10

1.3K 57 26
                                    

Unfair...

"Buti kinausap mo 'yon?"

Napalingon ako ng marinig ang tanong ni Milan. Sinabayan niya akong maglakad. Sila Julio at Ulap ay humiwalay na sa amin. Napaangat pa ng bahagya ang aking kilay nang mapansin ang isang babaeng kumindat pa sa kanya. At ito namang pokpok na ito ay mukhang tuwang tuwa pa dahil kumindat pabalik, napakagaling din.

Sa bwisit ay mabilis akong lumiko habang naglalakad. Sa mas malayong daan ako dumiretso para mapagod siyang magbuhat ng mga libro ko. He's going to send me to my next class lalo na't wala naman siyang klase na pero wala akong pakialam kung mapagod siya. Hindi nga siya napapagod sa pakindat kindat at paglalandi niya e.

"Hoy Dakota!" tawag niya ulit sa akin. Paglingon ko ay salubong na naman ang kanyang kilay na lalong nakapagpainis sa 'kin. May topak na naman ba siya dahhil.hindinsya nakapanlandi?

"Ano?" asik ko.

"Init ng ulo mo, selos ka ba?" asar niya kaya naman muli akong napalingon sa kanyang gawi. But unlike before, he's not smiling.

Ano'ng problema niyong pokpok na 'to?

"Bakit naman ako magseselos? Hindi naman "yun kagandahan!"

Nagsalubong ang kanyang kilay at mas lalo akong sinabayan sa paglalakad.

"Ano'ng hindi kagandahan? Bulag ka ba? Ang ganda kaya noon! Maamo ang mukha, hindi maarte at tipong seseryusohin ng kahit sino. Bakit mo kinausap kung mukhang inis ka naman pala?"

Mas lalong kumunot amg aking noo sa kanyang sinabi. Sino ba? Hindi ba 'yong kumindat sa kanya kanina?

"Ano'ng maamo ang mukha e putok ang nguso noon sa lipstick? Dinaig pa si Mattee e buti sana kung magkasing ganda sila," I tried acting cool kahit naainis na ako pero para siyang biglang natauhan nang madinig ang aking tinuran.

"Ano ka ba, si Chaese ang sinasabi ko! 'yong sabi ni Lantis na babae ng kapatid ko. Sa'n banda ang putok na nguso doon?"

Bahagya namang kumalma ang aking kalooban nang maintindihan ang kanyang sinabi.

Ngali-ngali ko siyang tawanan. Natural maganda 'yon, e kapatid ko 'yon, siraulo.lang ang magsasabi na pangit ang kapatid ko. Wala sa lahi namin ang pangit.

"Selos ka 'no?"

Inirapan ko siya sa kanyang tinuran. Bakit ako magseeselos sa kapatid ko e si Keso naman ang lalaki niya.

"Baka kung ikaw pa..." hindi ko maiwasang bulong. Ipinilig ko ang aking ulo atniniwasan ang kanyang tingin.

"Ano'ng sabi mo?"

"Wala!" singhal ko. Wala ako sa mood ngayon dahil medyo masama ang pakiramdam ko. Iyon din ang dahilan kaya tinamad akong pumasok sa isa kong klase at walang pag aalinlangang sumama sa pagtambay sa kanila.

Bahagya akong nagulat nang abutan si Andrea doon. Mukhang nagulat din siya nang makita ako ngunit hindi niya naman ako tinawag na ate. Malamang ay naalala niya nang minsang sabihin ko sa kanya na huwag akong kakausapin sa escuelahan.

Sa totoo lamang ay okay lang sa akin kung tatawagin niya akong ate sa harap ng mga kababata ko. They'll find out eventually. Pero hindi ko talaga masabi ng kusa ngayon sa kanila. I'm still hesitating. Siguro after another week ay ikukwento ko din sa kanila ang bagay na iyon. I can't hide that fact anyways. Darating ang araw at aabutan nila sa bahay ang kapatid ko.

Ang mas ikinagulat ko ay ang pagpansin sa kanya ni Lantis. Kinakausap siya nito at tinawag pang babae ni Chase. Hindi naman ako tanga para di magets na sinabi lamang ni Lantis 'yon but seeing how Andrea and Chase both reacted, mukhang doon na din naman pupunta.

MILAN (P.S#4)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora