Chapter 5

472 6 0
                                    

Kara's pov

Nagising ako nang may humahalik sa buong mukha ko pag kamulat nang mata ko ay nakita ko si khloei na naka ngiti sa akin, answeet naman nang batang toh

"Mommy gising na po!!"

"Hahaha eto na gising na ako Good morning baby ko"

"Good morning din po" sabi nito at kiniss ako sa pisnge

"Ang sweet naman nang baby girl ko"

"Hehehe mommy sabi ni daddy kumain na daw tayo"

"Sige baby mag liligo lang si mommy susunod nalang ako"

"Sige po"

Naligo ako sandali at nag suot nang jacket na color black, shorts at sinuklay ang buhok ko at lumabas na nang kwarto. Pumunta na akong hapagkainan nakita ko si Jackson na nakatutok sa laptop nya at umiinom nang kape samantala si khloei ay hinihintay akong dumating

"Mommy kain na tayo"

"Sige baby"

"Good morning Mommy" bati ni Jackson sa akin bigla kong naalala yung na pag usapan namin na mag papanggap kami na may relasyon sa isat isa

"Go-good morning din Da-daddy"

Kumain na kami ni khloei pagkatapos nun ay pinaasikaso ko muna sa yaya nila at kinausap ko si Jackson

"Dapat pinakain mo muna yung bata bago mo gawin yan"

"Eh urgent na toh"

"Hay naku lagi ka naman ganyan eh kaya pala nag hahanap si khloei nang mommy"

"Pag tatalunan ba natin toh?"

"Ang akin lang naman kasi dapat inasikaso mo muna si khloei kawawa naman oh edi kung hindi pa pala ako dumating di pa kakain yung bata, tingnan mo nga hanggang dito sa hapagkainan dala mo pa yan

"Alam mong busy ako eh, marami akong ginagawa"

"Yan naman kasi palagi palusot mo eh, palagi kang busy" sabi ko at umalis na, pumunta muna akong garden para malibang libang

"Edi tama pala ako kung hindi ako dumating di pa kakain si khloei hayst kawawang bata" habang nag mumuni muni ako ay biglang nag ring yung phone ko kaya agad agad ko itong kinuha

"Si Lindsay, Hello?"

"Uy girl kamusta kana?"

"Eto ayos lang naman"

"Eh yung puso mo kamusta?"

"Hmm medyo humihilom na kasi merong nag papasaya sa akin"

"Teka si Sir bayan? Hahaha"

"Hahahaha sira di sya si khloei"

"Khloei? Andyan sya?"

"Yup ang sweet nga nung bata yun eh"

"Sinabi mo pa, kumusta na sya"

"Eto ayos lang sya pero girl naiinis lang ako kay Jackson"

"Bakit?"

"Pano pa naman pag punta ko dun sa dining area nila nakita ko yung bata na nakatulala samantala sya nakatutok dun sa laptop nya, kung hindi pa ako dumating di pa din kakain yung bata"

"Hayaan mo nalang girl kitang busy yung tao eh"

"Oo nga busy sya pero sana naman pinakain nya muna yung bata"

"May point ka naman girl eh"

"Mommy sino po yan?" nagulat ako nang biglang mag salita si khloei sa likoran ko

The Move OnWhere stories live. Discover now