Chapter 14

453 6 0
                                    

Khloei's pov

"Kelan kaya uuwi sila Daddy?" Aniya ko habang nakatingin sa bintana sa sala nila Mommy at hinihintay umuwi sila. Nasa kalagitnaan ako nang pag-iisip nang bigla akong nakakita nang mga kapwa ko bata na naglalaro. Habang pinagmamasdan ko sila ay biglang may sumulpot na batang lalaki sa gilid ko.

"Hi" aniya nito at ngumiti

"He-hello"

"Bago ka lang dito?" aniya nito kaya tumango lang ako

"Hahahaha sorry kung nagulat kita. Ako nga pala si Sean, ikaw?" dagdag pa nito

"Kh-khloei"

"Cute naman nang name mo" aniya nito kaya ngumiti lang ako

"Si ate Kara nandyan?"

"Si Mommy?"

"Mommy mo si ate Kara?"

"Oo"

"Ang alam ko wala pang asawa si ate Kara ah"

"Meron kaso boyfriend lang"

"Sino?"

"Si Daddy Jackson, sya ang Daddy ko" aniya ko kaya bigla syang napatigil at napaisip

"Ah ok gets ko na, sige alis na ako bye" aniya nito at ngumiti sa akin

"Bye" maikling tugon ko

Pinanood ko syang umalis. Maputi at may itsura sya, medyo matangkad sa akin, pero sa tingin ko kasing age ko lang sya.

"Khloei halikana dito kakain na tayo" aniya ni lola habang inaayos yung lamesa

"Sige po" aniya ko at umupo

"Sino pala yung kausap mo?"

"Si Sean po" aniya ko at kwinento yung pinag usapan namin kanina

"Nakilala mo na pala sya apo"

"Kilala nyo po sya?"

"Aba'y oo naman minsan syang tumatambay dito sa bahay pag wala syang magawa sa kanila. Tumutulong din sya dito sa bahay minsan. Tsaka lagi nyang kalaro si Mommy Kara mo."

"Kaya po pala hinahanap nya po kanina"

Antonette's pov

"Ano kamusta na yung pinapagawa ko sayo?" aniya ko habang kausap ang tauhan ko

"Maam wala po yung kotse ni Jackson sa bahay nila Kara"

"Ano?! Saan naman pumunta yung mga yun?"

"Di ko po alam maam"

"Pwes hanapin mo at isend mo kung nasaan sila naiintindihan mo?"

"Yes maam" agad kong binaba yung tawag at nag isip kung ano ang gagawin kong susunod na hakbang para mawala na si Kara sa landas ko. Alam ko na yung gagawin ko kukuhain ko si Khloei para bumalik sa akin si Jackson.

Kara's pov

Nandito kami ngayon sa isang restaurant na bundok. Ito na ba yung time na dapat ko nang sabihin sa kanya

"Hon itigil mo na yung panliligaw mo sa akin" aniya ko kaya nagulat sya sa sinabi ko

"Ba-bakit binabasted mop na ba ako?" matamlay nyang tanong sa akin kaya hinawakan ko ang kamay nya

"Hon naman hindi kita binabasted kasi sinasagot na kita, pumapayag na ako na maging tayo"

"Talaga seryoso kaba dyan?"

"Oo nga mahal na mahal kita Mr. John Gemperle o mas kilala nila sa Papa Jackson"

"Salamat Hon pangako ko sayo na di kita iiwan at gagawin ko lahat para sa future family natin" aniya nito at yumakap sa akin

"I love you Hon" dagdag pa nito at hinalikan ako sa noo

"I love you too" sagot ko sa kanya

"Ay teka may ibibigay pala ako sayo" aniya nito at nilabas ang isang maliit na box sa bulsa nya

"Ano yan?" tanong ko sa kanya at inilabas yung kwintas sa box

"Total tayo na munting regalo ko sayo" aniya nito at sinuot sa akin

"Alam mo ang tagal kong hinintay tong pag kakataon na toh para ibigay toh sayo" dagdag pa nito at ngumiti

"Ang ganda naman Hon" aniya ko sa kanya at tiningnan yung kwintas

"Kasing ganda mo Hon" aniya nito kaya napangiti ako

"Inaantok na ako" sabi ko sa kanya

"Antukin ka talaga hahaha tara na" aniya nito at inilahad ang kamay at agad ko itong kinuha at pumunta na sa kotse

The Move OnWhere stories live. Discover now