Chapter 16

436 4 0
                                    

Mark's pov

Lord tama po ba itong gagawin ko? Tatanggapin ko po kung anong karma ang ibibigay nyo sa akin pag katapos kong gawin ang utos nya, basta iligtas nyo lang po ang kapatid ko, yun lang po ang tangging hiling ko, aniya ko sa sarili ko habang naka upo sa study table ko sa condo. Matutulog na sana ako nang biglang nag ring ang phone ko kaya agad kong kinuha ito

"Libre ka ba ngayon?" aniya ni Kara

9 na nang gabi ah bat di pa sya natutulog

"Bakit?" sagot ko sa kanya na nagtataka

"Wala lang ako magawa eh. Tara kain tayo" aya nito

"Asaan kaba? Pupuntahan kita" aniya ko habang sinusuot yung Jacket ko

"Dito lang sa park malapit sa inyo" aniya nito kaya agad na akong tumakbo papunta sa kanya

"Anong.... Ginagawa.... Mo... Dito... Gabi na ah.... Wohhh" aniya ko na hingal na hingal

"Oh easy ka lang, umupo ka muma dito" aniya nya at ngumiti

"Alam ba ni Jackson na nandito ka? Gabi na oh baka ma paano kapa pati ang baby mo"

"Oo tsaka gusto ko lang magpahangin"

Nag kwentuhan kami mag damag gusto ko sana sabihin yung plano sa kanila ni Antonette pero natatakot ako na baka may gawin siya sa kapatid ko kaya nanahimik na lang ako

"Oh 11 na pala umuwi kana, baka hinahanap kana ni Jackson makakabuti yan sa baby nyo"

"Hahaha sorry naman na miss ko lang yun dating kulitan natin eh"

"Ganun ba sige hatid na kita baka maaksidente ka pa eh" aniya ko at inihatid sa bahay nila pag katapos nun ay bumalik na ako sa condo at nag isip nang malalim

Ayokong mag sinungaling kay Jackson lalo na kay Kara at ayaw ko din sirain ang relasyon nila at ang pagkakaibigan namin. Siguro sa tamang panahon ko nalang sabihin sa kanila

-After a few months

Medyo lumalaki na ang bata na nasa sinapupunan ni Kara kaya pumunta ako sa office nila at hinarap silang dalawa

"Jackson at Kara alam kong nag mamahalan kayo at ayaw kong sirain iyon"

"Mark ano bang pinagsasabi mo?" tanong sa akin ni Kara

"Ganito kasi yun may plano si Antonette na sirain ang relasyon nyo, gusto nyang kunin ko ang loob ni Kara para pag naghiwalay kayo mapulunta sa akin si Kara at mapupunta ka naman kay Antonette"

"Anong pakulo na naman ba toh ni Antonette?" tanong sa akin ni Jackson

"I se-set up ka ni Antonette kunwari na may nangyari sa inyo para pag tutuunan mo din sya nang pansin at kung ganon nga ang nangyari kukuhanin nya ang lahat nang oras ni Jackson para mag hiwalay na kayo"

"Bat mo ba toh sinasabi sa amin?"

"Gusto ko lang na malaman nyo ang plano sa inyo ni Antonette ayoko ko kayong masira pero kailangan ko itong gawin dahil hawak nya si Andrew anytime pwede nyang saktan yung kapatid ko at di ko yun hahayaan mangyari kaya ginagawa ko ito" aniya ko at umiyak sa harap nila

"Bro alam kong mabuti kang tao at pinatunayan mo yun ngayon kaya tutulungan ka namin" aniya ni Jackson

"Talaga?"

"Oo at buti naman sinabi mo agad sa amin yung plano ni Antonette kaya salamat sayo, susundin namin yung gusto nya" aniya ni Jackson

"Salamat talaga bro" aniya ko at niyakap sya. Nag lalakad na ako pauwi sa amin nang biglang tumawag sa akin si Antonette

"Ano kamusta na ang pinapagawa ko sa iyo?" aniya nito

"Ayos lang naman malapit mo nang makuha si Jackson at malapit ko narin makuha si Kara" pag sisinungaling kong sabi sa kanya

"Mabuti bukas ko na gagawin ang plano ko kaya mag handa kana agad i te-text ko sayo yung condo namin maliwanag ba?"

"Sige" aniya ko at binaba ang tawag

Kinabukasan sinabi ko kay Kara at Jackson ang plano at agad naman nilang nakuha. Ilang oras pa ay dumating na ang oras nang set-up namin kaya nag ready na kami

Kara's pov
Di ko alam kung ano ba ang ginagawa namin basta ang alam ko para sa amin din ito ni Jackson at sa kapatid ni Mark. Papalapit na kami sa condo kaya huminga muna ako nang malalim at nag kunwari na

"Ang alam ko dito yung kwarto na sinabi ni Hon sa akin eh" aniya ko habang kausap ko si Mark

"Tama ba toh?" tanong nito pati si Mark arteng arte

"Oo eh"

"Tingnan natin" aniya nya at binuksan ang kwarto nakita kong nasa kama si Antonette at Jackson alam kung kunwari lang ito pero ang sakit nang epekto sa akin

"Hon!!" aniya ko at umarte na nagulat

"Ka-kara di ito yung iniisip mo" aniya nya

"Hayup ka! Nagawa mo pang mag loko kahit buntis na ako!!"

"Kara let me explain" aniya nito

"Wala ka nang kailangan ipaliwanag, sapat na yung nakita ko na niloloko mo ako" aniya ko at tumulo narin ang luha ko

"Hon hindi yan totoo, hindi kita niloloko"

"Anong hindi eh kitang kita na kayo oh kaya wag kana mag deny"

"Hon pls!! Si Antonette ang may kasalanan nito hindi ako"

"Anong ako eh ginusto mo din diba?" aniya ni Antonette

"Shut up Antonette!" aniya ni Jackson sa kanya

"Dahil dyan mag break na tayo, tinatapos ko na yung relasyon natin" aalis na sana ako pero pinigilan ako ni Jackson

"Bro tama na kitang kita kana" aniya ni Mark at hinatak ako paalis sa kwarto na yun at niyakap ako

"Mark alam kong kunwari lang ito pero bakit ansakit sakit"

"Shh tumahan kana baka makasama yan sa baby mo di ba ayaw mong mawala sila kaya tumahan kana"

"Sa bagay tama ka nga, pwede ba ilayo mo na ako dito gusto ko na syang makalimutan" nilakasan ko sa part na ito ang boses ko para marinig nila Antonette

"Ganun ba sige sumama ka sakin sa states dun muna tayo tutulungan kita palakihin ang anak mo" aniya nito

-Ilang araw pa ang nag daan dumating na rin ang araw na kailangan kong umalis sa bansa kahit masakit sa akin kakayanin ko toh. Kasalukuyan akong nag eempake ng bigla akong yakapin ni Khloei

"Mommy kailangan nyo po bang umalis?" tanong nito na umiiyak

"Kailangan talaga eh para sa amin din toh nang daddy mo at mga kapatid mo"

"Mommy sasama nalang po ako sa inyo pls"

"Di pwede Khloei pero promise babalik din si Mommy ok"

"Promise po yan"

"Promise basta wag mong kalimutan yung sinabi ko sayo ha" pinaalam din namin kay Khloei ang plano, na gets naman nang bata ang plano

Nasa airport na ako kasama ni Mama at ni Almira

"Teh alagaan mo si Mama ah ilang buwan din ako mawawala"

"Oo sige basta alagaan mo din yung sarili mo at magiging inaanak ko ha?"

"Oo teh mag ingat ka ha, ma mahal na mahal kita "

"Mahal na mahal din kita anak wag mong pababayaan ang magiging apo ko ha?"

"Opo ma sige na po alis na po kami" aniya ko at pumasok na sa airport, ang sakit sa feeling na aalis ka sa bansa mo na hindi kasama ang ama nang mga anak mo pero ganito talaga ang buhay eh

The Move OnWhere stories live. Discover now