50

1.5K 58 28
                                    

Letters...

"Susko, akala niyo ba nagha-honeymoon kayo rito?" insmid ni Aedree nang mapadaan ako sa sala bitbit ang isang tray ng pagkain. Dadalhin ko iyon sa silid ni Milan dahil busy ito sa pagbabasa ng mga papeles and I don't want him to miss his lunch.

"Akala mo rin ba hindi kita babatukan kapag napuno ako sa'yo?"

Inirapan ko muna siya bago tumuloy sa hagdanan. Nadidinig ko pa siyang bumubulong bulong. I heard Xantha and him had another fight. Lakas din talaga ng tama ng dalawa at break na naman yata. Kaya siguro nagmamaasim na naman itong si Aedree.

Bungangero din kasi, so bahala siya sa buhay niya. Pinigilan kong matawa sa naisip ngunit hindi muna ako na nakuntento. Lumapit ako sa railing at sinilip si Aedree sa baba na sinasabunutan na yata ang sarili.

"Ah single, kawawa," pang aasar ko sa kanya. He lifted his gaze at pinaningkitan ako ng mga mata.

"Hindi ako single, bwisit ka talaga Dakota. Matapilok ka sana!" sigaw niya but I was already marching my way towards Milan's room.

Panay pa rin ang aking hagikgik kahit nang makapasok na ako sa loob. He lifted his gaze from the paper works he had been reading since two hourse ago. Pero kahit alam kong pagod na ito lalo na ang kanyang utak, hindi ko la rin maiwasang pansinin na mas nagiging appealing siyang tignan kapag nagbabasa ng mga papeles.

I gave him a beautiful smile at umangat naman agad ang kanyang kilay.

"Sino na naman ang binatukan mo sa labas, Dakota?"

Nakagat ko ang pang ibabang labi at tinawanan siya.  Ibinaba ko ang tray ng pagkain sa gilid ng kanyang lamesa.

"Inasar ko lang kuya mo.  Siya naman kaya ang nauna," paliwanag ko. Iiling iling na lamang siya habang ako naman ay iniabot na sa kanya ang sandwich na ginawa ko sa kusina. 

Tinangap niya iyon bago tila may naalala. "Did you make this?"

Napanguso ako. "Is this your way of asking if the food is safe to eat or not?" asik ko sa kanya.  Napahalakhak ito bago ako kinabig palapit sa kanya.  Naramdaman ko ang naging pagbaon ng kanyang mukha sa aking naging tiyan na naghatid ng samu'tsaring kiliti sa aking pakiramdam.

It was just a simple gesture ngunit iba na ang naging epekto sa akin noon.

"Biro lang, you know I'd eat anything you make for me. Kahit ikaw ay kakainin ko kahit pa hindi mo ihain ang sarili mo sa'kin,"

My cheeks blushed at his seemingly innocent innuendo. O kung innocent bang matatawag iyon. Basta kilig na kilig pa rin ako.  Kaunting kaunti na lamang ay magiging bold star na talaga si Milan sa paningin ko.

."Tss," kunwaring asik ko.  "Ganito mo din ba binola bola ang mga babae mo noon? Kaya talaga pokpok ang tawag sayo nila Aedree eh,"

Mas lalong napahigpit ang kanyang hawak sa aking baywang at ako naman itong iba na ang itinatakbo ng isipan. Para kasing gusto kong itapon na lang yung hawak niyang sandwich tapos ako na lang talaga ang kainin niya e. Kaya lang naisip ko nagiging adik na yata ako kay Milan.

"Sa'yo lang ako lubusang nagpakapokpok Dakota. Kapag hinubaran mo ako rito ay hahayaan kita.  Hindi ako kailanman lumandi ng sagaran sa iba, sa iyo lang,"

"So lumandi ka pa rin!" inis kong turan. Ayaw ko sanang magselos at alalahanin ang Milan na ubod ng landi noon ngunit hindi ko maiwasan. I can still remember how painful everything was back then. Iyong maramdaman mo na hindi ka magagawang mahalin ng taong mahal mo pabalik? That is seriously messed up. At durog na durog ang puso ko ng mga panahong iyon.

MILAN (P.S#4)Where stories live. Discover now