3

1.6K 65 19
                                    

Ngiti...


"Ano na naman Dakota? Bilisan mo naman magbihis malelate na tayo sa klase,"

"Huwag mo akong madaliin. Bakit kase ikaw ang sumundo sa'kin?  Sana si Keso na lang para hindi reklamador!"

Mabagal akong nagsuklay sa harap ng vanity mirror sa loob ng aking silid. May thirty minutes pa naman bago ang umpisa ng klase. Masyado lamang talaga siyang maarte. It's not like the school is very far from here.

"Gusto mong makulong ang kapatid ko? Hindi pa siya legal magdrive," naiinis niyang turan. Ngumuso na lamang ako kahit hindi naman niya ako nakikita. He was probably lying on my bed like a handsome prince habang ako ay nasa loob ng aking walk-in closet.

Sanay na ang mga katulong sa aking mga kababata kaya naman hinahayaan lamang ang mga itong pumasok sa aming silid anumang oras. My parents knew them since we were kids at parang anak na din ang turing nila mama sa kanila.

It took me another five minutes to get ready. It's our second week in College at tanging sila Chase, Cloud, Gold at Grey na lamang ang natitira sa high school.

My lips puckered as I read the name of our school in my id - Unibersidad del Capitan Alonzo. It was a university build during the Spanish regime na unti unting lumaki at naging kilala na sa bansa.

Ni hindi ko na sinubukang pumili pa ng ibang paaralan dahil nauna ng nag aral dito sila Aedree. Malaki ang shares ng kanilang pamilya sa eskwelahan at dito rin nag aral ang kanilang mga magulang so naturally, they are bound to graduate in the same university. Halos lahat kami ay dito na din bumagsak maliban kay Mattee na piniling mag enroll sa ibang university just because they weren't offering the course she likes.

Isa pa ay malapit iyon sa restaurant ng magulang niya at sa kanilang bahay. Knowing her,  she's too lazy to wake up early dahil ang dami niya ring seremonyas.

Nang makapasok ay agad nakaagaw ng pansin ang dala naming sasakyan. We're just freshmen pero naka Ashton Martin ang hayop. How he got the car is beyond me. But hindi naman iyon nakapagtataka dahil mayaman sila. Like, we are rich but they are fifty times richer?

Out of all of them ay si Milan ang pinakashowy sa mga gamit.  The Puntavegas doesn't really flaunt their assets but when they do, mapapanganga ka na lang din talaga.

Hindi sila masyadong kilala sa bansa, that is if we're talking about the general public but most elite families knows them since marami pa rin silang subsidiary company dito kahit pa nga sa abroad nakafocus ang Conglomerates nila.


Since they were still studying ay mga magulang pa nila ang namamalakad ng mga negosyo but Aedree and Ice normally visits their company na nakabase dito from time to time. They were trained to manage their company kahit noon pa. Iyon ang nagsisilbi nilang bakasyon, ang matutong mamalakad ng kanilang kumpanya under Gran Constancia's supervision.

I know Milan and Julio will have to report to the company soon too. Nang patayin niya ang makina ng sasakyan at makababa ay hinintay ko siyang umikot at pagbuksan rin ako.

It's a routine at nakasanayan ko na din na inaalagaan nila. Not that I am spoiled by them to the point of being a brat, but more like, I am a princess with seven princes with me.  Daig ko pa si Snow White dahil hindi lamang ako ang kanilang prinsesa kung hindi si Mattee na din.


Naglakad na kami sa hallway habang dala dala niya ang aking mga libro. Inayos ko ang aking palda na bahagyang tumaas kanina nang umakyat kami sa hagdan.

"I won't be able to send you on your next class after this. May klase pa 'ko. Text Julio to fetch you. Hindi pwede si kuya Ice because he picks Mattee every lunch,"

MILAN (P.S#4)Where stories live. Discover now