?" sabi ko nangaba eh sya bat sya nandito?

"I am did you miss me?" sabi nito at ngumiti

"No, anong ginagawa mo dito?"
"Well wala naman nag lalakad lang ako dito until nakita kita"

Kara's pov

Naglalaro kami ni Khloei nang bigla akong napatingin kay Jackson na may kausap na babae maputi, matangkad at maganda I think sya yung Antonette na tinutukoy ni Tita pero bakit parang nakaramdam ako nang selos?

"Yun lang ba pinunta mo dito?" sabi ni Jackson sa kanya

"Hmm gusto lang naman kita kamustahin"

"Ok na lang naman ako"

"Gusto mo kumain sa labas?"

"Una na ako may gagawin pa kasi ako" sabi ni Jackson at pumunta sa amin at hinatak papalayo

Nung nakarating na kami sa bahay ay agad agad itong pumunta sa kwarto nya samantala kami ay naiwan sa sala

"Mommy ano pong nangyari?" tanong ni Khloei sa akin

"Ahh Khloei wala naman napagod lang siguro si Daddy mo" palusot ko sa bata

"Ok po"

"Nagugutom ka na ba, kain na tayo"

Tumango lang ito at pumunta na kami sa kusina para kumain pinainom ko narin sya nang gatas at pinatulog pumunta na ako sa kwarto ko sa sobrang pagod ko ay humiga agad ako kama ko papatulog na sana ako nang biglang nag ring yung phone ko

"Hello Lindsay napatawag ka?"

"Wala naman gusto ko lang sabihin na I miss you girl balik kana dito"

"Miss you din geh babalik na ako dyan"

"Talaga girl? Kelan?"

"Hmm baka sa susunod na araw ako bumalik dyan"

"Ayos ka na ba?"

"Yup"

"Sigurado?"

"Siguradong sigurado"

"Mabuti naman namimiss na kaso kita wala na akong pinag tatanggol dito eh tsaka wala na akong kakulitan"

"Eh nandyan naman sila Sheena, si Kuya Chico, Kapitana Sisa tsaka yung ka love team mo si Jimbo yieee hahaha"

"Kadiri girl anong ka love team ka dyan tumigil tigil ka nga"

"Sorry na namimiss lang kita asarin, teh kilala mo ba si Antonette?"

"Oo bakit mo natanong?"

"Lam mo maganda naman pala sya pero iniwan nya lang si Jackson"

"Teka teka girl nakita nyo sya?"

"Oo kanina sa park"

"Naku girl humanda kana mukhang may gerang mangyayari ngayon"

"Bakit?"

"Basta maghanda ka lang oh sya sige na matutulog na ako"

"Sige bye girl good night"

"Good night din"

Antonette's pov

Nandito ako sa kwarto ko at iniisip kung sino yung babaeng kasama ni Jackson kanina parang hindi ko naman kilala pero di kaya girlfriend nya na yun. No hindi pwede toh sinisimulan ko palang ang plano ko tapos may eeksena agad hindi pwede toh kailangan kong maialis sya sa landas ko

The Move OnWhere stories live. Discover now