Chapter 10

486 3 0
                                    

Jackson's pov

Sinundan ko si Kara pero nakita ko syang kayakap si James siguro nag kaayos na sila alam ko naman na nagbalikan na sila eh ano pa nga ba?, Bumalik na ako sa office ko para ituloy nalang yung ginagawa ko iniwan ko muna si Khloei kila Lindsay, gusto ko muna mapag isa. Hayst nanliligaw lang naman ako kay Kara eh samantala si James ex nya na pwede sila mag balikan anytime samantala ako wala babalik na naman sa pagiging kaibigan nya, taga comfort sa kanya, taga payo, nag bibigay saya sa kanya pag malungkot sya, sana pala sinabi ko nalang yung nararamdaman ko sayo Kara noong college pa tayo. Ano ba tong iniisip ko? Mabalik na nga lang sa trabaho ko, agad agad kong tinutukan yung computer ko at nag start na ilang oras pa ang nakalipas natapos na ako sa ngayon nag kakape nalang ako at nag scro-scroll sa facebook nang biglang mag tumawag sa akin si Richard yung friend ko.

"Uy bro libre ka tonight?"

"Hmm tingnan ko? Bakit?"

"Wala lang ayaw mo ba?"

"Libre mo ba?"

"Oo naman"

"Teka lang may show pa kami eh mamaya bukas nalang ok ba?"

"Sige basta bukas ha? Wag mong kalimutan"

"Oo, sige bye na"

"Bye"

Buti nalang nag aya si Richard para mabawasan yung lungkot ko. Makalipas nang ilang oras ay show ko na at nag ready na ako.

"Good evening sayo Gandang Kara" bungad ko sa kanya kahit medyo masama yung loob ko

"Good evening din sayo"

"Wala si Kuya Chico noh?"

"Oo nga eh"

"May sakit ata sya eh kasi diba kahapon masama na pakiramdam nya"

"Kami po muna ang inyong makakasama ngayon"

Nag start na kami mag programa katulad nang dati banatan at away bata ang nangyari sa amin. Ilang oras pa eh natapos na kami mag air nag liligpit ako nang gamit ko nang bigla syang lumapit sa akin.

"May problema ba?" tanong nito sa akin

"Ah wala naman pwede ko ba iwan muna sa inyo si Khloei at yung mga aso?"

"Bakit? Anong gagawin mo bukas?" takang tanong nito

"Ahm mag iinuman kasi kami ni Richard eh walang mag babantay sa kanila"

"Sige wala din naman ako gagawin bukas eh"

"Salamat, mamaya sama ka sa amin bibigay ko mga gamit nya"

"Sige" agad kong kinuha si Khloei sa lounge na kasalukuyang natutulog karga karga ko sya hanggang sa kotse nilagay ko muna sya sa likorang upuan at pinaandar yung kotse. Habang nasa byahe kami ay ang tahimik ko siguro masakit parin yung nangyari kanina.

"Uy may problema ba?" alalang tanong nito

"Ah wala bakit?"

"Kanina kapa kasi tahimik eh di ka naman ganyan dati"

"Masama lang yung pakiramdam ko" matamlay kong sagot sa kanya

"Ganun gusto mo dun ka muna matulog sa amin para di kana mapagod?"

"Di na kaya ko naman"

"Wag kana tumanggi tsaka baka hanapin kadin ni Khloei pag nagising sya?"

"Sige na nga"

Dumaan lang kami sa bahay ko para kumuha nang ilang damit ni Khloei at yung mga aso, pagkatapos nun ay pumunta na kami sa bahay nila madaling araw na din kami natapos sa trabaho kaya medyo pagod kami kaya agad agad akong naka tulog

Kinabukasan

Kara's pov

Nag hahanda na ako nang umagahan namin nang biglang may yumakap sa binti ko

"Good morning Mommy"

"Good morning din Khloei, gising na ba Daddy mo?"

"Hindi pa po"

"Ganun ba teka lang gisingin natin" sabi ko sa bata at binilin muna kay mama yung niluluto ko at pinuntahan sa kwarto si Jackson na mahimbing na natutulog

"Daddy wake up" aniya nang bata habang ginagalaw nito ang braso ni Jackson

"Hmm mamaya na Khloei inaantok pa ako" sabi nito sa bata

"Mommy?" aniya nang bata at tumingin sa akin na nag mamakaawa

"Hayst, Jackson gising kana kakain na" sabi ko sa kanya at ginagalaw yung braso nya

"Mamaya na"

"Hmm Khloei dun ka muna kay Lola mo gigisingin ko lang Daddy mo"

"Sige po" aniya nang bata at sinara yung pintuan

"Huy gumising kana nga dyan" patuloy ko parin ginagalaw yung katawan nya pero nagulat ako nang bigla nya akonga hatakin at yakapin habang nakahiga sya, sa ngayon nakaharap ako sa kanya samantala sya naman naka pikit

"Mamaya na samahan mo muna ako matulog"

"Jackson?"

"Bakit?"

"Kahapon nga pala pumunta si James sa office" pagkasabi ko nun ay biglang dumilat yung mata nya at tumingin sa akin nang seryoso

"Anong sinabi nya?"

"Wala naman ini-invite nya lang ako sa kasal nila"

"Kasal nila?"

"Oo yun daw yung dahilan kung bakit nya ako hiniwalayan. Kailangan nyang mag pa kasal dun sa babae para mailigtas nya si Tita"

"Ganun ba kelan ba yung kasal nila?"

"Hmm next next week"

"Ikaw lang ba inimbita?"

"Hindi pati ikaw"

"Ok, may tanong ako?"

"Ano yun?"

"Eh tayo kelan tayo mag papakasal"

"Kasal agad di pa nga nagiging tayo"

"Hehehe sorry naman tara na nga kumain na tayo" aniya nito at hinatak ako papunta sa lamesa namin

Kumain na kami at nag handa na para pumunta kila Richard.

"Nung meron?" tanong ni Kara sa akin

"Di mo maalala? Di ba sabi ko sayo ngayon kami mag iinom ni Richard" aniya ko sa kanya habang inaayos yung buhok ko

"Sorry naman alam mong makakalimutan ako eh"

"Hayst gusto mo sumama?" tanong ko sa kanya

"Hmm sino sino ba kayo?"

"Kami lang bakit?"

"Naniniguro lang"

"Weh naniniguro lang?"

"Oo ano na naman iniisip mo?" takang tanong nito

"Wala" sagot ko sa kanya at ngumiti "Ano? Sasama kaba?"

"Hmm sige wala din naman mag hahatid sayo pauwi"

"Di naman dadami yung inom ko eh"

"Weh talaga ba?"

"Wag mo na nga ako kinokontra"

"Hahaha sorry naman ang cute mo din pala magalit eh" sabi nito at pinisil yung pisnge ko

"May cute ka sakin noh" sagot ko dito at pinisil yung ilong nya

"Masakit ha? Hahahaha" aniya nito at niyakap ko sya bigla

"Oh bakit may problema ba?" tanong nito sa akin

"Wala lang gusto ko lang na yakapin ka. Hmm ligo kana" sabi ko sa kanya at inamoy yung balikat nya

"Sige sasama ako ha"

"Geh hintayin nalang kita"

The Move OnWhere stories live. Discover now