32

1.2K 57 58
                                    

Sa sobrang inip ko kakahintay dito sa pila, nakasulat na ko. D ko ulit ieedit ahaha masakit na balikat ko mygad. POV to ni Gold

-------

Walang silbi...


"Grabe, kadiri si kuya Chase no? Parang hinihigop na kaya niya 'yong mukha ni Ate Andrea,"

"Sayang hindi mo na-videohan!"

Nanlaki pa ang aking mga mata bago napatingin kay kuya Ulap.

"Kuya paano kung magkavirus yung phone ko? Tsaka ayoko nga, kadiri! Si Kuya Aedree lang may bold sa phone no!"

Para akong kinikilabutan at talaga naman hindi makapaniwala na nasaksihan ko pa ang isa naming kuya na nakikipaghalikan.

Iniwan na namin sila doon sa shop. Nakakatakot din kasi iyong babae sa counter e. Ang lagkit makatingin. Doon na lang kami sa loob ng cafe nila Andrea.

Anong oras na pero napasugod kami bigla dito dahil si Kuya Chase, ayaw kaming tigilan. Hindi niya daw mahanap si Andrea. Eh siguro inaway niya lang si Ate kaya nainis sa kanya.

Buti nga.

"Kuya sa loob muna ko! Puntahan ko si Kuya Dennis!" sambit ko at hindi ko na talaga hinintay makasagot si kuya Ulap at dumiretso na sa loob ng kusina.

Sa tuwing nandito kami ay gustong gusto kong tumutulong sa loob.

Mabait naman si Tita Kath, iyong mama ni Ate Chaese. Sabi niya cute daw kami ni Kuya Ulap kaya okay lang tumulong kami kapag gusto namin.

Sabi din ni Mama cute ako e. Pero sabi ni Lola pogi daw ako. Siguro pareho kasi palagi naman nila kong sinasabihan noon!


"Oh, nahanap niyo na si Chaese?" bungad sa'kin ni Kuya Dennis ng pumasok ako. Nakasandal ito sa lamesa at umiinom ng juice. Nilapitan ko pa siya at nakipag-apir.

"Oo, kuya. Kadiri nga sila, gumawa ng scandal doon sa internet cafe," tila ba kinikilabutan kong turan.

Natawa naman si kuya Dennis na ginulo pa ang aking buhok.

"Isa lang ang ibig sabihin noon, bata. Pareho silang marupok!" natatawa nitong turan.

"Ako, kuya hindi ako marupok!" ngisi ko. Pinagtaasan niya lamang ako ng kilay bago ako tinawanan.


Bakit kaya siya natawa? Totoo naman kaya, hindi din ako malandi tulad nila kuya.

I got a little busy too. Naisip ko bigla si Grey. Dapat gawan ko siya ng drink kahit na si Lantis ang nasa labas ngayon.

Sa naisip ay ginawan ko na ang kakambal ng maiinom. I was just about to pass by the counter ng bigla na lamang akong sampalin noong babaeng nagbabayad.

"You, perv!" sigaw nito. Ang basong nakalagay sana sa bar tray na aking hawak ay tumapon na at natuluan pa ako sa'king damit.

A soft hiss escaped my lips. Ang sakit noong sampal ah. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Gold!" may narinig akong sumigaw but I can't focus. Kasi sa harapan ko ay halos umusok ang ilong ng babaeng nagbabayad. Maiksi ang kanyang buhok na ni hindi umabot sa kanyang balikat, maputi din siya at hindi ko naman mapintasan ang itsura.

Sa likod niya ay isang lalaking malawak na din ang ngisi at tila tuwang tuwa pa sa nangyari.

"Manyakis ka!" singhal na naman niya sa'kin kaya muling nabaling sa kanyang gawi ang aking tingin.

MILAN (P.S#4)Where stories live. Discover now