Chapter 18

391 3 0
                                    

After a few years

Mark's pov

Naging maayos naman ang buhay namin dito sa states kasama si Kara. Pumasok ako bilang isang photographer sa isang malaking company dito. Syempre ayokong umasa kay Antonette at baka isumbat nya lang sa akin ang lahat pag nalaman nya yung ginawa ko.

"Ano Mark kamusta ang trabaho mo?" tanong ni Kara sa akin, kasalukuyan kaming kumakain, nanganak na din si Kara, sila Kyle Jackson M. Gemperle at Karita Kylie M. Gemperle pina apilyido ko talaga sila sa totoo nilang tatay kahit ako ang kasama dito ni Kara

"Ayun ayos lang naman marami ngang schedule na dumadating eh" sagot ko sa kanya

"Well mabuti naman kung ganon"

"Hmmm kamusta naman ang kambal?"

"Ayun ang kukulit nila lalo na si Jackson parang nag mana sa akin pero si Karita parang sa ama nya kasi sinusungitan nya yung kapatid nya hahaha"

"Parang baliktad ah hahahaha"

"Oo nga"

"Mommy!!" sigaw ni Karita kaya napatakbo si Kara sa kwarto ganun din ako

"Bakit? Anong nangyari?"

"Mommy si Jackson oh ang kalat sa gamit" aniya ni Karita kaya natawa nalang kaming dalawa

"Eh Mommy nag lalaro lang naman po ako eh" sagot naman ni Jackson

"Hahahaha Jackson anak tama nga naman yung kapatid mo ang kalat mo oh" aniya ni Kara habang kinakausap yung anak nya

"Ganun po ba sorry po Mommy aayusin ko na po, sorry din Karita kung makalat ako"

"Ayus lang yun Jackson basta ayusin mo naman ang gamit mo"

"Sorry ulit Mommy" aniya ni Jackson at yumakap kay Kara, ang saya lang nila tingnan, nakakainggit lang yung ama nila kasi may ganito syang mga anak at asawa

"Mommy kelan po tayo uuwi kila Daddy?" tanong sa kanya ni Karita

"Oo nga po, nakikita po lang po namin sya sa pictures and internet" dagdag pa ni Jackson

"Sa susunod pa mga anak, makikita nyo din Daddy nyo"

Jackson's pov

Kamusta na kaya yung mga anak ko? Nakikita ko lang sila sa pictures na pinapadala sa akin ni Mark eh. Anlalaki na nila huling kita ko sa kanila nasa tyan pa sila ni Kara. Na mimiss ko na sila.

"Sir may meeting pa po kayo within 10 mins" aniya nang assistant namin

"Sige mag hahanda lang ako" sagot ko sa kanya at inayos ang suot ko

"Antonette"

"Yes myloves?"

"Alagaan mo muna si Khloei may meeting pa ako eh" aniya ko sa kanya medyo masama parin ang pakikitungo ko sa kanya dahil sa ginawa nya sa anak ko

"Khloei be a good girl kay Tita Antonette mo ha?" aniya ko at hinalikan sa noo ang anak ko

"Opo Daddy mag iingat ka po"

"Oo naman, aalis na ako Antonette alagaan mo nang maigi ang bata ha"

"Oo kala mo naman mawawala" sagot nito sa akin

Antonette's pov

After a few minutes

Nasa labas kami nang bata dahil ang kulit at ang ingay nya nakakairita.

"Tita gusto ko po nun" aniya ni Khloei at tinuro yung ice cream

"Pwede ba mamaya na Khloei"

"Sige po yun nalang po oh" aniya nito at tinuro ang isang teddy bear

The Move OnWhere stories live. Discover now