9

1.2K 64 8
                                    

Mawala...


"Ayaw mo pa rin nito? Ang sarap kaya," Milan lean a little at sinubukan na namang isubo sa akin ang isang kutsarita ng ice cream na kinakain niya.

Mabilis na nalukot ang aking ilong at ibinaling ang aking mukha sa kabilang direksyon para iwasan ang balak niya.

As much as I love Milan, I wouldn't give in over his sweet gesture kung mint chocolate ice cream lang din naman ang ipang aakit niya sakin. I'd rather kiss him now than take the courage to eat that goddamn ice cream flavor.

Agad naman siyang tumawa at nagawa oang kurutin ang aking pisngi.

Today, I asked Milan to meet me at the mall. Hindi ako nagpasundo dahil nasa bahay na ngayon ang aking kapatid and I'm not sure I am ready to share that family secret with my friends yet. Sure kababata ko sila but this one is to private, gusto kong ako na muna ang masanay bago ko sanayin ang mga taong importante din sa buhay ko.

Chaese Andrea, nagulat ako nang una kong madinig ang kanyang pangalan. Lalo pa nga noong makita ko ng malapitan ang kanyang mukha. She looks so innocent, so pure, kaya rin hindi ko siya makuhang kamuhian kahit pa nga kung tutuusin ay parang siya ang nag iisang katibayan ng kasalanang nagawa ni papa kay mama. But I refuse to blame her. Like what mama said, it's nobody's fault. Kung tutuusin ay marami kaming utang sa kanya, utang na kahit yata habang buhay naming pilit na bayaran ay hindi namin siguro magagawa.

Oo, gusto kong akuin ang ilang parte ng kasalanan ng aking ama. Hearing their side, hindi ko makuhang magalit kay papa. They were all victims.

The first time Chaese saw me. She hugged me so tight. I wish I hugged her back pero hindi magawa. Hindi ko pa kaya.

Ang sayang bumabalot sa kanyang mukha ng makita ako ay halos dumurog sa aking puso. She looks so excited to see me, to know that she has an older sister. But I had to crush her fantasy real fast nang hindi ko agad masuklian ang pagkamiss niya sa 'kin.

She looks so innocent.

Sa ilang araw na naroon siya sa bahay ay napansin ko din naman ang pagkakatulad namin ng ugali. Hindi din siya maingay. Or baka dahil hindi din kase palasalita si papa at ako kaya wala siyang makakwentuhan. Madalas siyang tumambay sa gawi ng pool at may hawak na notebook.

I wonder what she's writing though.

In a few days ay magsisimula na muli ang klase.

"Nga pala, huwag niyo na muna akong sunduin sa bahay. Kumuha ng driver si Papa," muli akong sumubo ng sarili kong ice cream at pinanuod ang pagtaas ng kanyang kilay.

"Bakit bigla naman? Sinusundo ka naman namin kahit na dati na kayong may driver ah?" naninimbang na ang kanyang tingin at talaga namang para akong nahahatak na bigla sa kanyang mga titig.



Agad akong nag iwas ng tingin sa kanya at muling sumubo ng ice cream. Sometimes I hate the fact that I have always been an open book to Milan. Hindi ko langndin alam kung bakit sa lahat ng dapat niyang basahin iyong nararamdaman ko sa kanya ang hindi niya mabasa, napakamanhid.

"It's something about an ongoing investigation or something. Mabilis din naman iyon," nguso ko. Nakuha ko pa siyang irapan dahil panay pa din ang sulyap niya sa aking gawi at tila ba anumang sandali ay may matutuklasan siya sa 'king lihim.

Yumuko ako bago bumuntong hininga. "Stop that. Ayaw mo ba noon, pwede mo na ding sunduin kung sinuman ang nilalandi mo. You'll have more time to flirt," bulong ko. Kahit masakit sa akin ang sabihin ang bagay na iyon ay nasanay na din naman ako.

MILAN (P.S#4)Where stories live. Discover now