Chapter 4

472 6 0
                                    

Jackson's pov

Kinaumagahan ay nag paalam muna ako sa boss namin na mag leleave ako buti nalang pinayagan  ako basta daw gawin ko parin trabaho ko kahit nasa malayo ako nag impake na ako at pinaalam ko na din dun sa mga tao dun sa isang bahay namin na uuwi ako dinala ko din yung mga aso ko kasi walang mag babantay pinaalam ko na din si Kara kay Tita pinasamahan ko nalang muna sya dun kay almira yung friend ni Kara kaya lahat ay naka set up na wala nang aalalahanin pa. Sa ngayon nandito ako sa bahay nila Kara hinihintay syang lumabas.

"Iho nandyan kana pala" sabi ni tita at may dala dalang maleta

"Ay tita tulungan ko na po kayo dyan" sabi ko at nilapitan sya para kunin yung  maleta

"Nako iho pasensya na abala ka pa ni Kara sa trabaho mo"

"Sus wala ho yun para din naman po ito kay Kara"

"Salamat talaga iho at ikaw ang naging kaibigan nya"

"Walang anuman po yun"

Nilagay ko na sa kotse yung mga gamit ni Kara sya nalang ang kulang kaya hinintay namin sya. Ilang minuto pa ay lumabas na din si kara na naka upshoulder na white at naka rip jeans kahit simple lang yung damit bagay na bagay sa kanya, kinakausap nya ngayon si almira.

"Teh alagaan mo si mama ha? Wag mo syang pababayaan" hay naku mama nya parin ang nasa isip nya ang sweet nya talaga

"Oo teh basta pasalubong ko wag mong kalimutan ha?"

"Hahahaha di pa nga ako umaalis pasalubong agad"

"Ganun talaga hahahaha"

"Nak dalian mo na kanina ka pa hinihintay ni Jackson"

"Ay sorry mama"

"Eh tita kahit noon naman ganyan si Kara"

"Oy di kaya"

"Oo kaya di ba nga lagi kang napapagalitan nang prof natin kasi lagi kang late hahaha"

"Tara na nga, Bye ma, Bye din almira"

"Bye din anak mag ingat kayo"

"Opo ma"

"Teh basta wag mong kalimutan yung pasalubong ko"

"Oo teh"

Naka sakay na kami nang kotse at nag simula nang pumunta dun sa bahay namin, medyo mahaba haba din yung byahe namin kaya pinatulog ko muna sya di ko maiwasan na tumingin sa mala anghel nyang mukha ang ganda nya parin kahit natutulog sya, di ko kayang makita sya na umiiyak kasi nasasaktan din ako. Ilang oras ay naka dating kami sa bahay namin kaya ginising ko na sya para pumasok na sa loob, yung mga taga pangalaga nung bahay sila na yung nag pasok nang gamit namin. Pag pasok ko ay bumungad agad sa akin si khloei ang adopted baby ko.

"Daddy!!!"

"Hi baby" agad agad ko itong niyakap at binuhat

"Daddy i miss u so much" sabi nito at kiniss ako sa pisnge

"Ang sweet naman nang baby ko I miss u too"

"Daddy sino sya?" sabi ni Khloei sabay tingin kay Kara

"Ahm Khloei meet Tita Kara, pwede mo din syang tawagin na mommy kung gusto mo lang naman" pagkasabi ko nun ay nagulat si Kara kaya natawa nalang ako

"Hi Tita Kara"

"Hello din"

"Sabi ni daddy pwede daw po kitang tawagin na mommy pwede po ba"

"Sure kung yun ang gusto mo"

"Yehey may mommy na ako"

"Tara na baby nagugutom na ako kain na tayo" pang aaya ko sa anak ko

The Move OnWhere stories live. Discover now