Chapter 8

469 2 0
                                    

Kinabukasan

Jackson's pov

Nandito parin ako sa kwarto ko at may ginagawa di ko parin makalimutan yung sakit na iniwan sa akin ni Antonette ang kapal nang mukha nya na mag pakita sa akin pagkatapos nya akong lokohin....

*Flashback*

Andito ngayon sa condo nya para isorprize dahil 9th monthsary na namin sobrang saya ko kasi nagtanggal pa kami. May dala dala akong cake at teddy para isorprize sya alam kong favorite nya iyon kaya siguradong matutuwa sya. Kumatok na ako sa pintuan nya at nag hintay na buksan iyon.

"Surprize!!!" aniya ko sabay ngiti sa kanya

"Ja-jackson a-anong ginagawa mo dito" sabi nya na mukhang na gulat

"Happy 9th monthsary myloves mukhang nagulat ka ata?"

"Ano kasi...." naputol yung pag sasalita nya nang biglang may yumakap sa kanya at hinalikan sya sa pisnge

"Baby di pa ba tapos yan?" sabi nung lalaki sa kanya bigla akong nakaramdam nang galit at lungkot

"De-delivery lang po" sabi ko at iniabot kay Antonette yung dala ko

"Anong okasyon bat may pa ganito ka pa" sabi nung lalaki at agad kinuha yung cake

"A-ah wala gusto lang kita isurprize" sabi ni Antonette sa kanya

"Naku naman nag abala ka pa" sabi nito at kinurot sya sa pisnge

"Ah baby pwede pumasok ka muna mag uusap lang kami"

"Sige islislice ko muna yung cake" sabi nang lalaki at pumasok sa loob kaya naiwan kaming dalawa sa labas

"Jackson mag papaliwanag ako?"

"Di na sapat na yung nakita ko ipinamukha mo sa akin na wala akong kwentang tao"

"No hindi sa ganon"

"Tsk 9 months pinaabot mo pa talaga nang 9 months. Pinaniwala mo ako na ako lang, ako lang yung mahal mo pero hindi pala. Hindi naman ako nag kulang diba halos isakripisyo ko na lahat para sayo. All this time pinagmukha mo akong tanga"

"Jackson sorry" sabi nya hahawakan nya sana yung kamay ko pero iniwas ko ito

"Sorry sapat ba yung sorry mo sa sakit na ginawa mo sa akin kala mo ba matatanggal nang sorry mo yung sakit. Antonette umasa ako na ako lang akala ko ikaw na yung babae na makakasama ko habang buhay pero hindi pala, may mas worth it pa pala sa akin, mas mag mamahal sayo nang totoo at mukhang sya yun. Sana hanggang dito nalang tayo" pag kasabi ko nun ay nag walk out na ako nakarating na ako sa kotse di ko na napigilan yung mga luha ko.

"Lintek na buhay toh bat sa dinarami daming taong pwede makaranas nito bat sa akin pa napunta" aniya ko at inistart ko na yung kotse at pinaandar papunta doon sa bahay

End of Flashback

Hanggang ngayon masakit parin para sa akin yung ginawa nya tapos ngayon babalik sya nang ganon ganon lang, ano sya sinuswerte.

Tutok ako sa laptop ko nang biglang may pumasok yung babaeng nag papasaya lagi si Kara

"Jackson?"

"Anong kailangan mo?"

"Wala naman gusto lang muna kita makausap"

"About saan naman yan?"

"Naka move on kana ba sa kanya?" nung pagkakasabi nya nun ay bigla akong napatigil sa ginagawa ko at tumingin sa kanya

"What do you mean?" seryoso kong sagot sa kanya

"I mean kay Antonette naka move on kana ba" bigla akong napatahimik at nag isip kung naka move on na nga ba ako

The Move OnWhere stories live. Discover now