Chapter 9

456 6 0
                                    

Kara's pov

Kinaumagahan

Nag eempake na kami dahil uuwi na kami sa maynila napatigil ako saglit at tiningnan ang buong kwarto kahit ilang araw lang kami dito may mga alaalang naiwan din dito na hindi ko makakalimutan. Lumabas na ako nang kwarto at nakita ko naman si Khloei na excited sumama sa amin samantala si Jackson ay may kinakausap sa phone nya

"Mommy excited na ako umuwi sa inyo!" aniya nang bata

"Ako din Khloei behave ka lang pag nandun na tayo ha" sabi ko sa bata at binuhat sya

"Opo" pumunta na kami nang kotse at umuwi na kami sa manila. Pag dating namin dun sa bahay ay naka tulog na si Khloei kaya hinatid ko na ito sa kwarto nya kasama si Jackson. Samantala naman ako ay umuwi muna sa amin para mag pahinga

Jackson's pov
Sa kasalukuyan ay may ginagawa ako sa laptop ko nang biglang narinig kong umiiyak si Khloei kaya agad ko itong pinuntahan.

"Khloei?! Khloei anong nangyari sayo?!"

"Da-daddy a-asaan si Mommy? I-iniwan nya ba tayo? Huhuhuhu" aniya ni Khloei kaya niyakap ko ito

"Tahan na anak umuwi lang Mommy mo Ok, di nya tayo iiwan diba nag promise sya sa atin?"

"Pero Daddy pano kung kinalimutan nya yun?"

"Shhh tahan gusto mo bukas isama kita sa work para makita mo si Mommy mo?" tanong ko sa kanya at agad agad itong tumahan at tumango sa akin at ngumiti

"Matulog kana para makita mo Mommy mo bukas"

"Sige po Daddy I love you po"

"Love you too"

Antonette's pov

Andito ako sa kasalukuyan sa tapat nang bahay nila Jackson may plano na ako para bumalik sya sa akin.

*Tok tok tok*

"Sino po yun? Maam A-antonette?" tanong nang yaya sa akin

"Oh bat parang nagulat ka? Andyan ba si Jackson?"

"Ahm Maam wala po eh"

"Saan sya pumunta aber?"

"Bawal po sabihin sa inyo eh" so nilalayuan nya pala ako tsk kala nya di ko sila mahahanap ah

"Sige" sabi ko dito at tumalikod at pumuntang kotse dali dali kong kinuha ang phone ko at tinawagan yung mga tauhan ko

"Hello Maam napatawag ka may papagawa ba kayo sa amin?"

"Alangan tatawag ba ako kung wala akong kailangan, well gusto ko lang naman hanapin nyo si Jackson at yung babaeng kasama nya"

"Sige po Maam papadala nalang po namin sa inyo yung informations"

"Good bye" aniya ko at binaba yung phone kala nya makakapagtago sya sa akin hindi mangyayari yun marami akong sources kaya madali ko lang sya mahahanap.

Ilang oras ay nasa bahay na ako dumeretso ako sa laptop ko at agad agad kong chineck kung naipadala na. Kara pala pangalan nung babaeng yun at simula high school ay mag kakilala na sila ni Jackson bakit di nya sinabi sa akin yun. Teka at sa same company pa sila nag tratrabaho kaya naman pala lagi silang mag kasama. Kawawang Kara gagawin kong miserable ang buhay mo.

Kinabukasan

Kara's pov

Habang naka off air ako at may inaayos sa desktop ay may na recieve akong text galing kay Jackson

From: Jackson
Good morning hon wag ka mag papalipas nang gutom ha?

Kahit kunwari lang tong ginagawa namin ang sweet nya pa din sa akin

The Move OnWhere stories live. Discover now