13

1.3K 69 10
                                    

Alone...

"Bakit hindi mo sinabi sa 'min? Don't you trust us?" usal ni Milan. Palabas na kami ng ospital dahil nagkayayaan kaming kumain. Si Ulap kase, ang daldal. Nakakahiya naman sa mama ni Andrea so I had to do something.

Yes, I was just letting her handle that stupid situation she had with Chase. Obvious naman na hindi talaga sila but somehow, I like seeing them together. And it's her life, she can make her own decisions at hindi ako makikialam hangga't alam kong kaya niya. Pero kahit na hinahayaan ko sila, hindi ko naman gustong makarating agad kila Papa at maging sa Mama niya ang bagay na ito dahil kailan lang nagkakilala ang dalawa.

I  don't want them to think na kung ano-ano lang ang inaatupag ng aking kapatid sa escuelahan.

Huminga ako ng malalim. "It's something I wasn't ready to share. Kailan ko lang din naman siya nakilala,"

"So you chose to act like you don't know her in front of us?" nakakunot ang kanyang noo ng itinanong iyon.

"No, pinili kong hindi kami magkailangan habang kasama kayo. She's my half-sister and I know na nabigla kayo na malaman iyon, at sa ganito pang paraan kung saan makikita siya nila Ulap na nakahandusay sa sahig but..." napahinga ako ng malalim, I knew in the end, I'd still tell him anyways, "It was kinda personal to me. Pwede naman iyon, 'di ba? Pwede naman akong hindi muna magsabi kung hindi ko pa kaya?" tanong ko sa kanya. I saw how his face softened at my words and I'm guessing he already understood kaya hindi na siya kumibo.

Inalalayan niya akong makababa sa hagdan, his hands behind me at kahit hindi ko gustuhin, that simple touch sends too many butterflies inside me. Tumawid kami sa kalsada dahil may mga fast food chains naman sa kabila.

Of all the possible ways kung paano nila malalaman ang tungkol kay Andrea, it has to be this way, kailangan pang maospital ng aking kapatid.

Papa didn't say anything about it but I know he was a little disappointed dahil sa nangyari. I was suppose to look out for her especially sa school but that was a little impossible dahil hindi ko rin naman siya madalas binibigyan ng oansin.

Hindi ko pa kaya.

"Ulap, umayos ka nga sa pagtawid!" sigaw bigla ni Milan. Naghaharutan na naman kasi sila ni Lexo na madaling napingot ni Aedree. Yelo was walking along with Grey, I mean Lantis.

Nagulat ako ng biglang ipagsalikop ni Milan ang aming palad bago ako iginiya oatawid ng kalsada. He wasn't even looking at me pero ako itong kabado na agad sa simpleng paghahawakan lamang ng aming mga kamay, which is, in all honesty, hindi naman sana bago sa 'min.

He takes care of me, even before. Kahit sila Yelo, Julio o kahit na si Chase ay ginagawa ito.

Kasalanan kasi ng malanding lalaking 'to.

That one time he told me those silly things, and even hugged me... Hindi na naging madali sa 'kin ang ibalik sa dati ang aking nararamdaman. I was good at controlling my emotion pero hala, isang landi niya lang, pumutok lahat na parang mga lobo sa harap ang pader na akala ko ay matibay.

Hindi pa doon nagtapos ang kalandian niya, he didn't let me go. Nakayakap pa siya sa 'kin ng matagal. He didn't even know na kulang na lang ay himatayin na ako sa mga ginagawa niya.

So when I had the chance, I break free from his grasp at nagdahilan na lamang na magbibihis but I had to spend almost twenty minutes calming myself.

Calming down after Milan started flirting with you is such a tough job. Para akong sumabak sa gyera na walang dalang pananggalang, tanggap lang ng tanggap ng mga atake hanggang sa unti unti akong manghina at bumigay.

MILAN (P.S#4)Where stories live. Discover now